CHAPTER #4

1.7K 49 3
                                    


Chapter 4: Realization

Binabaybay ko na ang daan papunta sa room. Ako lang mag isa  dahil hindi pumasok si besie. Siguro narealize nya ng sobrang nakakahiya yung ginawa kahapon -_-

Nahinto ako sa paglalakad ng may bumunggo sa'kin. Naawang pa ang bibig ko dahil medyo masakit ang isang 'yon.

"Ouch. "
Awtomatikong tumaas ang tingin ko sa kanya dahilan para malaman kong si Tristan pala iyon.
"Eomeona! Ikaw pala yan Audrey, sorry " Pag paumanhin nya

Napailing nalang ako nang maisip na lagi nalang kaming nag kakabungguan.

[Eomeona means Oh No! ]

"Ouch? Ikaw ba yung nasaktan? Ikaw ba? IKAW? " Hindi ko naiwasan ang pag mamataray sa aking tono.

"Sorry ulit." ngumuso ito

"Ganon naman lagi eh. Ikaw na yung nakasakit, ikaw pa may ganang mag react hindi nyo manlang iniisip yung nararamdaman ng taong nasaktan nyo " Alam kong napapadalas ang pag hugot ko pero hindi ko naman iyon maiwasan.

"Mianhae... Ahhm treat nalang kita sa cafeteria, Let's go? "

"Weh. Lilibre mo'ko? For real? Sana totoo...because I'm really tired of being fooled by someone "

Ang totoo'y hindi ko talaga alam kung saan ko ba nakukuha ang mga itong bigla nalang lumalabas sa bibig ko

"Aish. Oo nga tara. "
Inakbayan bigla ako ni Tristan

"Teka yung bag ko. Hindi ko pa nalalapag sa table ko. "
Akala ko ay hahayaan nya pa muna akong pumasok sa room para ilapag ang bago ko pero kinuha nya ito at isinabit sa balikat.

"Ako na magdadala."
Wala na aking nagawa ng unahan nya na akong mag lakad

Nahiya ako nang matantong ang bagong sikat na tranferee na si Choi Tristan ay dala dala ang bag ko.

Hindi kami nakaligtas sa mga tingin at bulungan ng mga nadadaanan namin hanggang sa tuluyan na nga kaming nakarating sa cafeteria

Nagawa kong huminga ng maluwag dahil akala ko ay matatapos na mula sa pag pasok namin sa cafeteria ang tila nakakasakal na titig ng mga estudyante pero hindi rin pala.
Nahuli ko pa ang pasimpleng pag irap sa'kin ng ilang babae na alam ko na kung ano ang dahilan.

"So ano gusto mong kainin." Tanong nya nang makarating na kami sa line. Sasagot na sana ako nang maagaw ng atensyon ko ang isang mukha.

Mukha ng taong matagal ko nang hindi nakikita
Yung taong dahilan kung bakit ako bitter ngayon kasama ang babaeng pilit inagaw ang pwesto ko.

Ba't sila andito? Bakit kailangan na magkita pa kami ulit?

Si Diocel at Viana

Nanlaki ang mata ko nang makitang sa way namin ang tungo nila.

"Hey. Audrey are you okay? "
Hindi ako sumagot bagkus humawak sa kamay nya

"Tristan let's go. " Hila ko sa kanya pero hindi sya nagalaw.

"Huh? But why? Nakarating pa nga lang naten eh. "

"Basta tara na. "

"Audrey?" Naudlot ang sanang pag alis namin ng narinig ang boses ni Diocel. Wala na akong nagawa kundi ang muling humarap

"Ikaw nga, long time no see. " Bakas sa mukha nya ang saya na makita ako.

Tss. Oo long time no see nga. Kasi last time na nagkita tayo. Sinaktan mo lang ako.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon