CHAPTER 67

352 7 2
                                    

AIRA'S POV

Maaga kaming pumunta sa simbahan kasama sina Mommy at Lola. 8am ang schedule ng binyag pero sampung minuto na lang bago magsimula ay hindi parin kami nakukumpleto.

"Natraffic lang daw si Ate Karen." wika ni Ken. Hindi ko alam kung hindi lang sila nagpapahalata sa akin ngunit sa palagay ko ay si Nico ang kanina pa nilang hinihintay.

"Darating kaya s'ya?" pahuning sambit ng hindi marunong umacting na si Jeremy.

"Bakit ka ba concern? Close ba kayo?" pagsalo ni Zach sa eksena ngunit halata rin naman. Nagsiupo na ang lahat nang dumating na ang pari para simulan ang baptismal ceremony. Ilang sandali pa ay may dumating kaya ang ilan sa kanila ay pasimpleng sumilip sa likuran.

"Sana si Nico." bulong ng puso ko. Dahan dahan akong lumingon kasama ang pag asa ngunit agad rin akong nabigo nang si Karen ang aking nakita.

Sa mga ninong at ninang ni baby Albie ay si Nico lang ang hindi umattend. Hindi ko lubos maisip na dahil sa nangyari ay naging mailap narin si Nico kahit sa mga kaibigan namin. Naging maliit tuloy ang mundo para sa kanya sa pag iwas na magtagpo kaming dalawa.

Hanggang sa sinimulan nang buhusan ni Father ng tubig si baby Albie ay unti unti na akong nawawalan ng pag asa. Kahit ang oras ay ipinaparamdam na sa akin ang hindi n'ya pagdating.

"Ihahatid ko si Mama sa Mindoro kasama ang Daddy mo. Mag ingat na lang kayo ha." paalam ni Mommy. May sakit kasi ang kapatid ni Lola at matagal narin silang hindi nagkikita kaya bibisitahin nila.

"Goodbye Jackie, ikakain na lang kami ni Ping." pang aasar ni Lola sa lumulusog na si Ping. Nagbeso sila sa isa't isa bago tuluyang umalis at kami naman ay dumiretso na patungo sa reception.

Sagot ni Zach ang venue kaya naman nagplano narin ang barkada mag overnight. Mayroon silang private resort sa Nasugbu at sa kalapit nito ay ang pagmamay-ari rin nilang Esguerra Woods.

Pumunta ako sa harap ng hapag at pinagmasdang maigi ang mga nakahaing pagkain. Lumapit si Ping sa tabi ko at ipinaglagay ako ng pagkain. "Bilisan mo ang pagkain, late ka na sa pag inom ng gamot." bulong niya.

Tumabi ako sa tahimik na si Macky at doon kumain. "Okay ka lang ba?" tanong n'ya.

Tumango ako bilang sagot. Inilapit n'ya sa akin ang kanyang silya at ilang sandali akong tinitigan. "Aira, okay lang din s'ya." mahina n'yang sambit.

"Alam mo kung nasaan s'ya?" Bumilis ang tibok ng aking puso habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Hindi." At nang sabihin n'ya iyon ay nag iwas s'ya ng tingin. "Ang ibig kong sabihin, hindi pababayaan ni Nico ang sarili n'ya."

Hindi ko maiwasang magtaka ng labis sa mga kakaibang kilos ni Macky. Pagdating kasi sa usapang Nico madalas ay hindi s'ya umiimik. Ngayon ay tila lumakas ang aking loob dahil nararamdaman kong mayroon s'yang nalalaman na hindi n'ya sinasabi.

"Macky, kumusta na kaya s'ya? Naiisip kaya n'ya ako?" Sinusubukan ko s'yang hulihin at umaasa akong hindi rin s'ya makakatiis at sasabihin din n'ya.

"Si Nico lang ang makakasagot n'yan, Aira." Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Napapansin ko ang mga pasimple n'yang pagtingin sa akin at nang nilingon ko s'ya ay biglang nag iwas s'ya ng tingin.

Bumuntong hininga ako at ipinagsantabi sandali ang aking pagkain. "Come on Macky, ang gusto ko lang naman malaman ay kung alam mo kung nasaan s'ya. Yun lang."

Maang s'yang tumingin sa akin at tila may balak pang magsinungaling. Paulit ulit s'yang umiling ngunit nang hawakan ko ang kanyang kamay ay sumuko rin s'ya.

"Fine. Alam ko kung nasaan s'ya. Pero sa ngayon Aira, wala s'yang balak magpakita." Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa pag amin n'ya ngunit hindi parin ako kuntento. Hindi ko man s'ya mapilit ngayon ay naniniwala akong sooner or later malalaman ko rin. Sa aming barkada kasi silang dalawa ni Jeremy ang madaling mapilit sa pagsasabi ng mga sikreto. Pasasaan ba at bibigay rin s'ya. Sana nga.

"Thank you." wika ko. Lumapit ang karamihan sa aming table para isagawa ang aming group picture kasama sina Jackie at ang baby. Nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Macky dahil nanatili na sila sa aming table para makipag kwentuhan.

"Wait lang ha." paalam ni Macky nang biglang magring ang cellphone n'ya. Bahagya n'ya itong itinaob sa lamesa bago n'ya ito sagutin.

Umaasa akong si Nico ang palihim n'yang kinakausap kaya nagmamadali akong pumunta sa powder room ng resort para uminom ng aking gamot ngunit nang buksan ko ang aking bag ay hindi ko ito makita. Mabilis kong tinungo ang aming cottage para halungkatin ang aking maleta pero wala parin ang mga gamot ko.

Tatlong araw kaming mamamalagi sa resort na ito kaya naman tatlong araw rin akong maliliban sa pag inom ng mga reseta ng doktor. Kung kailan naman excited akong gumaling dahil nararamdaman ko na ang muli naming pagkikita ni Nico ay saka ko naman naiwala yung gamot.

"Hi..." Bati ni Ivy nang makasalubong ko s'ya paglabas ko ng cottage namin. Halatang nabigla rin s'ya sa paglabas ko ngunit sa kabila noon ay ngitinitian parin n'ya ako.

"Hello." nakangiti kong sagot sa kanya na mukhang ikinagulat n'ya. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng hindi mapatawad kaya naman naiintindihan ko na s'ya. Mahirap rin naman pala lalo na kung may mali ka. Tinalikuran ko na s'ya para hanapin sina Ping at Jane pero muli s'yang nagsalita.

"Kapag kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako." napaos ang kanyang boses nang sabihin ito. Pinag iisipan ko kung lilingon ba ako o hindi. Biglang lumambot ang puso ko na para bang kapag muling nagtama ang mga mata naming dalawa ay hindi ko mapipigilang umiyak.

Sa tagal nang panahong hindi ko s'ya kinakausap ng maayos ay parang naging mahirap na ito para sa akin ngayon. Aamin kong minsan namimiss ko s'ya. S'ya kasi noon ang palagi kong napagsasabihan ng problema. Hindi katulad ng pagsasabi ko kay Ping at Jackie na kahit sobrang close namin ay minsan nahihiya parin akong mag open up.

"Sige." Nanikip yung leeg ko dahil sa pagpigil ko ng aking emosyon. Sa totoo lang gusto ko s'yang yakapin at humingi ng sorry sa kanya pero hindi ko nagawa dahil sa taas ng pride ko. Gusto kong sabihin sa kanyang napatawad ko na s'ya pero pakiramdam ko ay isang malaking sampal yun sa akin. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Tahimik akong bumalik ako sa session hall ng resort para sumama sa karamihan. Wala na ang ibang bisita at kami kami na lamang magkakaibigan ang naririto.

"Excuse me po sir, delivery po para kay Ms. Jackie McMillan." dumating ang boy nila Zach sa session hall dala ang isang paper bag.

"San galing?" kinuha ito ni Jackie at nanlaki ang mata ng mabasa ang greeting card nito. "Regalo ni Nico para kay baby." sambit n'ya kay Ken.

Ilang sandali pa ay dumating na si Macky kasama si Barry. Masayang masaya ang boys nang makita s'ya pati narin si Jane. Kaklase namin s'ya nung elementary na ngayon ay mayor na ng municipality ng Taal.

"Mayor! Namiss ka namin." salubong nila. Nagpapadyak si Jane nang makita s'ya at dali daling niyakap si Barry.

Childhood sweethearts ang dalawa kaya naman pinaulanan sila ng kantyaw ng mga kaibigan namin sa muli nilang pagkikita. Ako naman ay humalukipkip lang sa isang tabi bunga ng pagkabigo sa pag asang si Nico na ang kasamang dadating ni Macky.

"Nasaan nga pala si Nico? Balita ko kayo na raw?" tanong ni Barry nang makita ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at kung ano ang tamang sagot sa tanong n'ya.

Huli na s'ya sa balita dahil wala na... Hindi na kaming dalawa.

#NLTMHoping

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon