CHAPTER 70

398 12 0
                                    

PING'S POV

Mahigit kalahating oras na naming hinahanap si Aira dito sa kakahuyan at kahit hindi naman ito ganoong kalawak ay kinakabahan parin ako.

"Hala, dumidilim na..." nagbuntong hininga si Michelle at ipinatong ang kanyang mga palad sa kanyang tuhod. Naiirita n'yang tinataboy ang mga gamo-gamo na umaaligid sa kanya. Ang arte.

"Sino bang may sabi sa'yo na sumama ka sa paghahanap kay Aira!?" nagtaas ako ng kilay sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Humiwalay sa amin ang mga boys para magpunta sa malalim na parte ng gubat at ilang sandali pa ay unti unti na silang dumarating.

"Wala parin...." utas ni Macky na pawis na pawis.

Naagaw ng aking pansin si Nico na naka side smile habang nakasandal sa isang puno. Napatiim ako sa aking bagang at mas lalo akong nainis sa kanya. Hindi man lang s'ya nakaramdam ng pag aalala sa ex n'ya.

"Ano bang nakakatawa?" tanong ko.

Lumapit s'ya sa akin at inilagay ang kanyang palad sa kanyang batok.

"Wala si Aira... wala rin si Jian. Malamang magkasama silang dalawa." aniya na pinipilit maging nice sa akin.

Sana nga. Sana nga ay magkasama silang dalawa kahit mukhang imposible. Sinubukan kong tanggalin ang stress sa aking sarili at maniwala sa hinala n'ya.

"Bumalik na muna tayo sa resort." suggestion ni Nico. Sumang ayon naman ang lahat dahil si Jackie lang at ang baby ang naiwan doon at tiyak na hinihintay na niya kaming lahat.

"May biyahe pa ba ng ganitong oras? Bukas na lang kaya kayo umalis." ani Jeremy. Sa layo ng lugar na ito ay tiyak na wala silang masasakyan.

"Iniwan ko yung kotse ko sa Bejasa. For sure may nakaparada pang tricycle sa labas ng resort papunta don." sagot n'ya.

"Huh? Sa Bejasa? Hindi ba maraming nakacarnap dun, mayor?"

Kinumpirma ito ni Barry kaya naman nagmamadaling lumabas ng E.Woods si Nico kasama ang babae n'ya. Mas concern pa s'ya sa kotse n'ya kaysa kay Aira.

Pagkadating namin sa resort ay nadatnan namin si Nico at si Michelle na nakaupo sa cottage habang nilalaro ang kanyang inaanak. Nakahanda na ang kanilang mga gamit at handang handa nang umalis.

"Kumain muna kayo malayo pa ang byahe. Nakausap ko na si Mang Ricky ihahatid n'ya kayo sa Bejasa." ngumuso si Jackie para ituro ang tricycle driver na maghahatid sa kanila.

"Jackie, nasaan si Aira?" bungad ko.

Maang ang tingin sa akin ni Jackie at di kalauna'y nanlaki ang mga mata. Alam rin n'yang may sakit si Aira kaya tulad namin ni Jane ay nagsimula narin s'yang mag alala.

"Oh ayan na pala si Jian."

Lumapit si Jian sa hapag kainan at kumuha ng pinggan. Hindi ko na nagawang magsalita dahil tila alam ko na ang sagot sa aking tanong. My God!

"Si Aira?" tanong ni Jackie.

Nagtaas ng kilay si Jian sa kanya at napatingin sa aming dalawa ni Jane. Umiling si Jane bilang sagot at dali daling nagpunta si Jian sa cottage namin nina Aira.

Pinasok n'ya rin ang ibang cottage at nang hindi nakita si Aira ay nagsimula na s'ya isigaw ang pangalan nito.

"Hahanapin ko s'ya sa dagat!" Mabilis na naglakad si Jane papunta sa dalampasigan at saka nagsisigaw.

Parang namumuo ang dugo sa aking leeg bunga ng pinipigil na emosyon. May sakit si Aira at ngayon nawawala s'ya. Sinundan namin si Jane sa dalampasigan at sabay sabay na kaming nataranta.

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon