CHAPTER 69

366 11 0
                                    

NICO'S POV

Bakit ba kasi pinapahirapan pa n'ya ang sarili n'ya? Tanggap ko na eh. Kung niloko n'ya ako ay okay lang wag naman sana yung gagawa pa s'ya ng kung ano anong paliwanag para patunayang hindi n'ya iyon gusto.

"Mahal mo ba s'ya, Nico?" Nakaupo rin s'ya sa buhangin ngunit ilang metro ang layo sa akin. Hindi ko s'ya tinitingnan bagkus nakatigil ang aking paningin sa dagat kahit hindi ito ang tanawing nasa isip ko.

Mahal ko parin s'ya. Ito ang laman ng isip ko. Pero sa bawat sandaling inaalala kong nagmahalan kami ay hinaharang ito ng maraming mga tanong. Ginugulo rin ito nang mga panahon at mga eksena kung saan hindi pa n'ya ako mahal, nung umaasa pa lang ako, mga alaalang tinatanggihan n'ya ako at ipinagtutulakang palayo, lalong lalo na nung nahuli ko sila.

"Oo. Mahal ko s'ya. Mahal ko na s'ya." pagsisinungaling ko Kailangan kong maging malakas dahil ito lang ang paraan para maalis ang awa ko sa sarili ko. Ito lang ang paraan para mapagaan ko ang pakiramdam ko.

"..B-bakit?" tanong n'ya.

Nilingon ko s'ya sandali saka muling nag iwas ng tingin. Umiiyak s'ya at sa kasamaang palad ay hindi ko ito gustong makita. Parang may hapdi sa part ko. Hindi ko alam pero hindi naman ito ang gusto kong maramdaman.

"Kasi hindi s'ya ikaw. Ibang iba s'ya kumpara sa'yo. Hindi s'ya tulad mo."

Humagulhol s'ya at dahan dahang tumayo. Yun din sana ang gusto kong gawin ngunit pinipigilan ako ng sarili ko. Pinipigilan ako ng galit na nararamdaman ko.

"Nico, mahal kita. I love you... I still believe in loving you... naniniwala parin ako satin." Hindi ko man s'ya nakikita ay alam kong may tumutulong luha sa mga mata n'ya. Pero sa kabila ng pag iyak n'ya ay hindi ko parin kayang tanggapin. Palaging nagtatalo ang puso at isip ko kaya lang hindi ko alam kung alin ang dapat na sundin ko.

"I love you? Mahal mo ako? Why? What does it mean, Aira?"

Tumayo ako at hinarap s'ya. Nilagay ko ang aking mga kamay sa aking bulsa at umastang hindi naapektuhan. Walang gana s'yang nakapwesto doon ngunit diretsong nakatingin sa akin. "I love you... it means I won't give up on you."

Tumalikod s'ya para umalis na at tinalikuran ko na rin s'ya. Sa mga sinabi n'ya ay mas lalong naguluhan ang isip ko. Mali ba ako?

Tila isang malakas na echo na bumalik lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sa kanya. Kung mali nga ako ay isang malaking pagkakasala nga iyon laban kay Aira.

Muli ko s'yang nilingon na ngayon ay nakatigil parin sa hindi kalayuan. Ilang sandali pa ay muli s'yang naglakad patungo sa kanilang cottage at nang akmang lalapitan ko na s'ya ay agad naman s'yang sinalubong ni Jian.

Niyakap s'ya nito at dahan dahang hinawi ang mga takas na buhok sa kanyang mukha. Matagal sila sa posisyong iyon. Nakayakap si Jian kay Aira habang s'ya naman ay nakapatong ang ulo sa mga balikat nito.

Hindi maalis ang aking mata sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at malayo ako para makita ko ng walang abala ang lahat. Dahil malabo at taliwas sa lahat ng sinasabi n'ya sa akin ay napatunayan kong hindi ako mali.

Ang gulo na. Malabo na talaga.

Nakatulog na siguro si Aira kaya maingat na s'yang binuhat ni Jian papasok sa cottage nila. Ang sweet. Parang telenobela.

Nagtungo narin ako sa cottage namin ni Michelle para matulog pero hindi iyon ang nangyari. Naglaro lahat sa isip ko ang mga sinabi n'ya.

Bakit parang totoo?

Bakit parang mahal n'ya nga ako?

At parang kidlat na susumpungin na naman ako ng mga alegasyon ko. Paulit ulit na ganon na lamang ang pumapasok sa isip ko.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon