CHAPTER 50

440 13 6
                                    

AIRA'S POV

Isinuot n'yang muli ang damit n'yang basang basa ng pawis nang marealize nyang naiwan n'ya ang damit na pamalit sa kotse n'ya.

Nang nasa loob na kami ng kotse n'ya, tinitigan n'ya lang ako ng taimtim ngunit hindi s'ya nagsasalita.

"Bakit?" tanong ko.

"M-magpapalit lang ako ng shirt. Pipikit ka na lang ba, or magbibihis ako sa likuran?" wika n'ya na para bang hindi ko nakitang hubad s'ya kanina.

Napahagikhik ako sa narinig. "Nakita ko na... LAHAT. Wala ka nang maitatago sa akin." sambit ko.

Naalala ko lang yung awkward moment na nakita ko s'yang almost naked na CR. Bakit ba ako nabigla sa katawan n'ya kanina? Hindi ba't nakita ko na 'yun noon pa?

"Eh kasi Aira... baka sa ibang part ng katawan n'ya ikaw tumitingin kaya hindi mo napansin yung abs!" wika ng aking konsensya.

Grabe talaga si konsensya. Masyadong judgmental! HAHA.

"Oo na... pasalamat ka nga hindi kita sinisingil. Dapat nga panagutan mo ako eh!" singhal n'ya. Pinunasan n'ya ang sarili ng wet wipes pagkatapos ay nagpunas ulit s'ya gamit ang tuyong towel bago tuluyang nagpalit ng damit.

"Ang dami mong sinasabi. Tara na kasi baka hinihintay na tayo ni Happy."

"Nasundo na s'ya ni Macky. Kanina pa s'yang nasa bahay." wika n'ya na tila ba naiirita. "Maging masaya ka na lang para sa kanila. Ang sarap kaya magmahal... kaya wag mo nang ipagkait." proud kong saad.

"Yun naman pala eh... masarap magmahal. Bakit hindi nalang maging tayo para ako naman ang mahalin mo? Haha." pabiro n'yang sinabi ngunit seryoso.

"Pag iisipan koooo." I rolled my eyed at him.

"Tss. Gutom na ako. Gusto mo magburger? Tara sa Patty Batangas?"aniya. Masarap ba dun?

"Patty B? Sige... Matagal narin akong hindi nakakatikim ng burger eh."natakam naman ako bigla. Siguro seven years na akong hindi kumakain ng burger kaya naman namiss ko.

Umupo ako malapit sa pader kung saan maraming nakadikit na sticky notes and pictures. Notes na sinulat ng mga kumakain dito.

"Pati sa ceiling may notes. Sobrang effort naman ng naglagay ng mga yan." kumuha s'ya ng sticky note at naghanap ng ballpen sa kanyang bag.

"Tapos pahihirapan mo rin? Ano naman ang isusulat mo?"

"Ida-drawing kita." aniya. Nagdrawing s'ya ng parang stickman at bilog para magsilbing mukha.

"Mas magaling pang magdrawing sa'yo ang aso ko." napailing nalang ako. Ngunit hindi s'ya natinag bagkus nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"Naalala ko lang... yung a-ano. Hindi ba, may binigay ka sa aking oil blotting paper noon? Before graduation...Yung moment na, alam muna... sinabi kong bakla ka tapos ang sagot mo, kapag hindi ako tumigil hahalikan mo ako... kaya ayun... Remember?"

"I remember."

"Anong nakasulat?" hindi ko kasi naintindihan yung nabasa ko noon.

"Tu as de beaux yeux." sambit n'ya gamit ang French accent ata.

"Meaning?"

"You have beautiful eyes." he winked.

"Parang ganito?" pinaglaruan ko ang mga mata ko na mistulang duling habang nakangiwi ang ngiti pataas para kita ang gums.

"Tigilan mo nga 'yan." inilapat n'ya ang kanyang mga palad sa aking mukha para ibalik sa aking normal face at pagkatapos ay ginulo ang aking buhok. "Wag ka na mag effort maging pangit kasi hindi bagay sa'yo. Sige ka, baka mahipan ka ng hangin."

Not Like The MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon