CHAPTER 72

606 13 6
                                    


Chapter 72:
Stop hurting me.
Stop loving me.


Palakad na ako ngayon patungo sa penthouse.  Hindi naman ako mag hahatid ng meal ng CEO pero ako ang inutusan ni Ms Reyes na mag hatid ng tsaa doon. 
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Minsan nga'y naiisip ko na para bang inaasar ako ni Ms Reyes.

Hindi nakaligtas sa'kin ang mga mata sa paligid. Matang mga nag Tatanong at nang susuri. Siguro'y dahil ito sa naging live interview ni Emjay. Siguro nga'y kailangan ko nang tanggapin na hindi na magiging normal tulad noon ang pananatili ko rito.

Saglit akong natigil para kunin ang phone ko at binuksan ang pag sinend ni Diocel na picture nila ni Anecia. Kumakain sila ngayon ng ice cream at nang inggit pa ang dalawa. Nangingiting ibinalik ko na lamang ang phone ko sa bulsa at binuksan na ang pinto.

Bago ako pumasok ay nakarinig ako ng ingay. Ingay galing sa dalawang taong nag aaway. Gano'n pa man ay pinili ko paring pumasok.
Pag kapasok ko ay hindi ko nagawang pag handaan ang mga sunod kong nakita.
Nagitla ako ng makita si Dairinn ng bigla ay angkinin ang labi ni Tristan. Nakatayo lang sila pareho pero mababakas na kakatayo lang ni Tristan galing sa swivel chair n'ya. Humigpit pa ang yakap ni Dairinn dito kasabay ng pag didiin nito sa halik niya. 

Hindi ko alam kung anong dapat gawin sa mga oras na'to. Hindi ko nagawang pag handaan iyon isa ay kanina lang ay nagiging ko lang sila na nag tatalo.

Sa gulat ko ay saglit akong napako sa kinatatayuan ko. Nang mabawi ko ang sarili ko ay hindi ko naman alam ang dapat na gawin.

Pinili ko nalang na mag iwas ng tingin at umatras pero hindi pala dapat iyon ang ginawa ko dahil natamaan ko ang vase na naka display doon dahilan kaya nalaglag ito at nabasag.

Narinig ko pa ang gulat na reaksyon ni Dairinn na tumawag pa sa pangalan ko.  Natigil na sila sa ginagawa nila. Nagtama pa ang paningin namin ni Tristan bago ako ang mabilis na umiwas.
Agad na ipinatong ko ang hawak sa kalapit na lamesa at umupo ara sana damputin ang nabasag na piraso ng vase.

Sa sobrang naranta ko ay nawala na sa isip ko ang nakakasugat na bahagi nun at huli na para mag ingat pa dahil nahiwa na nu'n ang gilid ng palad ko na mabilis na ginapangan ng dugo.

Naawang ko ang bibig ko ng makita ang kulay rosas kong dugo na mabilis na kumakawala mula sa balat ko.

“Ohgod!”
Rinig kong reaksyon ni Dairinn.

Mag aangat pa sana ako ng tingin ng makita ko ang mabilis na pag upo ni Tristan sa harap ko.
Sa isang pikit mata ay kita kong hawak niya na ang kamay ko.

“It's hurts.”Napalakas na bulong ko.

“Of course, it does... ”
Sarcastic na tugon nya dahilan para balingan ko s'ya
“You shouldn't put broken glass with your bare hand.” Sarcastic ang tono niya pero dama ko ang pag aalala.

Daglian akong nakaramdam ng inis. Lalo pa  nang mag tagpo ang mata namin ni Dairinn.

Mabilis akong nag iwas ng tingin at agad na binawi ang kamay ko mula kay Tristan.

“Okay lang ako.”Mabilis akong tumayo at hindi na nag abala pang lumingon at umalis na.

Pag labas ko ay doon ko na hindi napigilan ang sarili kong mga luha.

Hindi ko alam kung paanong nakapag lakad pabalik sa kitchen.

Namalayan ko nalang ang sarili kong naka upo sa isang sulok kaharap sa sarili kong mga tuhod.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon