CHAPTER #65

575 10 4
                                    

Chapter 65:
Waiting.....


2 DAYS LATER

Halos kakapasok lang ng dalagang si Emjay sa isang resto. Inaya nya kasi ang kaibigang si Audrey para kumain dito dahil sa nag c-crave s'ya.

Kakaupo lang nito at masayang inilinga ang patingin sa buong ng lugar habang nag aantay.

Pero nawala ang ngiti niya ng mapunta ang paningin niya sa isang table hindi kalayuan muka sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang dapat na isipin sa mga oras na ito ng makita ang kasintahang si Yohand na mukhang masyang nakikipag usap kasama ang isang babaeng pamilyar sa kanya.

Tuluyan na s'yang napatayo ng makita na bigla ay punasan ng binata ang gilid ng pisngi ng dalaga dahil sa tirang sauce pa doon. Sa mga hindi nakakakilaka sa kanila ay iisiping may relasyon ang dalawa.

Naawang ang bibig ni Emjay at namalayan nalang ang sariling dahan-dahang nag lalakad palapit sa kanila.

Bago pa man s'ya nakakalapit at nagawi na ang paningin ng dalagaang kasama ng binata ang paningin sa lugar nya dahilan para magtama ang paningin nila. Nagulat ito pero imbis na lumayo mula sa binata ay parang mas nagustuhan pa nito na nakita na sila nito.

Nag katinginan ang babaeng si Crizelle at Emjay. Ngumisi ito na tanging sila lang ang nakakakita.

Namilog ang mata ni Emjay ng makita kung pa'no hawakan ng dalaga ang kamay ng kasintahan niya at bigla ay halikan ito sa labi.

Mababakas ang gulat sa mga mata ng binata ng gawin iyon ng kaharap pero mas nagulat ito ng tuluyan na ngang makita ang kasintahan na nakatingin lang sa kanila. Parang binuhusan ng malamig na tubig ito na napatayo sa gulat.

“E-Emjay.”
Ni hindi magawang tumingin nito sa mga mata ng dalaga.

Mapait na ngumiti ang dalaga na tila wala lang sa kanya ang nakita.
“Sana tinext mo manlang ako para sabihing dito pala kayo mag de-date n'yang assistant nurse mo. Edi sana hindi na ako nag punta pa rito... ”Natawa ito pero kahit may pait.
“May karapatan naman ata akong mainform kung saan at kelan ka mag loloko hindi ba? ”Dugtong pa na animo'y isa lang 'tong laro.

Akmang tatayo si Crizelle pero naging mabilis ang galaw ni Emjay para patulak s'yang ibinalik sa pag upo.
“Hindi maupo kalang jan... 'Wag kang mag alala hindi ako mag i-iskandalo dito.. Tch. Alam mo naman, may class ako hindi tulad mo.”Napahampas pa ito sa hangin na animo'y sa kumare lang nakikipag usap.

“Hays, love. I never think you would end up dating a cheap girl like her--Gosh!  Saan mo ba s'ya nadampot? ”

“Emjay--”

“Oopps! Don't dare to pronounce even a single letter if I'm still talking, Love.. ”Nakangiti parin at kalmado lang na inayos pa nito ang suot ng kasintahan bago bumalin kay Crizelle.
“At ikaw naman, kung lalabas na rin naman kasama ang boyfriend ko ay sana naman ginandahan mo na ang suot mo--Gad!  Saang tiangge mo ba nabili yang isinuot mo? ”Tila nangdidiring turo nito sa suot niya. Naiyukom ni Crizelle ang kamao dahil sa pagkapahiya. Naikot ni Emjay ang mata.
“Fake relationship na nga lang ang kayang ibigay sa'yo ng boyfriend ko ay pati ba naman isusuot mo ay fake? Gosh girl. Sarap ihampas sa'yo netong original hand bag ko, alam mo ba'yon.”Kunwaring maarting tugon pa n'ya.

“Stop. Umuwi na tayo--”

“Wag mo akong hawakan! ”Hindi na nito napigilang mag taas ng boses dahilan para mapukaw nila ang atensyon ng iba. Nag buga ng hangin ang dalaga para pakalmahin ang sarili.
“Kung sana kasi mas better sa'kin 'tong ipang papalipas oras mo ay sana natuwa pa ko.”Balin nito na may nanghahamak na tingin.
“Pakikipag date ba'to o mamalengke? ”Dismayado pang dugtong niya

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon