CHAPTER 56

364 9 5
                                    

AIRA'S POV

Wala ako sa wisyo habang nagsasalansan ng mga gamit ko pangbake nang biglang may kumatok sa pinto.

Sino kaya iyon? Hindi ko magawang lumingon o kahit magsalita man lang. Iniisip kong baka si Jian na naman ang nasa labas para muli akong makausap. Ayoko. Hindi dapat. Ayoko na s'yang makausap at makita pa.

"Babe, pansinin mo naman ako." tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang marinig kong si Nico pala ang tumatawag ng atensyon ko.

"Hey." sinalubong n'ya ako ng isang matamis na halik sa noo at pagkatapos ay umupo s'ya sa isang monoblock chair malapit sa akin.

Nakatitig lang s'ya sa akin at hinihintay akong magsalita ngunit sa oras na ito ay wala akong masabi. Ayokong magsinungaling ngunit ayoko rin naman magsimula ng isang bagay na ikakabother n'ya.

"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Magpacheck up na tayo... baka kasi kung ano na yan." aniya.

"Pagod lang ako. Puyat narin siguro. Wala pa kasi akong tulog eh." Hindi naman kasi mahalaga kung bumalik na s'ya or what dahil ang nakaraan ay tapos na at kahit may kulang ay ayoko nang ungkatin pa. I'm with Nico now. 

"Ihahatid na kita. Sabay narin tayong magdinner? Okay lang ba kung sa bahay n'yo ako kumain?" Napabuntong hininga ako. Mukhang kailangan kong magsinungaling. White lie.

"Pwede bang next time na lang? Sasamahan kasi namin si Jackie sa mall. Mamimili kami ng mga gamit para sa baby n'ya." Tss. Mali ito. Pero para rin naman ito sa peace of mind n'ya. Baka kasi paguwi namin sa bahay bigla nalang tumambad si Jian sa loob ng living room asking for another chance. OA man ang imagination ko pero ayaw ko lang naman ng gulo. If ever.

To be honest, nakaramdam ako ng konting regret at guilt nang malaman ko ang katotohanan kung bakit s'ya umalis. Kaya lang mali siya. Nagpakaduwag s'ya. Pwede n'ya namang sabihin sa akin ang totoo. Maiintindihan ko naman kahit mahirap. Matatanggap ko naman kahit komplikado pero nagsinungaling s'ya. Sinaktan n'ya parin ako.

"Uhm... Okay. Siguro naman wala kang lakad bukas diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ko at pinisil pisil ito. Now I'm guilty. Kahit white lie lahat ng ito ang bottom line ay hindi ako naging honest. Pero one thing is for sure... si Nico parin ang pipiliin ko dahil s'ya na ang mahal ko ngayon. Sigurado na ako at hindi ko kailangang malito. Seryoso ako kay Nico.

"Oo naman. Magkita tayo bukas. Wag kang mag alala babawi ako sa'yo..." I swear hindi ko gustong magsinungaling.

"Sige... baka hinihintay na kayo ni Jackie." tumayo s'ya at bahagyang inayos ang buhok sa tapat ng salamin. "By the way... mag ingat ka na sa mga kinakain mo. Eat healthy... sundin mo na yung meal plan mo. Bawal na ang fast food. Okay?"

Tumango ako sa pagsang ayon ngunit deep inside medyo napipilitan dahil biglang pumasok sa isip ko ang burger. Simula kasi nang kumain kami sa Patty B, araw araw na akong nagkecrave.

"Sorry talaga ha." pahabol ko sa kanya bago s'ya tuluyang lumabas ng pinto. Tumigil naman s'ya sandali at nilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.

"No problem. Safe ka naman sa mga kaibigan natin kaya pwede kang lumabas kasama nila anytime. Isa pa, I trust you." at nang sabihin n'ya yung mga salitang iyon ay lalo akong nakonsensya.

I pulled him closer and kissed him a little bit harder. Hindi man angkop sa eksena ang paghalik ko sa kanya ngunit ginawa ko parin because I love him so much and this is my way of telling him na s'ya lang talaga at wala akong iba.

"Para saan 'yun?" nakangiti n'yang sambit habang nakapikit parin.

"For everything... I love you." Inayos n'ya ang aking side bangs at hinawi ang kanyang mga malambot na kamay mula sa aking anit down to my chin.

"I know. And I love you likewise." Ihinatid ko s'ya sa labas ng bake shop at hinintay na umalis bago tuluyang pumasok muli sa loob. Hindi parin gumagaan ang pakiramdam ko dulot ng maliit na kasinungalingang iyon. Paano kung malaman n'ya. Dapat sabihin ko parin. Kaya lang kailan?

NICO'S POV

Umuwi na ako diretso sa bahay para magpahinga. Marami akong inaasikaso ngayon at mayroon ding pinoproblema. Nabalitaan ko na baka magbawas daw ng teachers sa school dahil kumukonti na ang mga estudyante kaya naman napaisip ako kung isa ba ako sa mga posibleng matanggal.

"Kuya, kanina ka pang hinihintay ni kuya Ken. Nandun s'ya sa kwarto mo hinahanap yung yearbook n'yo." wika ni Happy na gumagawa ng paper roses sa terrace.

Nagtaka tuloy ako kung bakit hinayaang magmall ni Ken sina Jackie nang wala s'ya. Hindi ba dapat kasama s'ya o sana ihinatid man lang n'ya sila.

"Bakit hindi ka nila kasama pamimili? Ayaw ka bang isama ni Jackie?" tanong ko sa kanya ngunit tila wala s'yang ideya kung ano ang sinasabi ko.

"Nagmall sila? Akala ko ba hindi muna uuwi si Jackie ngayon." napanguso s'ya. "Siguro ipinagdadamot na talaga s'ya sa akin ng papa n'ya. Gagong biyenan!"

"Baka naman isusurprise ka." wika ko kahit hindi sigurado. Sana man lang sinabi sa akin ni Aira na hindi pala alam ni Ken para naman hindi ako nadudulas.

"Nga pala... pahiram ng yearbook ha. May hahanapin lang ako." binuklat n'ya ang maalikabok na yearbook at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa.

"Sino? Hindi mo ba nakuha yung sa'yo sa registrar?"

"Nakuha ko... kaso naiwan ko sa bahay. Alam mo namang ayaw ko nang bumalik dun." mapait n'yang sambit. Nalimutan kong mala MMK nga pala ang buhay n'ya. "Hinahanap ko lang 'yung picture ni Jeremy. Nagpost kasi s'ya ng throwback ko sa fb gusto ko lang gumanti."

Pinicturan n'ya ang larawan ni Jeremy sa yearbook saka pinagtawanan.  "Wala paring pinagbago... pangit parin!" aniya.

Pinabayaan ko lang s'ya sa kanyang ginagawa upang mahiga at mag isip isip. Sana lang matanggap pa ako sa ibang school kung sakaling mapaalis man ako o kaya naman mapipilitan talaga akong sunggaban yung panibagong offer ng talent agency kahit ayaw ko.

Ayoko talaga dahil kapag nangyari yun baka mabawasan ang oras ko para kay Aira. Ayokong mapalayo sa kanya.

#Whitelies

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon