CHAPTER 51

376 11 4
                                    

AIRA'S POV

This is it. Wala nang paligoy ligoy pa. Wala nang pagpapabebe pa. Wala nang urungan pa.

Dalawa lang naman ang pagpipiliang sagot diba? Oo o hindi.

Nag ayos lang ako ng sarili bago tuluyang umalis at harapin si Nico.

"Good afternoon ma'am, ano pong hanap? Cupcakes... or cakes?" wika ni Ping sa paparating na costumer.

"Away..." aniya. "Away ang hanap ko. Nasaan si Aira?" napalingon naman ako. Ako kasi yun eh.

"Monique?"

"Sasabihin ko na ang sadya ko dito. Layuan mo na si Nico. Alam mo naman sigurong gustong gusto ko s'ya... at masyado naring malaki ang puhunan ko sa school nila kaya kung ako sa'yo lalayo na ako kay Nico."

"Pero hindi naman ikaw ang gusto ni Nico." totoo nga palang may saltik itong babae na ito.

"Eh sinong gusto n'ya?" Ikaw!? Ang baba naman pala ng taste n'ya sa babae. Sabi nila pinapaasa mo lang naman daw si Nico, at pinaglalaruan mo lang feelings n'ya. Kaya girl, back off. He's mine." pumamewang s'ya na tila nakapose na pang FHM kaya naman lutang na lutang ang malusog n'yang dibdib.

"Hoy, babaeng kamuka ni Betty Boop umalis ka na nga dito. Wag kang gumawa ng eskandalo!"

Nakipaglabanan s'ya ng titigan kay Ping at naghahamunan ang kanilang mga mata.

"Isa ka lang gaysh*t. Wag ka ngang makikialam dito! Totoo naman e, isa s'yang dakilang paasa."

Tama naman s'ya. Masyado na akong paasa.

"Gusto mo bang isubsob ko 'yang mukha mo sa cleavage mo? Umalis kana at kapag bumalik ka pa dito kakalbuhin talaga kita." hinila s'ya ni Ping palabas ng shop nang saktong dumating naman si Nico.

"Monique... Anong ginagawa mo dito!? gulat n'yang tanong. May dala s'yang isang bouquet ng bulaklak na may kahalong ferrero sa bawat tangkay nito.

"Naghahanap ibang guguluhin. Hindi ba't sabi mo maghanap ako!?"

"Please naman Monique... tigilan mo na ako. P-please. Umalis ka na, tigilan mo na rin pati si Aira." mahinahong sabi ng mabait na si Nico.

Nagwalk out na lang si Monique bunga ng kahihiyan. Pinagtitinginan at pinagbubulungan narin s'ya ng mga costumer.

"Isinusumpa ko, hindi kayo magtatagal!" sigaw ni Monique bago tuluyang lumabas.

"Aira I'm sorry..."

"Wag nalang natin s'yang patulan... tara na, may pupuntahan pa tayo diba?" kinuha ko ang bouquet at nagtungo na kami sa kotse n'ya.

Nagtungo kami sa pantalan kung saan makikita ang magandang paglubog ng araw. Napakadramatic naman ang tanawing ito. Tamang tama sa eksenang tatapusin ko.

Kasi ito na ang huli... Huling beses na masasaktan si Nico dahil sa akin.

Huling beses na tatanggihan at mababasted ko s'ya. Huli na. Huling huli na talaga. Ayaw ko na s'yang saktan pa.

"Nico..." hinawakan ko ang kamay n'ya nang napakahigpit at nginitian naman n'ya ako habang hinihintay ang sagot na nais na n'yang marinig. "I'm sorry kung pinaghintay kita ng matagal... I tried... sinubukan kong suklian lahat ng pagmamahal na binibigay mo. At nagtagumpay ako, minahal kita... dahil hindi ka naman talaga mahirap mahalin. Hindi ka mahirap magustuhan...dahil ikaw naman talaga ang ideal man ko. Ikaw ang hinahanap ko.. ikaw ang lalaking kailangan ko sa buhay ko. Pero kagabi tinawagan ako ni Jian, at naglaho na lang lahat ng 'yun. Ayaw ko na pala... hindi pala tayo pwede kasi---"

Napatingala s'ya sa alapaap na halatang nadisappoint sa narinig. "Aira, akala ko okay na tayo!?" natawa n'ya ngunit nangangatal ang kanyang panga sa pinipigil na emosyon. "Bakit ha? Binalikan ka na ba ng Jian na 'yun? Tinanggap mo pa rin s'ya? S'ya parin ba talaga? Mahal mo pa---!?" at habang sinasabi n'ya ay tumutulo ang luha n'ya.

Ito ang unang beses na makita ko s'yang umiiyak. Ito ang unang beses na makita ko s'yang magalit... unang beses na makita ko s'yang sobrang nasasaktan... Unang beses na pinakita n'ya kung gaano s'yang nahihirapan.

"Hindi sa ganon, Nico! Please let me explain... hindi ito tungkol kay Jian lang!" pero naglakad s'ya palayo sa akin at mahigpit na hawak hawak ang susi ng kotse n'ya.

"Talaga!? Sabihin mo kung bakit. Dahil ano!?" Nagstop s'ya sa pagsasalita at nagshift ang boses n'ya sa malamyang boses. "Oo nga pala... kanino pa nga ba babagay ang isang Queen?" he let out a sigh. "Kay King... sa isang hari. Nasa kanya na nga pala ang lahat... mayaman, gwapo, tapos mahal na mahal mo."

"Hindi 'yun... Hindi dahil sa kanya... dahil sa akin... wag nalang ako Nico. Wag nalang ako ang mahalin mo!" hindi ko na napigil ang emosyon ko at tuluyan na nga akong lumuha.

Mas masakit pala ito... Ang makitang nasasaktan taong mahal mo dahil sa'yo.

"Pero bakit nga!?" ito na ata ang pinakamalakas n'yang sigaw.

"Dahil hindi ako karapat dapat mahalin! Dahil wala nang natitira sa akin! Dahil hindi kita deserve!" I shouted. "Simula bata pa lang ako iniiwan na ako ng mga taong mahal ko... all my life parang wala akong pamilya. Naghanap ako ng pagmamahal sa iba... pero iniwan rin nila ako. Iniwan ako ni Tristan, even Ivy betrayed me... iniwan ako ni Jian. Kasi Nico may kulang sa akin... hindi ako kamahal mahal." I cried out loud.

"Pero wag mong isipin na ikaw ang problema... Mahal kita... mahal na kita. Kaya lang hindi kita deserve...h-indi kita deserve."

"Hindi naman ikaw ang makakapagsabi kung deserve kita o hindi. Dahil kung mahal kita, mahal kita..." he grabbed me hugged me so tight. "I love you, Aira... bigyan mo lang ako ng chance hindi kita iiwan."

Lumabot ang puso ko nang makita ko ang mata n'yang lumuluha habang sinasabi n'ya ang bawat salita. He's worth the pain... Kaya naman naramdaman ko kung gaano ako katanga... at kung gaano s'ya kaimportante sa akin.

"Palagi naman akong handang gawin lahat para sa'yo... kaso palaging sarado ang puso mo. Paulit ulit kong sasabihin sa'yo, Aira... mahal na mahal kita." alam kong corny para sa iba pero ganito pala talaga pag mahal mo na. Walang corny, walang baduy dahil ang mahalaga ay ang nararamdaman n'yo para sa isa't isa.

"I love you, Nico. I love you... I promise you hindi na ako matatakot. I love you."

He kissed me passionately kasabay ng lumulubog na araw. Parang ayaw ko nang bumitaw... ayaw ko nang matapos ang moment na ito. Kasi I finally found the one. He's the one.

"You're my property now. Akin ka lang." he said.

"Nope. I'm not your property. Kasi ang property pwedeng maagaw... pwedeng makuha ng iba. Nico, I'm your thing... and a thing is not susceptible for appropriation. Because I'm yours. I will always be yours."

"YOU'RE MY THING..." He said before he kissed me again.

Kami na. As in kami na talaga ni Nico. At alam kong hindi ako magkakamali sa pagpili sa kanya.

Dahil iba si Nico. Wala s'yang katulad. At ang isang katulad n'ya ay di na dapat pang pakawalan.

-----------

[A/N]

Eh di kayo na. Haha

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon