CHAPTER #53

615 12 1
                                    


Chapter 53: Let's pretend



“P-Pano mo pala nalamang nawawala ako?”
Pag babasag ko sa katahimikang pumalibot sa'kin mula pa kanina. Napag pasyahan na muna naming mag pahinga na muna dito sa malaking puno malapit lang sa hukay na kinabagsakan ko kanina.

Kapwa kami naka upo pero may malaking awang sa gitna namin

“Napansin ko kasing wala ka, ang alam ko ay nasa likod ka lang pero wala ka.. Kaya hinanap kita. ”

Namilog ang mata ko.

“Hinanap mo ako? ”

Nakangiting tumango ito.
“Oo, hindi naman kita pwedeng pabayaan.. Gubat kaya 'to---”
Hindi nya nagawang tapusin ang sinasabi nya nang hihitin ko s'ya at mahigpit na niyakap. Namilog ang mata ko at agad ring dumistansya sa kanya ng maisip na hindi ko pala dapat ginawa iyon

“Sorry.”
Naiilang na saad ko bago mabilis na dumistansya ulit sa kanya

Nadala lang ako sa saya dahil sa pag nakaligtas n'ya sa'kin. Aaminin kong may tuwa sa puso ko nang maisip na binabantayan nya ako kanina.

“Okay lang.” Mabilis na iniwas ko ang paningin ko ng ngumiti s'ya. Ayoko nang mabihag pa muli doon.


Kahit pa nangyari 'to ay alam kong hindi nito mababago ang katotohanang wala na kami at sinaktan nya parin ako.

“Mabuti pa't umalis na tayo dito. Baka abutin pa tayo ng gabi. ” Saad ko nang tumayo. Tumayo narin s'ya.

Nakayakap ako sa sarili kong braso ng maramdaman ang lamig ng hanging lumapat sa balat ko.

Simpleng manipis na T-shirt lang kasi ang sinuot ko.

“Hindi ka kasi dapat nag susuot ng maninipis na damit. Alam mong malamig dito.”

“Don't tell me what to wear, you aren't my stylist.”
Akmang aalis na ako ng hablutin nya ang pulsuan ko.
Pinanood ko s'yang hubarin ang jacket niya at namalayan ko nalang na naisuot n'ya na iyon sa'kin.

Nag pauna s'yang mag lakad. Alam nya rin sigurong hindi ako komportableng ako ang nasa harap nya.

Ilang minuto pa kaming nag lakad sinadya kong bagalan ang lakad ko upang hindi s'ya makasabay na ngayon ay nangunguna sa pag lalakad. Tanging sa likod nya lang ako nakatingin.

Malawak ang gubat na'to at alam kong naligaw na kami at ngayon ay pinag hahanap narin kami ng mga kasamahan namin.

“Aray!” Napaupo ako sa lupa dahil sa pag katapilok.

“You okay?!” Naramdaman ko ang kamay niyang mabilis na gumapang sa likod ko pati narin sa braso ko.

Kahit mahirap ay pinilit kong tumayo at ipakitang hindi ako nasaktan.
“I'm okay..” Tipid na sagot ko bago hinawi ang kamay niya.
Bakit ba kasi ang dilim at malubak dito?

Nakita kong inilahad nya ang kanang kamay nya sa harap ko.
“You can hold my hand. ” Pag aalok nya pero tinignan ko lang iyon.

“I can walk on my own. ”Pinangunahan ko s'ya sa pag lalakad.
“..See?  Nakakapag lakad ako-- Aray.”Hindi ko nagawang tapusin ang sana'y pag mamalaki ko sa kanya ng bigla ay matapilok na naman ako. At sa oras na'to hindi ko na kayang tumayo.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon