JIAN'S POV
I have to move on with my life. Even if there's no more Aira in my life, still, I have my future daughter and it is all that matters... This is my life now. And besides it wouldn't hurt me if I try to fall in love with Diane, right?
"Where are we going?" tinatakpan ko ng aking mga daliri ang mata ni Diane habang inaalalayan s'ya sa lugar kung saan ko gagawin ang aking proposal.
"Actually nandito na tayo. Surprise!" nasa ilalim kami ng tree house kung saan kami naglalaro nang mga bata pa kami. Dito ko s'ya unang nakita, dito ko s'ya unang minahal at dito rin sa tree house ko natanggap ang matamis n'yang oo.
Eighteen years old ako noon at twenty three naman s'ya. Five years ang gap naming dalawa.
"Namiss ko ang lugar na 'to. May mga naglalaro pa kaya dito." aniya. Inakbayan ko s'ya at dahan dahang iniakyat s'ya sa hagdan papunta sa taas ng puno.
"Siguro wala na... kasi businessman na si Derek, pilot na si Jerome, nagmigrate na sa Canada si Casey... tayo nalang dalawa ang natira... At yung future kids natin, sila na lang, sila na yung maglalaro dito." hinaplos n'ya ang aking pisngi at tahimik akong pinagmasdan.
"Jian, may oras ka pa para magbago ang isip mo." muli ay narinig ko na naman sa kanya.
"I want to stay... I'm staying here with you, for good. Forever." I bend my knees down then kinuha ko ang red heart-shape box sa aking bulsa.
"Will you mary me?" she went in tears at lumuhod sa harapan ko.
"No... no..." umiling iling s'ya. " Jian, I can't marry you. I'm sorry." Pilit ko s'ya itinatayo sa pagkakaluhod ngunit nagpupumilit s'ya sa ganong kalagayan. "Get up, Bi. Tell me why... bakit ba ayaw mo!?" hanggang ngayon nag aassume parin s'yang napipilitan lang ako. Mas lalo pang nagmatigas nang aminin ko sa kanyang kinamusta ko si Aira.
"J-jian..." mas lalong lumakas ang paghagulhol n'ya. "God, what have I done!?"
"Bi, wag ka naman masyadong emotional... makakasama yan kay baby Jasmine. Sige ka. Makakapaghintay naman ako. Okay lang kung ayaw mo pa."
"Jian, I lied. Sorry Jian, I lied. This kid is not yours. I'm sorry, Jian. Nataranta ako. Nagmali ako nang sabihin kong sa'yo 'to. Sorry hindi na mababawi. Sorry wala na akong choice! Jian, believe me, hindi ko ginustong mangyari 'to. J-jian." sinampal sampal n'ya ang kanyang sarili habang ako naman tila sasabog ang puso sa narinig.
"Niloko ako ni Mark... gumuho nalang bigla yung mundo ko nang sabihin n'ya hindi n'ya ako pwedeng pakasalan. Kasi Jian, he's already married. H-he has two kids. At all this time akala ko totoo s'ya sa akin. Akala ko mas higit s'ya sa'yo. Akala ko------"
Hindi na n'ya naituloy ang sasabihin nang sampalin ko s'ya ng malakas. Nung kami pa, iniwan ko lahat para sa kanya pero lahat ng 'yun binalewala n'ya.
Muli, pinili kong iwan si Aira para sa kanya dahil alam kong mas mahalaga ang pamilya... lalo na ang anak ko sa kanya.
Tapos ngayon sasabihin n'yang hindi sa akin? Para narin n'ya akong pinatay.
"Putang *na naman Diane!" I shouted. "Sorry!?... Fu*k you!"
"You ruined everything! Tapos sasabihin mo sa akin, sorry!? Do you expect me to believe na hindi mo sinasadya!? Fu*k you, Diane! Fu*k you! Simula nang piliin kita pilit mo akong nilalayo sa'yo. You always make feel guilty na hindi na ikaw ang mahal ko at pinakikisamahan lang kita dahil dala mo yang anak ko!?"
Niyakap n'ya ang mga paa ko at nagmakaawa. "I'm sorry. Jian, sinubukan kong bawiin. At nagsisisi ako dahil nagawa ko 'yun. Araw araw wala akong ibang iniisip kundi ang kasalanan ko s-sa'yo. J-ian... okay lang kung saktan mo ako. Sige, Jian saktan mo ako." hinablot n'ya ang mga kamay ko at pilit itong isinasampal sa mukha n'ya.
Wala na akong masabi. Ang tanging nasa isip ko na lang ay lumayo at bumalik para puntahan si Aira at bawiin ang lahat ng nasabi ko sa kanya.
Bumaba ako ng tree house at sinundan naman ako ni Diane pababa. Wala s'yang kwenta! Ang sama sama n'ya!
"J-jian, I'm sorry. Patawin mo ako." ngunit kahit paulit ulit n'ya isinisigaw ang mga katagang iyon ay hindi ko s'ya pinapansin hanggang sa nasa tapat na ako ng kotse ko.
"Ughhhhh! J-jian! Arrrrrg!" sigaw n'ya.
"Diane?" nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tumutulong dugo sa kanyang hita. Masama ito.
"Jian, I'm sorry. Pero please... help me. Help u-us.." sabi n'ya bago s'ya tuluyang mawalan ng malay.
NICO'S POV
May girlfriend na ako! Haha. Pwede na akong mamatay. Joke.
Iba talaga sa pakiramdam kapag nakuha mo ang isang bagay na matagal mong pinaghirapan at matagal mong hinintay.
"Sinagot lang kita, napipi ka na. Magsalita ka naman." wika ni Aira na kaholding hands ko habang nagdadrive. Papunta kasi kami ngayon sa Wacky's para sa early celebration ng graduation ni Ping.
"Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Paano ba maging boyfriend?" tanong ko.
"Ang cute moooo! Halika nga dito!" sabi n'ya habang pinipisil pisil ang pisngi ko. "Just be yourself." aniya.
"Okay, babe!" I winked. "Bakit nga pala parang masyadong maaga ang celebration ni Ping?"
"After graduation, pupunta na s'yang California. Tss. Mamimiss ko ang bading na 'yon!"
"Kasama ni Shawn?"
"Yeah..." she nodded.
Pumasok kami sa Wacky's habang magkahawak parin ang kamay at nang makita nila kami nagulat silang lahat.
"Ooopppps! Anong meaning n'yan!? Bakit magkaholding hands kayo tapos pasway sway pa!?" bungad na taong ni Ping.
"Bakit? Masama bang hawakan ang kamay ng girlfriend ko?" pagyayabang ko.
"Really!?" nagkatinginan silang lahat at pagkatapos ay sabay sabay kaming binati. "Congratsssss!"
"Sa hinaba haba nga naman ng prusisyon, sa Wacky's din pala ang tuloy." kinamayan ako ni Jeremy at ng iba ko pang kaibigan. "Sa wakas, dude... After 22 years, taken ka na."
"Kelan ang kasal?" tanong ng lola ni Aira.
"Si Lola talaga... kasal agad?" namumulang sambit ni Aira.
"Nico, wag kang makakalimot ha. Hindi porket girlfriend mo na si Aira, kakalimutan mo na kaming mga kaibigan mo. Tandaan mo, nang nasasaktan at umaasa ka palang sa kanya. Hindi ka namin iniwan." wika ng madramang si Zach.
"Gag*, ano bang sinasabi mo!? Nasaan nga pala si Macky?" tanong ko. Kasi pag wala si Macky, malamang kasama n'ya si Happy.
"Ewan ko. Baka nagmamahal rin." pagbibiro n'ya.
Buong magdamag ang party at matagal ko ring kasama si Aira. Hinatid ko sila ng lola n'ya sa bahay nila at pagkatapos ay umuwi narin ako.
"Lumabas ka na... napapaligiran na kita!" sabi ko sa nagtatagong si Macky.
"K-kuya... Sorry, hindi kami nakapagpaalam sa'yo." sinalubong naman ako ni Happy at halatang nagulat sa pagdating ko. Madaling araw na eh.
"Oo na... pumapayag na ako. Macky, kilala kita, kaya pag may ginawa kang kalokohan kay Happy malalagot ka sa akin!" dumiretso ako sa kwarto at nagpahinga. Malalaki na sila. Alam na nila ang tama at mali.
--------
[A/N] Omy gulay! May babalikan pa kaya si Jian?
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...