CHAPTER 62

325 11 6
                                    

AIRA'S POV

Araw araw akong naghihintay at umaasang babalik s'ya para maayos namin ang relasyon naming dalawa.
Pero lumipas ang isang araw, ilang gabi, hanggang umabot ang dalawang linggo ngunit wala parin s'ya.

Araw araw ko s'yang tinatawagan pero walang sagot. Walang segundo at minuto ang hindi ko ginugol sa pag iisip sa kanya... kung nasaan kaya s'ya, kung anong ginagawa n'ya at kung naiisip ba n'ya ako... Kung mahal n'ya pa kaya ako...

"Okay lang naman sa akin kung magleave ka... kahit isang linggo lang o kahit isang buwan pa. Girl, dadating naman si Shawn eh, kahit kami munang tatlo dito nina Jane." Hindi ko alam kung ilang beses na ba n'ya itong sinabi sa akin simula kagabi. Hindi ko naman kasi kailangang magleave at isa pa, kapag nagleave ako ay wala akong ibang gagawin kundi magmukmok at isipin ang mga nangyari.

"Ping, okay lang ako. Kaya ko naman." sambit ko. Ngunit nang sabihin ko ang mga salitang ito ay mas lalo ata akong nasaktan. Pati ba naman sarili ko ay lolokohin ko pa? Hindi ako okay at mas lalong hindi ko kaya. Hindi ko kayang isiping wala nang pag asa... hindi ko kayang pabayaang tuluyan s'yang mawala sa buhay ko ng basta basta.

"You need to rest. Tingnan mo nga yang mukha mo... Sa hitsura mong yan baka mapagkamalan kang adik. Palagi kang tulala, palagi kang parang wala sa sarili mo... ilan beses ka bang nakatulog simula nang umalis si Nico?" tanong n'ya na kahit ako ay hindi ko na matandaan. Kahit ang mga mata ko ay hindi ko na makontrol. Tanging pagluha na lang ang inatupag ko at tila ba ang pagpikit upang matulog ay hindi ko na kayang gawin.

"Salamat na lang, friend." Kinuha ko ang roller pin para magsimula sa aking pagmamasa nang bigla nalang itong dumulas sa aking kamay. Nilimot ko ito mula sa sahig ngunit nang mahagip ito ng aking kamay ay muli itong nahulog. Now I'm losing my nerves.

"Yan ba ang sinasabi mong okay? Magleave ka na, bes. Itinatakwil na kita... Now na. Umuwi ka na." Niyakap n'ya ako ng mahigpit at tinanggal ang apron kong suot.

"Okay fine. Pero one week lang ha." Sinunod ko na lang ang gusto n'ya dahil naisip ko ring hindi n'ya rin naman ako titigilan kahit ipagpipilitan ko pa ang gusto ko. Hindi rest ang kailangan ko kundi si Nico.

Lumabas ako ng bakeshop at naghintay ng sasakyan pauwi sa bahay nang biglang nakaramdam ako kakaiba sa sarili ko. Tila ba hindi ko maigalaw ng maayos ang aking katawan to the point na anytime pwede kong mabitawan ang mga gamit na aking bitbit.

Huminga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili bunga ng pagkagulo ng aking isipan ngunit hindi ko parin macompose ang sarili ko. Ilang sandali pa nakasakay na ako ng van pauwi sa bahay at nang makauwi ako ay dumiretso ako sa kusina.

Naghilamos ako ng malamig na tubig sa pagbabakasakaling mahihimasmasan ako ngunit nang mabasa ko ang aking mukha ay walang nangyaring pagbabago sa aking sistema. Nanghihina parin akong talaga.

PING'S POV

Napakalaking pagbabago ang nangyari kay Aira simula nang maghiwalay silang dalawa ni Nico. Nawala na yung dating Aira na kahit may dinadala ay ngumingiti parin, yung dati na Aira na parang hindi napapagod at palaging organized, at pati narin yung dating Aira na palaging okay lang kahit walang kasama.

Pero ngayon parang wala na si Aira. Tila ba hindi na namin s'ya maramdaman. Palagi s'yang parang wala sa sarili at nakalutang kapag kinakausap, minsan unconcious narin s'yang umiiyak.

"Diretso ka na ba sa airport? Pasensya na ha, hindi talaga kita masasamahan sayang naman kasi yung dalawang make up racket ko ngayong gabi." paalam ni Jessica Jane na mas bakla pa kaysa sa akin.

"Uhm. Actually nasundo na s'ya ng brother n'ya. Babalik ako sa bahay kasi naiwan ko yung heels ko. May dinner date kami mamaya." Sa pagmamadali ko kanina, ibang sapatos yung nadala ko.

"Medyo kaaalis lang ni Aira, sana sumabay ka na sa kanya kanina. Baka mamaya kung saan pa pumunta 'yun." Pati itong si Jane ay nag aalala narin ng sobra sa kakaibang kinikilos ng broken hearted naming kaibigan. Hindi naman kasi kami sanay na ganoon s'ya. Nang maghiwalay silang dalawa ni Jian nalungkot rin naman s'ya pero hindi katulad ngayon na para s'yang suicidal.

Nagmamadali akong umuwi dahil nagtext na si Shawn na papunta na s'ya sa aming meeting place at ayoko talagang malate dahil matagal rin kaming hindi nagkasamang dalawa. Ayokong sayangin ang pagkakataon.

Mabilis akong tumakbo pataas pero bago pa ako makarating sa kwarto ko paakyat ng hagdanan ay nakita ko si Airang nakasubsob ang mukha sa harap ng lababo.

"Oh my god, Aira! Anong nangyayari sa'yo!?" kinalog kalog ko ang kanyang braso para mapukaw s'ya sa tila nawalan ng malay n'yang histura. Agad kong kinapa ang kanyang pulso at napansing okay naman ito at maayos rin naman ang kanyang paghinga.

"Airaaaa!" Tila naalimpungatan s'ya nang alalayan ko s'ya paupo sa sahig kaya naman nabawasan ang aking kaba. Akala ko kung ano na ang ginawa n'ya sa sarili n'ya.

"Nakatulog ata ako." wika n'ya. Sinapo n'ya ng kanyang palad ang kanyang noo at maang na tumingin sa akin. May bakat ng guhit ng tiles ang kanyang pisngi kaya sa tingin ko ay ilang minuto rin s'yang nakatulog sa lababong ito.

"Hindi ka okay, Aira. Tara sa kwarto mo... kailangan mong magpahinga. Hindi na maganda 'yan." Tumayo s'ya at sa halip na sundin ang sinabi ko ay nagtungo sa sala para muli ay mag abang ng mensahe mula kay Nico. Si Nico na simula nang iwan s'ya ay hindi na talaga nagparamdam kahit sa aming mga matalik n'yang kaibigan.

"Aira, maawa ka naman sa sarili mo. Baka ayaw ka muna talagang makausap ni Nico sa ngayon. Give him space." At nang sabihin ko iyon ay muli na naman s'yang nag iiyak. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa kanya.

"Umiiyak ka naman dahil sa lalaki!?" Lumingon ako at nakita ang daddy n'yang naglalakad palapit sa aming dalawa. Magkasalubong ang kanyang kilay at masamang masama ang tingin sa anak n'yang matagal nang hindi kinakausap.

"Is this the life that you really want? Ang maging disappointment sa amin ng mommy mo sa kabila ng mga sacrifices namin para sa iyo! Ang layo na nang narating ng kapatid mo pero ikaw, grieving because of that stupid love na mas palagi mong pinag aaksayahan ng panahon!" Nag iwas lang si Aira ng tingin at hindi sinagot ang kanyang daddy na hindi n'ya ineexpect ang pagdating. Kung bakit naman ngayon pa.

Umalis ako at nagdesisyong hindi makialam sa kanilang away pamilya. Gusto ko man s'yang amuin at ipagtanggol dahil alam kong ito ang kailangan n'ya sa mga oras na ito pero kahit ang mommy n'ya ay walang magawa.

I feel her. I really feel her pain at hindi ko alam kung ano ang dapat naming gawin para ma-ease ang nararamdaman n'yang ito.

Sana bumalik na si Nico.

------

#NLTMFeelHer

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon