NICO'S POV
Nakaupo ako sa isang round table sa loob ng shop habang hinihintay ang order kong cake.
"Sinong nagdedesign ng cakes n'yo?' tanong ko.
Tumigil sila sa kanilang ginagawa at binigyan ako ng ngiting nanunukso. "Si Aira...." sabi nila habang tinataas baba ang kanilang kilay.
"Ah... si friend." sumimangot naman bigla ang kanilang mukha na tila nadismaya sa narinig.
"Friend!? Hala nafriendzone si Ai..." napanguso naman si Jane habang sinasabi iyon. Ano bang bago sa sinabi ko? Kaibigan n'ya ako. KAIBIGAN N'YA LANG AKO...
"Jane, tanggapin nalang natin. Ganun talaga eh, yung mga taong nakakita na ng bagong kaligayan, nalilimutan na yung mga pangakong kahit kailan hindi s'ya susukuan..." sabi ni Ping na tila nangongonsensya pa.
"Ano bang----" sasagot pa sana ako nang biglang natigil sa paggalaw ang dila ko.
Nakita ko si Aira na naglalakad palabas sa pinto ng stock room. Naging slow motion ang paligid ko at tila nafreeze ako sa kinatatayuan ko.
Ang ganda n'ya talaga at ngayon mas gumanda pa...
"Good morning..." bati n'ya kasabay ng matamis n'yang ngiti.
"Huhulaan ko? Birthday n'ya? Or kung mali ako... monthsary n'yong dalawa?" masigla n'yang tanong.
Naninigas parin ang panga ko na tila ba ayaw akong pagsalitain. Ang sikip naman sa dibdib nito... yung palagi ka n'yang nginingitian pero alam mo sa sarili mong kahit kumain ka ng apoy at maligo sa ilog na punong puno ng buwaya, wala paring pag asang maging kayong dalawa.
"B-birthday ni Tita... isusurprise namin s'ya ni Happy." nauutal utal kong sagot. Tama nga pala si Erika, mahirap tanggalin ang nararamdaman sa taong matagal mong minahal.
"Pakisabi sa Tita mo happy birthday... Free na yung dedication at kandila, sagot ko na..." aniya.
"Kumusta naman kayo ng girlfriend mo? May balak ka bang bilhan s'ya ng cupcakes? Malay mo sagot narin ni Aira... lubos lubusin mo na..." pang aasar ni Ping. Naupo sa isang silya malapit sa table ko at nagpaypay ng sarili habang iniismiran kaming dalawa.
"Huh? Bakit, kailan ba ako nagkagirlfriend?"sagot ko. Nag ningning ang kanyang mga mata sa narinig at napatayo sa pagkakaupo pagkatapos ay biglang nakipag high five kay Jane.
"May chance pa!!!!" sigaw nila habang nagtatatalon.
"Chance para saan?" pinanlakihan naman sila ng mata ni Aira. Pinagmasdan ako ni Aira na tila ba humihingi ng pasensya sa kahibangan ng dalawa.
"Okay lang... hindi ka pa ba nasasanay?" wika ko.
"Oo nga naman..." napakibit balikat na lamang s'ya sa dalawa naming kaibigan.
Sinamahan ko s'ya sa kitchen para makapagikot sa shop nila at para narin ilagay ang dedication sa cake.
"Anong ilalagay ko?" tanong n'ya habang hawak hawak ang panlagay ng icing.
"Happy 45th Birthday Tita..."
"Yun lang? Wala ka nang gustong idagdag?" nilagyan n'ya ng iba't ibang design ang paligid ng cake at nagdedecide kung saang part ng cake ilalagay ang kandila.
"I- love you..." napalingon s'ya sa side ko at tinitigan ako ng may halong pagdududa.
"W-what?" nagdadalawang isip n'yang tanong.
"Happy 45th Bithday Tita, I love you..." sagot ko. Nagnod naman s'ya at napansin kong tila nagblush ang kanyang pisngi.
"Haha. Medyo nag assume ako don. Sorry, sorry." natatawa n'yang sabi. Akala pala n'ya para sa kanya yung I love you ko.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...