CHAPTER #13

984 24 0
                                    


Chapter 13: Always be in second place.



Nasa mall kami nila Emjay at Cindy nag yaya kasi si Cindy mag shopping para daw mas lalo pa kaming maging close na tatlo. marami nadin kaming napamili medyo kanina parin kasi kami dito

Nag ikot ikot pa kami nang  nakita ko'ng naglalakad papunta sa direksyon namin sila Viana at Diocel. Nanlaki ang mata ko at sinigurado pa kung sila ba ang nakikita ko.

Hanggang dito ba naman?

"Cindy, Besie wait!." Pigil ko nang akmang papalakad na sila

"Oh.  Ano?  "-Emjay

"Why Audrey?  "-Cindy

"S-si Diocel at Viana andun oh! "
turo ko sa dalawa na binalin agad naman nila ng tingin.

"Eh ano ?” Sagot ni Emjay bahang nanatili paring nakatingin sa mga ito.

"Besie! "

"Sino ba sila Audrey? " Nag tatakang sabat ni Cindy

"Ex ni Audrey yung boy.  " Bulong ni Emjay bago humarap muli sa'kin.
"Ano kaba Audrey! Bitter kapa ba sa kanya?"

"Hindi na! "

"Oh. Iyon naman pala 'eh. Bakit ka magtatago everytime na makakasalubong mo sila?"

"Ah eh kasi---ARAY! "
Hindi ko nagawang tapusin ang sinasabi ko nang hampasin nya ang braso ko.

"Andami mo'ng dahilan!" Singhal neto

"Wala pa nga akong dinadahilan 'eh" bulong ko bahang sa ibang gawi nakatingin.

"Kung talagang naka move on kana wala kanang pakielam kung magkita man kayo sa daan "
Natango ako dahil tama nga naman ang nasabi nya

"A-ah OO!  " Tila ganadong sang-ayon ko. Napa turo pa ako sa taas.

"Sige. Gayahin moko ikaw din Cindy "
Pagkasabi niya nu'n ay umayos s'ya ng tayo na parang army
Agad na ginaya naman namin ni Cindy iyon atsaka kami sabay-sabay na natawa ng mapagtanto na mukha kaming tanga.

"Hi Friends"
Nalingon kami sa nag salita at laking gulat ko nalang nang makita si Viana na nakalapit na pala sa'min. Agad na hinanap ng mata ko si Diocel pero wala s'ya na siguro ay may pinuntahan lang.

"Friends?  Saan? "
Pang aasar ni Emjay, kunwari pa itong nag hanap
"May friends ka pala? " dugtong niya pa na ikina ngiti lang ni Viana

"Of course, I have a lot of friends pero habang wala pa sila sainyo muna ako makikipaglaro." maarteng sagot nito

"Tss. Where do you think we are?  In playground? " Hindi ko sinasadya ang pagtataray sa tono ko pero dahil si Viana ang kaharap ko ay hindi ko napigilan.

"Ay Ang galing! Nag sasalita ka pala? Nice! " dahan-dahan pa s'yang pumalakpak

Sapakin ko na kaya 'to.

"And who is she? A new friend?  Kayo ah. Pinag papalit nyo na'ko" Turo n'ya kay Cindy
"By the way ano pala ginagawa nyo dito? I thought no pets are allowed"

Wow ah.  Kapal ng apog neto

"No pets allowed ba friend?  Bakit ka andito?  Aish.  Hilig mo talagang mag joke MYGOD! " Nilakihan ni Emjay ito saka napapailing pa kunwari. Natawa ako dahil sa katarayan nya.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon