CHAPTER #25

865 18 1
                                    


Chapter 25: Favorite Bunso





Sa bahay nila Emjay ako dumeretso. Hindi na ako nag pahatid kay Tristan dahil mukhang wala na rin naman s'yang ganang ihatid ako.

Pag bukas ng pinto ay si Emjhay agad ang bumungad sa'kin.

"Besie... " nakanguso kong bati sa kanya. Saka yumakap na parang bata.

"Oh. Ba't ka andito? " Mabilis na kumalas ako sa kanya dahil sa tono nya ay parang ayaw n'ya na pumunta pa ako.

Umirap ako bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi pa nga ako nakakapasok ay 'yon agad ang bungad nya sa'kin.

"I went here just to get tease." Pamemelosopo ko sa kanya

"And why here? Duh! I'm not good at teasing people. " Pinaikutan nya pa ako ng mata. Gusto ko s'yang batuin ng unan dito sa sofa na nasa gilid ko. Sofa nalang kaya?

"Hey Audrey. "
Awtomatikong nalingon ako para lang manlaki ang mata ng makita si Elier Jhay na nakasandal sa pinto ng kwarto nyang matagal ding nabakanti.

"Ejhay?!"

"Oooppsh! Easy bessie."
Awat sa'kin ni Emjay ng akmang pasugod ako upang bigyan ng yakap ang nakakabata nyang kapatid.

3 taon ang tanda namin sa kanya. At dahil nga bestfriend ko ang ate n'ya at nag iisa akong anak ay tinuring ko narin s'yang nakakabatang kapatid. At dahil du'n naging super close ko sa kanya.

Kahit pa madalas ako noong sinasabihan ni Ejhay na ako lang daw ang crush n'ya at minsan ay bigla nya nalang akong yayakapin ko hahawakan ang kamay ko'y hindi ko iyon siniseryoso.

Kahit na mas matangkad ito samin at mas s'ya pa ang mas matanda sa'kin dahil mas mature ito kesa samin ni pangulong Emjay ay baby brother parin ang turing ko sa kanya.

"Namiss ko lang s'ya. I want to hug him." Nag taas ako ng kilay at balikat kay Emjay na inirapan nya lang.

"Yeah. I want it to too."

"Hep! Mag tigil ka jan."  inambaan n'yang babatukan ang kapatid ngunit mabilis lang itong naka iwas.
"Mag ayos ka na muna ng gamit mo jan. Pati narin yung gamit mo sa school. papasok ka na bukas, Ejhay at puro games lang yang inaatupag mo."
Ngayon ay nakikita ko na naman ang pag ka ate kay Emjay.

"Alright, Alright. I'll do it, okay? Tch You're the most heartless sister I've known, ate. Dapat ba hindi nalang ako umuwi? "'Kunwaring inis na sambit nito ngunit ngumiti naman at nag taas ng kamay sa'kin bago isinarado ang pinto ng room nya.

Binalingan ko si Emjhay na may nagtataka.
"Pasok bukas? Hindi ba't sa province nag aaral ng seniorhigh si Ejhay?"

Sa cebu napiling mag aral ni Ejhay dahil daw mas gusto n'yang maranasan namang mag aral na sa probinsya. Ewan ko ba't minsan ay kakaiba ang mga nakakahiligan n'ya.

"Not anymore, he passed his accelerate exams and--Yeah he's now  second year college."
Mabilis na nadagdag ang panga ko dahil sa narinig ko.
"Nakakagulat hindi ba?  I mean yes, I know he's smart. But--agh! He not even told us. Keso daw nasa state naman sila mom and dad at mag ja-jump lang naman daw s'ya ng level. Kahit pa, diba. I'm still his sister...Nagulat nalang ako pag uwi ko nu'ng friday andito na yang pasaway na yan. " Muli pa itong umirap. Natawa ako dahil mukhang nag tatampo s'ya sa kapatid nya.
"Tch. Wag na nga natin s'yang pag usapan. Ano bang ipinunta mo rito, akala ko ba may date kayo ni Tristan, where is he? "

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon