CHAPTER #8

1.2K 32 0
                                        

Chapter 8: Time will heal her.

Hindi ko alam kung pa'no hinila ng mga paa ko sa school garden.

Hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang ginawa sakin ni Viana

"Pwedeng tumabi? "
Iniangat ko ang paningin ko para makita si Diocel. Naiwas ko agad ang mata ko nang matamaan ang kanya.

"S-sige.. "
Tumabi ito sa'kin ngunit may pagitan sa'min

Nakita ko'ng suot nya ang sapatos na niregalo ko sa kanya.

"B-bakit sinuot mo na yan? Niregalo ko yan sayo para isuot mo pag nag basketball ka." Naiilang parin ako sa kanya.

"Ah eto ba, Isipin mo nalang peace opering ko 'to sa'yo. Mianhaeyo... I'm really sorry."

Hindi ko maiwasang mag taka.
"For what? "

"Sa ginawa ni Viana, hindi ko naman expect na gagawin nya 'yon at lalong hindi ko gustong na ginawa nya 'yon " Dama ko ang sinsero nya.

"Yun ba? Alam ko namang hindi mo talaga gustong nangyari 'yon eh. Pero bakit ikaw ang nag sosorry hindi sya ?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. Naikina ngiti nya lang.

"Kilala mo naman yun ma pride."

"Tss. Pero dahil nag sorry ka sige. Okay na 'yon sakin " Ngumiti ako. Wala naman akong magagawa, ipinanganak talagang maldita ang isang iyon.

"Salamat ah, ayan din nagustuhan ko sayo e. You have a good heart."

"Sus. nang bobola ka nalang ata eh. " Kahit naiilang sa mga titig nya ay nagawa ko paring ngumiti.

"Aniyo. Totoo 'yon yaksok! ” Nag-swear sign pa ito pero sumeryoso din
"kaya nga.... " Pag bibitin nya.

( Aniyo - No. / Yaksok - Promise )

"Ano?.. "

"I miss you.. "
Mabilis na naitikom ko ang bibig ko sa nasabi nya. Para bang ayaw tanggapin ng utak ko na sinabi nya iyon.

"Kaya ba... gusto mong maging magkaibigan tayo ulit kasi namimiss mo na yung dating kung ano tayo? Yung magkaibigan pa tayo? " Pag kaklaro ko dahil ayaw ko nang bigyan pa ng laman ang nabitawan nya.

Noon kasi ay naging mag bestfriend kami bago naging kami.

"Oo, siguro?"Patanong nya ring sagot.

Nag buntong hininga pa muna ako.
"A-aminin ko, yung mga sinabi ni Viana last night, about du'n sa bitter pa'ko sa'yo na kahit 50%, totoo 'yon. Umaasa pa ko na sana balikan mo'ko. Meron sa side ko na mahal ka pa, kasi naman 3 years diba? 3 years naging tayo. Hindi ko naman mababago agad pag mamahal ko sayo, kaya ang hirap para sa'kin na marinig mula sayo na hanggang mag kaibigan na nga lang talaga tayo. "
Natawa pa ako dahil hindi ko inaasahang nasasabi ang lahat ng 'yon.

"Audrey?.. "

"Pero okay lang. Makaka move on din ako." Ngumiti ako dahil ayoko nang tignan nya ako ng may pag awa.

"Audrey, I'm really sorry about what I've done to you. I-I didn't expect that it will affect you---"

"No, Diocel it's okay not totally but promise I'm okay."
Uuwang pa sana ang bibig nya para mag salita

"Audrey! "
Kapwa kami lumingon upang makita si Tristan. Mababakas ang inis sa mukha nya na hindi ko alam kung bakit.

Lumapit  ito at hindi nakaligtas sa'kin ang pag tingin nya ng masama kay Diocel.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon