CHAPTER 37

378 21 12
                                    

AIRA'S POV

"Jaira, kayo na ang sunod...." sabi ng isang staff habang nasa backstage kami.

Semi-finals na ng Dancing in Tandem at Live ito.

Hinawakan n'ya ang kamay ko habang hinihintay na tawagin ng Host ang pangalan naming dalawa.

Hindi ako kinakabahan. Wala akong ibang maramdaman kundi ang kalungkutan.

"Good luck sa atin." pagkatapos n'yang sabihin ito ay binitawan na n'ya ang kamay ko.

Sinimulan na namin ang pagsayaw at naging maayos naman ito. Ngunit mayroong kulang pero hindi ko alam kung ano.

"Team Jaira, obvious naman na magaling kayo.Pero... sa tingin ko nawala yung connection between the two of you. Yung connection na napakahalaga kasi yun ang reason kung bakit namin kayo sobrang nagustuhan noon..."

Nagcocomment parin yung ibang judge pero wala na akong marinig. Naiwan sa isip ko yung sinabi ni Cris P. na nawala na yung connection sa aming dalawa.

Now I know kung ano yung kulang.

NICO'S POV

Nanonood kami ngayon ng Dancing in Tandem at inaabangan ang performance nina Jian at Aira.

"Yung kalaban nila ang iboboto ko." wika ni Tungsten na nagtatype sa phone n'ya.

"Bakit naman? Para namang hindi ka n'ya kaibigan..." sagot ko.

"Sa'yo kasi ang boto namin." sabay sabay nilang sagot.

"Bakit kasali ba ako? Tigilan n'yo na 'yan!" kinuha ko yung phone nila at ako ang nagkusang bumoto para sa Team Jaira.

"Okay lang sa'yo na manalo sila? Paano ka?"tanong ni Jeremy.

"Oo naman syempre. Nakamove on na ako kaya mag move on narin kayo."

Wala na akong dapat ipaglaban. I know, I will always be the one, that one guy she never noticed.

Totoo, nakamove on na ako.

Yung feelings ko para kay Erika, hindi pa malinaw pero sa tingin ko hindi naman ito malabo.

Malay natin diba? Baka kaya hindi kami pwede ni Aira ay dahil para talaga ako sa iba.

Sabi nga nila if its meant to be, it will be. Move on and accept the fact and tomorrow you'll see.

JIAN'S POV

Hindi namin nagawang makapasok sa Grand Finals. Malungkot s'ya ngunit hindi dahil natalo kami, nalulungkot s'ya dahil sa nangyayari.

"Sorry ha, natalo tayo. Hindi ko natupad ang pangarap mo." sumandal s'ya sa isang upuan sa dressing room at seryosong nakatingin lang sa salamin.

"Okay lang, siguro hindi talaga para sa atin." nagsmile ako sa kanya and she smiled back.

Yung mga ngiti n'ya, ito ang pinaka mamimiss ko.

Nagpalit na s'ya ng damit dahil sa simbahan ang diretso naming dalawa. Huling simbang gabi na at bukas ay Pasko na.

"Anong wish mo?" matagal s'yang nakapikit habang nakaharap sa sinindihan n'yang kandila. Mamaya pa kasi magsisimula ang misa.

"Sana wag mo akong iwan..." nanlumo nalang ako. Parang hindi ko na ata kayang tuparin ito.

Wala akong maisagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin at kung paano ko ipapaliwanag ang lahat.

Paano ko sasabihing wala na at hindi na pwede?

Ang hirap. Ayoko s'yang masaktan pero wala na akong maisip na paraan kundi ang lumayo at hayaang s'ya ang makaramdam na ayaw na n'ya.

"Tara na?" anyaya n'ya. Pumasok kami sa loob dahil dumating na ang pari.

Isa s'yang blessing. S'ya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pero may bagay talaga na dapat ng tapusin at wag nang patagalin.

"Lord, alam kong hindi ako palasimbang tao. Pero nandito ako ngayon sa harap mo kasama s'ya. Kapag umalis ako, sana ibaling n'yo nalang lahat ng sakit na pwede n'yang maramdaman. Kahit sa akin nalang ang lahat. Sana magawa parin n'yang ngumiti. Sana kalimutan n'ya nalang ako at ituring na pinakamasamang alaala."

AIRA'S POV

Pinagbuksan n'ya ako ng pinto ng kanyang sasakyan at ihinatid sa tapat ng gate namin.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong ko sa kanya nang mapansing hindi s'ya mapakali. Kanina pa n'ya akong tinitingnan na para bang may gusto s'yang iparating pero hindi naman s'ya nagsasalita.

"I'm sorry...." matapos n'yang sabihin ay napasinghap s'ya ng hangin.

"Pinapatawad na kita. Ganyan naman talaga pag magboyfriend-girlfriend diba? Malalampasan din natin ito..."

He gave me an awkward look na para bang sinasabi n'yang hindi ito ang ibig n'yang sabihin.

"Baka hindi mo na ako mapatawad... I'm sorry, Aira...Hindi ko na matutupad yung wish mo." aray. As in aray. Hindi naman ako slow para hindi magets kung ano ang kahulugan nito.

Napanganga ako ng ilang segundo bago ko naibulalas ang nararamdaman ko. "Anong nangyari sa atin? Jian, tinanong kita! Tinanong kita kung may problema ba tayo pero ang sabi mo sa akin, wala!" napahagulgol nalang ako sa sobrang pagkabigla.

"Narelize ko lang how awful it is na minsan lang tayo nagkakilala pero mahal na agad natin ang isa't isa. Possible ba 'yun ha!? I tried to get along with you at iparamdam sa'yo na special ka dahil naisip kong baka ito ang kailangan mo pero I ended up realizing na niloloko ko lang pala ang sarili ko. Hindi pala kita mahal."

Parang tinusok ng sampung kutsilyo ang puso ko. Hindi n'ya ako mahal? Ayokong maniwala.

"Wow... you told me na you're my painmate until the end, remember?...Pero bakit ngayon parang mag isa akong nasasaktan?"

"Believe me, ayaw kitang saktan." napatingala s'ya at sinabunot ang sarili n'yang buhok.

"You want me to believe you!?" I smiled sarcastically. "You told me na mahalaga ako sa'yo at naniwala ako... You told me na mahal na mahal mo ako at naniwala ako sayo! You told me na hindi mo ako iiwan at naniwala na naman ako. You told me na tayo hanggang sa huli! You told me na hindi mo ako sasaktan!You told me na na no matter what happens ipaglalaban mo ako and sad to say naniwala na naman ako... Putcha naman Jian, tinanggalan mo ako ng pag asa!"

Napatungo s'ya ng ilang sandali at ibinalik ang tingin sa akin. "Kahit naman ako naniwala rin sa mga sinabi ko. Mas nauna lang akong magising sa katotohanan kaysa sa'yo."

Natawa nalang ako sa narinig ko pero parang isang baliw na bumalik agad sa pag iyak. "Hindi mo ba talaga ako minahal?"

"Yung totoo? Matagal na akong hindi sigurado. Gusto kong isave ang nararamdaman mo pero hindi ko pala talaga kaya. May iba pala akong gusto...May iba pala akong mahal."

Gusto ko s'yang sampalin. Gustong gusto ko s'yang saktan pero hindi ko s'ya magawang bawian.

"Sige na... umalis ka na." sabi ko habang tila malulunod sa sarili kong luha. "A-yoko nang marinig pa yung susunod. Salamat sa lahat! Salamat ha. Sorry din kung madali akong mafall. Pafall ka kasi eh. Sorry ulit."

"I'm sorry... Good night and... good bye." he walked away after he said those words.

Tumakbo ako papunta sa kwarto at doon nag iiyak. Gusto kong sumigaw at sampalin ang sarili ko para magising ako sa katotohanan.

Mahigpit kong hawak ang aking cellphone habang inaabangan ang pagtawag n'ya. Nagbabakasakaling babawiin n'ya ang lahat ng sinabi n'ya. Pero wala eh. Wala na talaga.

Lord, bakit po? Ano pong nagawa ko para madeserve ko lahat ng sakit?

#NLTMGoodbye

----------

A/N

Aray -_- Ang sakit naman nun. Pero sabi nga sa movie nina Coleen Garcia at Derek Ramsay, kailan mong masaktan para malaman mong buhay ka.

Paano na si Aira?

Anong nangyari kay Jian? Hindi nga ba n'ya minahal si Aira?

Paano na si Nico? Nakamove on na daw s'ya eh. Tsk tsk.

Vomment guys!

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon