CHAPTER 23

492 30 18
                                    


NICO'S POV

Kaaalis lang lahat ng bisita at nakaupo kami ngayon ni James sa hagdanan malapit sa daan.

5 years old lang s'ya at sira s'ya sa letter "R", yung R n'ya ay nagiging "W".

"Kuya Pawe, sowwy ha. Nasabi ko yung secwet mo kay ate Aiwa."

"Pawe okay lang 'yon. Hindi na naman secret yun kasi matagal n'ya nang alam."

"Eh pawe, okay lang ba sa'yo kahit fwiends lang kayo?" tanong n'ya

Updated s'ya sa lovelife ko dahil sa kanya ako palaging nagkukwento. Palaaral kasi si Happy kaya hindi ako makapagshare.

"Oo naman pawe, alam mo mas okay na friends lang kami kasi pag friends okay lang kahit madami pero pag girlfriend dapat isa lang."

"Talaga? Dapat isa lang ang giwlfwiend?"

Hayst bata nga naman.

"Oo naman pawe."

"Gusto ko tatwo."

"Pawe, hindi pwede 'yon." pagtanggi ko.

"Eh bakit si Mang Bewto, dalawa ang asawa?" naguguluhan n'yang tanong

"Ha? Sinong pa yung isa? San mo naman narinig 'yan?"

"Sa kabitbahay. Sabi ni Aling Mawie hindi lang daw si Ate Edna ang asawa ni Mang Bewto."

Napapaligiran kami ng mga chismosang kapitbahay kaya naman kahit mga bata madaming alam sa kahit usapang pangmatanda.

"Pawe, masamang makinig sa usapan ng matatanda. Tsaka wag mong tutularan si Kuya Berto dapat isa lang ang girlfriend mo, mas lalo namang dapat isa lang ang asawa mo."

"Okay kuya pawe, sabi mo eh."

" Teka, gabi na pawe. Matulog ka na
Sige ka baka hindi ka na tumangkad."

"Ganun ba 'yon. Siguwo laging puyat si Kuya Jewemy."

Umuwi na s'ya sa bahay nila para matulog at naiwan naman akong mag isa dito sa hagdan.

Naisip kong okay narin naman 'tong set up namin ni Aira. Okay narin kahit friends lang kaming dalawa.

Mabait naman si Jian eh medyo bad boy lang ang dating n'ya.

"Nico, isara mo nang maayos ang gate ha. Matulog kana rin." wika ni Tita habang nagsasara ng bintana.

"Sige po. Nga pala Tita, nakabayad na ba ng tuition si Happy? Sweldo ko na next week...."

"Binayaran na ng tito mo. Atsaka sagot na namin 'yon. Ikaw na nga ang nagbayad ng kuryente tapos gusto mo ikaw parin ang sumagot sa tuition ni Happy."

"Okay lang naman Tita, hindi ko naman gagamitin eh."

"Sa ngayon, eh paano kapag nagkapamilya ka? Eh di wala kang ipon. Matuto kang magtipid wag puro kami." sabi n'ya habang nakangiti.

Mabuti nalang sila ang naging pangalawang pamilya ko. Hindi tulad ng mga napapanood sa teleserye na, kapag nakikitira ka lang sa kamag anak mo, kahit kadugo ka nila, sinisingil ka.

Iba si Tita. Parang mama ko rin s'ya. Si Tito naman mabait rin, clown s'ya at talaga namang masiyahin. Si Tito ang kapatid ni Papa.

Si Happy at Glad ang mga tinuturing kong kapatid. Mas kapatid ko pa nga sila sa mga kapatid ko sa side ng Papa ko.

JIAN'S POV

Pagkatapos ng trabaho ko sa studio, dumiretso ako sa office nina Aira para sunduin s'ya.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon