JIAN'S POV
"Gusto ko magpakasal na tayo as soon as possible para naman legitimate ang magiging anak natin." kagabi ko pang pinipilit sa kanya pero palagi n'yang sinasabing wag na lang. Ewan ko ba sa kanya.
"Jian, paulit ulit kong sinasabi sa'yo, okay lang naman kung kami lang ng anak ko. Okay lang kahit hindi mo ako panagutan." aniya. Pang ilang beses ko na bang narinig ito?
"Please, sabihin mo nga sa akin kung bakit ganyan ka mag isip. Hindi na kita maintindihan eh..."
"Hindi ako ang mahal mo. Sapat na bang dahilan 'yun!?" pasigaw n'yang saad.
"Mahalaga pa ba kung hindi ikaw ang mahal ko!? Anak ko 'yan kaya dapat s'ya na ang mas iniisip ko kaysa sa sarili ko. Diane, minahal kita, kaya wag mong isiping napipilitan lang ako."
Pinagdabugan n'ya ako ng pinto at nagkulong s'yang mag isa sa kwarto. Hanggang ngayon napakalabo parin n'yang kausap.
Natulog ako sa couch at hindi na s'ya pinilit pang katukin. Ganun talaga siguro pag buntis, moody.
Ginagawa ko naman lahat para mapaniwala s'yang kaya kong magstay at hindi ko s'ya iiwan. Pero palagi n'ya paring sinasabing okay lang kahit iwan ko na s'ya. Ano bang akala n'ya sa akin walang paninindigan? Nakakainis.
"Sasamahan ko nga pala s'ya bukas sa check up n'ya." naalala ko lang nang makita ko ang baby book na naiwan n'ya sa lamesa. Magpapaultrasound kasi s'ya.
------
KINABUKASAN, hinintay ko s'ya sa garage para ihatid at samahan s'ya sa clinic. Responsibilidad ko 'to kaya naman pinipilit kong maging magaan ang loob n'ya na magkasama kaming dalawa pero para bang ako lang ang excited maging ama.
"Congratulations Diane and Jian, baby girl ang anak n'yo!" wika ni Debby FilAm doctor slash childhood friend naming dalawa.
"Bi, pagkatapos natin dito, punta tayo sa mall. Ibibili natin ng mga gamit si Jasmine." sa sobrang saya ko natawag ko s'yang bi, term of endearment namin noon.
"Who's Jasmine?"
"Our baby girl. Jasmine ang gusto kong ipangalan sa kanya. Ayaw mo ba?"
"Okay... Jasmine. Jasmine McMillan." naluluha n'yang sambit habang tinititigan ang monitor.
HAPPY'S POV
"Isusumbong mo ba ako kay Kuya?" padabog s'yang naglalakad papunta sa kotse n'ya at hindi ako nililingon matapos ng eksena kanina.
"Dapat lang! Kung kani kanino ka kasi sumasama!"
"Bakit ka pa ba kasi sumunod ha? I mean, anong ginagawa mo dun?"
"Wala... napadaan lang."
"Napadaan lang? Sa loob ng bahay n'ya!?"
"Bakit ba ang dami mong tanong!? Kung hindi kita sinundan baka kung ano na ang ginawa sa'yo ng gagong 'yun!"
"So, sinundan mo nga ako!? Bakit!? Hindi mo naman kailangang gawin yun ah!"
"Wala kang pakialam." nagseatbelt s'ya at sinimulang paandarin ang sasakyan n'ya.
"Itigil mo... bababa ako." ayoko namang makasama ang taong hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit.
Pero nagpatuloy s'ya sa pagmamaneho ng mabilis. Pilit kong binubuksan ang cardoor n'ya kaya napapreno s'ya bigla. "Gusto mo ba talagang mapahamak ha!?"
Hindi ko s'ya sinagot. Lumabas ako sa kotse n'ya at nagmadaling lumakad palayo.
"Happy! Ano ba!?"
"Bakit mo nga ginawa 'yun ha!? Nakikita mo ba ang hitsura mo ngayon? Macky, lumayo ka na lang please... salamat nalang sa pagligtas mo sa akin. Wag na tayong magkita kahit kailan! Pwede ba?"
Hinawakan n'ya ako ng madiin sa braso para hindi ako makawala.
"Ang sama talaga ng ugali mo! Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa ang galit! Sige! Bumalik ka nalang dun! Ewan ko lang kung hindi mo pagsisihan!" nanggigigil n'yang sigaw.
"Umalis ka na! Ayaw na kitang makita!"
"Ayoko...Ano bang problema mo ha!? Bakit? Bakit ka umiiwas!?"
"Dahil nagugustuhan na kita! Okay na ba!? Ayaw na kitang makita dahil ayoko sa nararamdaman ko. Ano ba namang magagawa ko eh magkaiba naman tayo ng nararamdaman!? Kaya please lang wag na tayong mausap, ayaw na kitang makita!Tama na!"
Seryoso lang ang mukha n'ya sa sinabi ko. Siguro deep inside natatawa s'ya dahil nalaman n'yang gusto ko s'ya.
"Oo nga... magkaiba tayo ng nararamdaman..."
"See? Kaya good bye! Alis! Lumayo ka na sa akin!" tinulak ko s'ya at nagtatakbo palayo.
"Napakaunfair mo! Nagagalit ka dahil nasabi mong gusto mo ako? Ako ba nagalit kahit gusto mo lang ako pero mahal na kita!?" nabigla naman ako nang marinig ko iyon.
Mahal n'ya ako?
"Bakit hindi ka makasagot ha!?"
Mas mahirap pa ata ito sa mga exam. Natigilan na lang ako at hindi makapag isip na tila isang mang mang.
NICO'S POV
"Kumusta ang panunuyo mo? May pag asa na ba?"
"Hindi ko alam... masyado paring mailap." sa tinagal tagal ko sa bahay nila tila ba naging isang tanong, isang sagot lang ang naging usapan namin.
"Ang hina mo naman Nico... sige ka baka maunahan ka pang magkalovelife ni Happy!" pang aasar ni Jeremy.
Nandito kami ngayon sa bahay nina Tungsten at naglalaro ng billiards.
"Malabo... hindi magugustuhan ni Happy si Macky." sambit ko.
"Sure ka? Pare, ang mga babae, hindi sila sasama ng MADALAS sa isang lalaki kung hindi nila gusto." so ayaw talaga sa akin ni Aira?
Napaisip naman ako dun. Baka nga nagugustuhan na ni Happy ang lokong 'yun.
"Speaking of Macky." dumating si Macky na may bangas ang mukha at may marka ng dugo sa kwelyo ng kanyang damit.
"Anong nangyari sa'yo?"
"Medyo napaaway lang... Nakursunada ako ng mga tambay." nakangiti n'yang sabi.
"Ikaw lang ang kilala kong nabugbog pero masaya... gusto mo balikan natin!?" sabi ng nagtatapang tapangan na si Zach.
"Next time nalang..." aniya. Hindi naman ako nagulat dahil palaaway naman talaga itong si Macky. Ngunit ngayon ko lang s'ya nakitang napuruhan kaya napaisip ako kung bakit at kung anong ginawa n'ya para pagtulungan s'ya.
"Hi Kuya... and'yan ka pala." sabi n'ya habang tinatapik ang likuran ko.
"Anak ka rin ba sa labas ng papa ko?" sarcastic kong tanong. Pero alam ko namang sinabi n'ya iyon dahil pinsan ko si Happy at ngayon expressive na s'ya.
"Ano ka ba naman dude, papasa na ba ako bilang future pinsan mo?"
"Pasa gusto mo?" sabi ko sabay turo sa kamao ko.
"Bitter lang 'yang si Nico. Dahil kayo ni Happy, may potential na pero sila ni Aira malabo parin." parang ganun na nga.
Niyaya ko si Aira sa tree planting project ng school namin bukas. Hindi ko alam kung makakapunta s'ya pero alam ko naman busy s'ya kaya hindi narin ako nag eexpect.
Ano nga kayang dapat kong gawin para magustuhan n'ya? Bumababa tuloy ang self esteem ko kasi feeling ko may kulang sa akin kaya ayaw n'ya.
-------
Vomment :)
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies
RomanceMadalas nating ikumpara ang ating buhay pag-ibig sa mga napapanood natin sa pelikula. Kung saan mayroon tayong makikilala, yung taong magbibigay sa atin ng saya at hindi tayo bibitawan hanggang dulo dahil mahal tayong talaga. Pero kadalasan taliwas...