AIRA'S POV
Pagkagising ko s'ya agad ang nasa isip ko. Kasabay ng pagbangon ko unti unti akong nakaramdam ng guilt. Apat na araw na pala akong cold sa kanya, at s'ya naman apat na araw naring nanunuyo.
Hindi na ako magtataka kung paglabas ko ng bahay ay napagod na s'ya at wala narin s'yang balak na maghintay pa.
"Apo, bakit matamlay ka? May sakit ka ba?" tanong ni Lola habang tinitikman ang niluto n'ya.
"Napuyat lang po. 3 am na po kasi natapos 'yung taping."
Sumilip ako sa bintana para tingnan kung nasa labas na s'ya pero hindi ko s'ya nakita. Siguro nga natauhan na s'ya.
"Bes, papasok na ako. Maganda ba ako ngayon?" tanong ni Ping
"Yeah...bagay sa'yo ang suot mo."
Kung hindi ko s'ya kilala simula bata pa ako, iisipin kong babae talaga s'ya. Maganda s'ya at makinis, pero dahil lalaki parin s'ya medyo parang pang lalaki parin ang posture n'ya.
"Wait, nasaan na ang sundo mo?" tanong n'ya.
Nasanay kasi s'ya na kapag lalabas na s'ya ng bahay, nasa gate na si Jian at naghihintay na lumabas ako.
"Hindi na s'ya darating." malungkot na sabi ko.
Hindi na talaga ako nag eexpect.
Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa kanto para magcommute nang biglang...
*beep beep*
Lumingon ako at nakita ko s'ya. Lumabas s'ya mula sa kotse n'ya at nagmamadaling lumapit sa akin.
"Sorry, natraffic ako. Promise hindi na mauulit..." pagpapaliwanag n'ya
Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang reason n'ya. Akala ko sumuko na s'ya, akala ko ayaw na n'ya.
"Namiss kita..." sabi ko sa kanya pagkatapos ko s'yang yakapin.
"Mas namiss kita." sagot n'ya at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.
Namiss ko talaga s'ya kahit araw araw kaming magkasama. Simula kasi nang malaman ko ang tungkol kay Joyce, pinanghinaan ako ng loob pero dahil sa mga pinakikita n'ya napatunayan n'yang hindi ko dapat damdamin ito.
Kumawala s'ya sa pagkakayakap ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse n'ya. "Queen, let's go...baka malate ka na naman..."
Nagdadrive s'ya habang ang kaliwang kamay ay nasa steering wheel at ang kanang kamay n'ya sa akin. Tulad ng nakagawian naming gawin.
-------------
"I'm sorry kung ilang araw kitang tiniis. Promise hindi na mauulit..." sabi ko sa kanya.
"Hindi mo kailangan magsorry... I understand kung bakit mo nararamdaman 'yon. Pero Queen, you have to forgive and forget. Nakatali ka parin sa past mo kaya nand'yan parin ang takot sa'yo." wika n'ya
"Gusto ko lang namang makasigurado. Wala na akong issue about my past, nakalimutan ko na. Pero yung lessons from my past, kailangan ko 'yun."
"Queen, magtiwala ka lang sa akin..."
"Yun naman talaga ang ginagawa ko palagi... Paulit ulit akong nagtiwala at hindi ko napansing nasakatan ko na pala ang sarili ko. Kapag naging tayong dalawa, hindi palaging masaya. Part ng relationship ang tampuhan, pag aaway at s'yempre palaging present ang sakit." mahinahon kong sambit.
"Handa naman ako, ikaw handa ka na ba? Can I be your painmate?" tanong n'ya.
"Painmate?" I chuckled.
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...