CHAPTER #23

869 15 1
                                    


Chapter 23: Don't love someone else in front of me.



Namili pa muna kami ng mga gagamitin para sa pag gawa ng cup cake bago dumeretso sa kanila.

Tumawag si Ma'am Pinangunan na kung pwede daw bang after namin ito ma bake ay dalhin namin sa kanila para matry nya daw. Pumayag naman kami dahil alam naman naming maaga din kaming matatapos.

Nang makarating kami sa bahay nila Diocel ay nauna s'yang bumaba ng kotse nya. Ngumiti ako ng ipinag buksan nya ako ng pinto.

Iniangat ko ang paningin ko sa mataas na bahay nila. Hindi nag bago ang itsura nito.

“Tara, Audrey.”
Aya niya saka kami pumasok. Sinalubong kami ng tatlo sa mga maids nila yumuko pa muna ang mga ito at bumati sa'min bago kinuha ang gamit ni Diocel ang akin naman ay sa couch ko nalang ipinalagay dahil kukunin ko rin naman iyon mamaya.

Hindi ko alam kung bakit ako nangiti habang nililibot ang paningin sa paligid. Siguro ay ang dami ring mga alala ang binuo ko sa bahay na'to kasama ang taong dati kong piniling makasama.

“Nag ka balikan na kayo?” Nalingon kami kay Dairinn na may hawak ng baso ng juice.

Natatawang kong inikot ang paningin ko bago lumapit sa kanya saka nakipag beso-beso sa kanya.

“Asa. I'm too beautiful for your brother.” Biro ko pabalik

“Yeah! Mag sisi s'yang pinakawalan ka. Gosh! Hindi ko alam na may kapatid akong low I.Q” Humawak pa ito sa noo nya habang umiiling

“Thanks for the complement, Noona. ” Sabat ni Diocel na ngayon ay hinuhubad ang suot na uniform. Mabuti nalang at may suot s'yang white t-shirt sa loob.

Yan ang isa sa ugali nya. Oras na umapak at nakapasok na s'ya sa bahay nya ay nawawala ang pagiging maingat at pino nya sa katawan.

“Tch. Dahil sa'yo nasira ang favorite loveteam ko. Sinayang mo pagiging Dreycel shipper ko. Hay nako! Sayang lang in-invest kong kilig sa relasyon n'yo. ”
Natawa ako sa pananalita niya dahil halata talaga ang pang hihinayang sa kanya.

Dreycel shipper.

Nalala ko noon ay s'ya ang pinaka masaya nang malaman na sinagot ko na ang kapatid nya, s'ya pa ang nag papayo kay Diocel kung saan ako dadalhin at mga bagay na dapat ibigay sa'kin twing sasapit ang monthsary hanggang anniversary namin.

Minsan pa nga silang nag tatalo ni Emjay dahil kung anong suporta si Dairinn sa relasyon namin ni Diocel ay s'ya namang tutol ni Emjay.

“You know, try to move on.” Natatawa ring sambit ni Diocel.

“Tch. Only stupid people will believe in the word that really doesn't exist. 'Move on? Ugh!” Inikot nito ang paningin nya. Nag lakad ito papalapit sa couch inilapag nito ang baso sa lamesa bago umupo.

“Move on' is really existing, Dairinn. Tignan mo kami ni Diocel. Mag kaibigan na kami ulit. ” Pag tatanggol ko kay Diocel na dapat ay hindi ko nalang pala ginawa.

“Oh god! Audrey. Please? We all know, You can't be friends with your ex after all, it never works. That is shit.”

Yung totoo, sino bang naging ex ni Diocel sa aming dalawa? Mas bitter s'ya eh.

“Being friend with your ex isn't shit, Noona. It just that, we already accept the fact that our relationship are meant to end.”Sabat ni Diocel. Ngayon ay parang nakikipag debate na kami sa kapatid niya alam naming kahit dalawa pa kami ay hindi kayang matalo.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon