CHAPTER 34

403 18 0
                                    

AIRA'S POV

Si Jian agad ang nakita ko pagkalabas ko ng airport, agad n'ya akong sinalubong at kinuha ang mga dala kong maleta.

Parang hindi s'ya masaya. Kapag kinakausap ko s'ya matitipid na ngiti ang natatanggap ko at maiikling pangungusap na para bang isang tanong, isang sagot.

"May gagawin ka ba mamaya?" tanong n'ya nang hindi na ako umiimik.

"Dapat sana pupunta ako sa birthday ng Dad mo pero sabi mo wag na akong pumunta, so... wala. Wala akong gagawin mamaya." Sumandaling tumingin s'ya sa akin at pagkatapos ay muling ibinaling ang mga mata sa daan.

"May pupuntahan tayo. Susunduin kita mamaya."

"Paano yung birthday ng Dad mo? Baka hanapin ka ng mga business partners n'ya?"

"Mas gusto kong kasama ka." mahinahon lang n'yang sinabi ang mga salitang iyon at hindi na ako muling nagtanong pa.

Sandali ay dumaan kami sa studio n'ya dahil may kukunin lang daw s'ya. Hindi na n'ya ako isinama sa loob dahil mabilis lang naman.

Nakita ko 'yung phone n'ya sa driver's seat at kinuha ito para tingnan kung anong oras na dahil deadbat ako.

"Go for what makes you happy. Kahit sino pang babae 'yan. Kahit si Joyce." natukso akong buksan ang inbox n'ya at ang message na ito ay galing kay Diane Evangelista.

Sino si Diane?

Nakita ko s'yang papalabas na ng studio at dali daling ibinalik ang phone n'ya sa upuan n'ya.

"Ano 'yan? May I see?"

"Portrait ni Joyce, idadaan ko mamaya sa bahay nila." iniabot n'ya sa akin ang portrait at pinagmasdan ko ito.

"Ang ganda n'ya no? Perfect ang eyes, perfect ang nose pati lips perfect. In short perfect face."

"Yeah." sambit n'ya. Nag eexpect ako na sasabihin n'yang mas maganda ako sa paningin n'ya tulad ng lagi n'yang sinasabi noon pero wala akong natanggap kundi 'yeah'.

Iniisip ko tuloy yung nabasa ko sa inbox n'ya.

"See you later." hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay namin.

"Sige." bubuksan ko na sana ang pinto nang hawakan n'ya ang leeg ko at malumanay na hinalikan ako sa noo.

Napakadramatic naman non.

HAPPY'S POV

"Siguro dapat isummarize natin dahil masyadong mahaba. Bukas nalang ulit?" kasama ko ngayon si Tom, partner ko sa Thesis.

"Same time, same place." sagot ko. Tumayo na s'ya at nagwave palayo. Binuksan ko 'yung laptop ko para i-edit yung ginawa ko nang mapansin kong may reflection ng isang guy na nakatayo sa likuran ko.

"Isusumbong kita sa Kuya mo. Nakikipagdate ka na pala ng patago. Hala, magagalit 'yon." Si Macky lang naman s'ya.

"Eh di magsumbong ka, sasamahan pa kita." niligpit ko 'yung gamit ko at naglakad palayo sa kanya.

"Talaga lang ha?" nagsmirk s'ya at sinundan ako sa paglalakad nang biglang makasalubong namin si Kuya Nico.

"Happy, akala ko ba yung partner mo sa thesis ang kasama mo. Eh bakit si Macky ang nakikita ko?" Hala. Seryoso ang mukha n'ya habang yung kasama n'yang si Ms. Erika ay malapad ang ngiti sa akin.

"Hindi ko s'ya kasama. As if namang gusto ko s'yang kasama." inirapan ko s'ya pero nakangiti lang s'ya sa akin kaya mas lalo akong naasar.

"Magkasama talaga kami. Double date nalang tayo?" date!!!!?? Ako makikipagdate sa isang tulad n'ya!?

"Super kapal naman ng face mo--"

"Sige, dapat lang na kasama n'yo kami sa date n'yo. Wala akong tiwala kay Macky." wika ni Kuya na akbay ni Ms. Erika. Oo, yung girl ang naka akbay sa kanya.

"Kuya, wag kang----" sasabihin ko sanang wag s'yang maniwala pero tinakpan na ni Macky ang bibig ko. Nasa unahan naman namin si Kuya at Ms. Erika kaya hindi nila nakikita ang pambabatok na ginawa ko kay Macky.

Holy crap.

AIRA'S POV

He brought me to my most favorite place on earth, at Nina's Garden.

"Open your eyes." sabi n'ya habang tinatanggal ang mga kamay n'yang nakatakip sa aking mga mata.

Ewan ko ba kung bakit may patakip mata pa s'yang gimmick eh, sa amoy palang ng mga bulaklak alam kong nasa Nina's ako.

"Sit like a Queen, my Queen." aniya habang inaalalayan ako sa pag upo.

Maaliwalas ang paligid, madaming Christmas lights, may mga lumilipad na paru paro kahit gabi at kami lang dalawa dito, nasa harap ng isang lamesang may kulay pulang kandila sa gitna.

"Anong meron? Hindi ko naman birthday." ipinaglagay n'ya ako ng pagkain sa aking pinggan at matapos ay inabutan ng isang bouquet.

"Nothing really special, gusto lang talaga kitang makasama... masolo narin. Namiss kita eh." malambing n'yang sabi.

"This is what I really love about you, palagi mo akong sinusurprise."

He let out a sigh, "Gaano mo ako kamahal?" he ask.

"Bakit mo naman naitanong?"

"I just want to know." pinagmasdan n'ya ako sa mga mata ko at hinintay ang sagot ko.

"I love you more than I love myself. I love you beyond reason."

Again, napabuntong hininga na naman s'ya. I wonder kung para saan ang mga 'yon.

Tumayo s'ya at hiningi ang aking kamay. Iniligay n'ya ang mga palad ko sa kanyang balikat at ang mga kamay n'ya na nakayapos na akin. Isinayaw n'ya ako.

"Ang ganda ng music." sambit n'ya. Pero wala namang musika.

"Huh? Wala naman akong naririnig." pagkasabi noon ay kinuha n'ya ang mga kamay ko at ipinatong sa dibdib n'ya katapat ng kanyang puso.

"Can't you hear it?" bulong n'ya pero sapat lang para marinig ko.

Pumikit ako at pinakinggan, "Ang ganda ng beat, first time kong marinig pero from now on ito na ang favorite song ko."

Nakapikit ako habang dinadama ang eksena at patuloy na pinapakinggan ang heart beat n'ya. Ang lakas at ang bilis.

"I love you too." sambit ko pagmulat ng aking mga mata. Nakatitig s'ya at nagtaka.

He gave me a "wala-naman-akong-sinabi" look.

"I know how much you love me, kahit wala ka mang sabihin. Nararamdaman ko."

Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata matapos ay bumitiw s'ya sa pagkakayakap sa akin para ihaplos ang kanyang mga kamay sa aking pisngi.

He kissed me passionately. His lips invaded mine and pressed me close against his body.

He gave me the longest kiss in my entire life....

Ewan ko ba kung anong mayroon sa pag ulan sa pagitan ng mga halik dahil tulad ng unang beses na naglapat ang aming mga labi ay muli na namang umulan.

Halos pareho lang ang aking pakiramdam sa unang beses pero habang nababasa kami ng ulan, mas lumalalim ang mga halik at mas naging makahulugan.



Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon