CHAPTER 72

492 14 1
                                    

AIRA'S POV

Totoo nga namang pagkatapos ng sakit ay may ligaya. Hindi ko inaasahang magkakatotoo ang lahat, na babalik lahat sa dati. Akala ko noon umaasa lang ako dahil mahal na mahal ko pa s'ya pero heto s'yang yakap yakap ako at mas mahigpit pa.

"Magpahinga kana... ihahatid na kita." Hinawakan n'ya ang kamay ko para anyayahang tumayo.

Hindi ko namalayang hatinggabi na pala at may ilang ulit na akong napaidlip sa kanyang balikat.

"Loving loving muna kayo ha... Susunod kami. Tatapusin lang namin 'to." wika ni Ping na nag eenjoy sa paglalaro ng uno cards.

Kinalas ni Nico ang kamay n'yang nakakulong sa aking mga daliri para ako ay maakbayan. Binuksan n'ya ang pintuan ng cottage namin at saka binuksan ang ilaw.

"Hihintayin kitang makatulog." aniya.

Umupo ako sa aking kama at inalis ang pagkakaipit ng aking buhok. Sinuklay ko ito gamit ang aking mga daliri at saka hinawi ito sa kanang bahagi ng aking balikat.

Nakatingin lang si Nico sa malaking salamin na nasa aming harapan at pinagmamasdan ako habang inaayos ko ang aking sarili. Nginitian ko s'ya at pagkatapos ay mas lumapit s'ya sa aking likuran saka ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat malapit sa aking leeg.

"Namiss kita... Sorry ha." aniya. Ikinulong n'ya ako sa kanyang mga bisig at ihinilig ko ang aking ulo malapit sa kanya. Kay gandang pagmasdang ng repleksyon namin sa salamin na ganito. Tila ba wala nang iba pang tanawin ang hihigit pa kaysa rito.

"Tapos na 'yun. Lahat naman talaga ng lovestory nakakaranas ng conflict. At maraming pang ibang darating... Ang mahalaga hindi tayo bibitaw." sagot ko. Hugowt.

"Hindi talaga. Hindi na kita bibitawan... never." sabi n'ya sa napapaos n'yang boses.

Hinarap ko s'ya at pinagmasdan ang kanyang mukha. Ngumisi s'ya at itinapat ang kanyang noo sa noo ko. Hinalikan n'ya ang aking ilong at saka ibinaba ang kanyang halik patungo sa aking nasasabik na mga labi.

Bumitaw s'ya sa kanyang pagkakayakap pagkatapos ay kinuha ang kumot sa ibabaw ng aking unan. "Tulog ka na." malambing n'yang sabi.

Humiga ako sa aking kama at ganun din naman s'ya. Magkaharap kaming dalawa habang ang kanyang kamay ay malumanay na hinahaplos ang aking pisngi. Nararamdaman ko na ang antok pero sa kabila noon ay paulit ulit akong napapamulat para muling mapagmasdan ang kanyang mukha. Hindi parin ako makapaniwalang narito na s'ya sa aking harapan. Sobrang saya ko.

Hindi ko na namalayan na umalis na s'ya dahil sa himbing ng aking tulog. Kapapasok lang nila Ivy at Ping sa kwarto at nagising ako sa kanilang tawanan.

"Ehem. Ang lawak ng ngiti oh abot hanggang fallopian tube." pagbibiro ni Ping.

Umupo sila sa aking kama at bumangon naman ako para makiusap sa kanila. Alas kwatro na pala at ngayon lang nila naisipang magsitulog.

"Ano na?" tanong ni Ivy. Niyakap n'ya ang aking braso para makinig sa aking mga sasabihin.

"Kailangan ko ng tulong n'yo." sagot ko.

NICO'S POV

Nauna akong nagising sa nakaset kong alarm at bumangon na agad ako para maligo dahil mamaya ay uuwi na kami. Pagkatapos kong magbihis ay inilapag ko ang aking maleta sa tapat ng pinto at lumabas ako para puntahan si Aira sa cottage nila.

"Aira..." kumatok ako pero walang tumutugon.

Bukas ang pinto kaya sinilip ko ang loob at nadiskubreng wala nang tao doon.

Natanaw ko ang ilan sa aking mga kaibigan sa may dalampasigan kaya naman nilapitan ko sila.

"Bakit parang wala pa kayong tulog?" tanong ko nang mapansing suot parin nila ang damit nila kahapon. Pulang pula ang mata ni Jeremy at mukha namang bangag na bangag si Macky.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon