CHAPTER 60

418 8 4
                                    

NICO'S POV

"We're very sorry, Mr. Suarez but today would be your last day. The admins have decided to let you go." Halos hindi na ako nasurpresa sa aking narinig. Alam na namin ng mga co-teachers ko na anytime mawawalan na kami ng trabaho.

Inexplain nila sa amin noon pa ang dahilan na kailangang magbawas ng teachers dahil kumokonti na ang nag eenrol na estudyante at mas priority nila ang mga LET passers. Lima kaming natanggal kasama sina Dave at Erika.

"Anong oras ng proposal? Anong plano!?" salubong sa akin ni Macky pagpasok ko ng bahay. Nandito sila nila Happy, Zach, Tungsten, at Jeremy.

"Wag muna. Saka nalang. Katatanggal ko lang sa trabaho." malamya akong umupo sa sofa at itinaas ang paa sa ibabaw ng lamesa. Monthsary namin ni Aira ngayon at nag iisip ako ng surprise para sa kanya kaso palaging sumisingit sa isip ko ang pagkatanggal ko sa trabaho. Hindi tuloy ako makaconcentrate. Nakakainis.

"Ngayon na! Sige ka, baka biglang magovertake si Jian. Mini proposal palang naman eh, saka na yung grand proposal kapag ayos na ang lahat. Sa ngayon, gagawin mo yung proposal para maging assurance na hindi na mawawala si Aira sa'yo."

Nagdadalawang isip pa ako. Ngayon na? Agad agad? Kagabi lang napag usapan namin ito. Hindi kaya mabigla ko si Aira? Pero sabagay surpise nga diba? Talagang mabibigla s'ya.

Kaya lang, anong mukha ang ihaharap ko sa mommy at lola n'ya ngayong wala na akong trabaho?

"Wala pa akong maisip na plano atska mahirap naman kung basta basta nalang gagawin yung proposal no. Gusto ko planado."

"Plano ba? Tss. Meron ako n'yan." tumayo si Jeremy sa aming harapan at pumamewang. "May singsing na naman diba? Ang naisip ko, ilalagay natin yung singsing sa cake. Diba may bakeshop naman si Ping, yung kaibigan mong bakla? Pakakainin ni Nico si Aira ng cake tapos sa huling subo n'ya nandun yung singsing. Then, tatanungin s'ya ni Nico, "Will you marry me?". Oh diba ang talino ko?"

Isa isa namin s'yang binato ng throwpillow. "Ilalagay sa cake? Sino bang baker ni Ping, eh di ba si Aira? Utak naman, Jeremy. Atska cliche nayan eh." wika ni Tungsten.

"May naisip akong mas magandang ideya. Kunwari nakalimutan ni Nico na monthsary nilang dalawa... tapos kapag nasa bahay na si Aira, susunduin s'ya ni Nico para dalhin sa Baywalk kung saan, nag aabang yung floating restaurant nila Zach. Magandang moment yun! Imagine malamig ang simoy ng hangin tapos may mga tumutugtog ng violin. Ano sa tingin n'yo?" nagkatinginan kaming lahat bago tuluyang sumang ayon sa planong naisip ni Tungsten.

"Agree ako,kayo ba? Basta dude, ang samin lang naman wag mo na sanang sayangin ang pagkakataon. Doon din naman papunta yun eh." ani Zach.

"So, ano pang hinihintay natin? Let's do it." wika ko kahit sa loob loob ko ay nakakaramdam ako ng kaba, parang excited ako na ewan. Sigurado ako sa aking gagawin ngunit may parte ng katawan ko na humihila sa akin pabalik. In short, I feel strange.

AIRA'S POV

Wala na akong alinlangan pa kay Nico dahil nasa kanya na ang lahat. Mapagmahal, mabait, maalaga, may pangarap, at parang lahat nalang ng bagay ay kaya n'yang gawin para sa akin. Kung meron man s'yang hindi kayang gawin, ay marahil ay ang iwan ako at saktan.

Kaya naman sigurado na akong siya na. Siyang siya na talaga.

"Hindi ba masyado namang mabilis? Girl, kapag pinush mo 'yan, wala nang urungan. Sigurado ka na ba?" Kasama ko si Ping at si Jane sa loob ng kitchen habang pinaplano ang proposal ko para kay Nico. Wala namang masama kung babae ang gagawa diba?

Naisip kong sobra sobra na ang ginawa para sa akin ni Nico kaya panahon na para ako naman mag effort ng bongga para sa kanya.

"Oo naman yes. Sure na sure." Excited kong tugon. Pero kung oo man ang sagot n'ya (na sure akong oo naman talaga. haha) ay hindi naman kami magpapakasal agad. Mag iipon muna kaming dalawa para sa future at isa pa, hindi pa naman kami readyng ready para bumuo agad ng pamilya.

"To have and to hold? From this day forward? for better or for worse? for richer or for poorer? In sickness and in health? Until death do you part?" sunod sunod na tanong ni Ping.

"I do. Not just 'till death do us part, but 'till life after death."sagot ko na nakapagpatili sa kanila ng husto.

"Basta gawin n'yo na lang yung iniuutos ko sa inyo. Wag n'yong kakalimutan yung rose petals at balloons... susunod na lang ako sa bahay kapag natapos ko na itong explosion box." Sa rooftop ng bahay ko balak gawin ang proposal kung saan unang beses umamin si Nico ng feelings n'ya sa akin.

Naalala ko pa noong naiwan kami sa rooftop at dahil sa sobrang kalasingan ay nahalikan ko s'ya. Sinabi n'ya sa aking mahal n'ya ako pero dahil ayaw ko s'yang sagutin ay nagkunwari akong tulog.

"Nagreet mo na ba s'ya ng happy monthsary?" pahabol na tanong ni Ping bago umalis.

"Hindi pa... sabi sa akin ni Jackie magkunwari akong nakalimutan ko para surpriseeee! Pero nag usap kaming dalawa kanina na magkikita kami mamayang 6pm."

"O sige na... Gora na kami ha." Umalis na ang dalawa at ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Isa na lang pati ang kulang, yung singsing.

Kinapa ko ang singsing sa aking bulsa para ilagay ito sa isang maliit ng na heart-shape box na ako mismo ang gumawa.

Maaga akong pumunta UniSilver para bumili ng enggagement ring para sa aming dalawa. Pasimple ko s'yang sinukatan kaninang madaling araw habang natutulog s'ya ng mahimbing sa kusina.

"This is it!" Eksaherada akong lumabas ng kusina ngunit sa aking pagmamadali ay natabig ko ang explosion box dahilan para mahulog ang singsing sa sahig.

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung saan nagmula ang nararamdaman kong ito ngunit para bang may mali.

Nagmadali akong pumunta sa bahay dahil malapit nang mag alas sais. "Wala 'to. Kalma lang Aira... Kalma." sabi ko sa aking sarili. Nangangamba ako sa di ko maipaliwanag na dahilan.

Hinahabol ko ang aking hininga bunga ng pagod sa labis na pagmamadali ngunit mas sumama ang aking timpla nang makita ko ang hindi ko dapat makita.

Puta. Hindi s'ya dapat nandirito. Jian McMillan, panira ka.

"Wag ngayon." bungad ko sa kanya. Nilampasan ko s'ya at mabilis na pumasok sa gate ngunit sa halip na umalis ay sinundan ako sa loob ng bahay.

"Hindi ka ba marunong umintindi? Pwes, dalawang minuto. Sabihin mo na lahat ng gusto mo at pagkatapos, good bye!" Lumapit s'ya sa akin at bigla na lamang akong niyakap ng sobrang higpit. Pinilit kong kumalas sa kanya ngunit bago ko pa nagawa ay pinasadahan n'ya agad ako ng isang nakaw na halik.

"Fuck!" Napamura ako sabay sampal sa kanya ng dalawang beses. Anong pumasok sa isip n'ya para gawin ito? Hindi parin ba malinaw ang lahat?

"Kiss and make up, Aira. Nagbabakasakali lang ako... na pagkatapos kitang halikan ay marealize mong ako parin pala. Nagbabakasakaling mawala yung nararamdaman mo para sa kanya. Ganon naman yun diba, nabubura ng halik ang lahat ng galit at alinlangan? Aira, bakit hindi mo subukan? Bakit hindi natin itry for the very last time?"

"Yun lang ba?" Para matapos na. Hinila ko s'ya ng marahas palapit sa akin at pinagbigyan ko ang hinihingi n'ya. Hinalikan ko s'ya ng puno ng pait at galit... Halik na puno ng masamang alaala. Isang halik bilang indikasyon na walang wala na.

"Siguro naman malinaw na kung anong nararamdaman ko para sa'yo. Tigilan mo na ako. Umalis ka na!" Itinulak ko s'ya palabas ng pinto para ipagtabuyan. Umaasa akong aalis na s'ya pero kahit sa huling sandali ay heto parin s'ya at kumakapit pa.

Muli, ako'y kanyang hinalikan kahit pilit ko na s'yang ipinagtutulakan palayo. Sa kabila ng aking pagtangis ay ayaw parin n'yang bumitaw. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumuha at tila ba nanlambot na ang aking mga tuhod sa sakit na aking nararamdaman. Ang sama n'ya. Sobrang selfish n'ya.

"A-anong gusto n'yong background music?" Halos gumuho ang aking mundo nang marinig ang boses ng aking pinakamamahal.

Nakita ko s'yang pilit na nagpipigil ng luha habang nakatikom ang kamao sa galit dahil sa eksenang nasaksihan. I'm sorry, Nico hindi ko gusto ito.

-----
#NLTMKissAndMakeUp

Now Playing: Coda by Spongecola (Para mas feel. Huehue)

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon