CHAPTER #14

947 26 0
                                    


Chapter 14: I'm warning you!




"Audrey oh masarap 'to try mo." sabi ni Tristan at sinubuan ako nang kinakain nyang siomai

"Ano masarap diba? "
Itinaas ko ang dalawa kong hinlalaki para sumang-ayon.

"Ay wait."
kumuha ito ng tissue at pinunasan pisngi ko na may tirang sauce ata

Nangiti ako dahil ang sweet nya.

Simula kasi nu'ng nag kaalaman na kami ng totoong nararamdaman ay  naging ganito na ay sitwasyon namin
Hindi naman kami pero hindi ko rin naman masasabi na mag kaibigan lang kami. Siguro ay sabihin na nating nag exist na sa pagitan namin ang tinatawag nilang 'M.U'

 
Okay na din ako sa ganito basta alam kong gusto namin ang isa't isa

Nabalin ang atensyon ko kila Yohand, Emjay at Cindy na kapwa nangunot ang mga noo. Bakas na pilit nilang iniintindi ang nangyayari.

"Ano yan?" Dahil nga ugali na ni Emjay ang hindi kayang pigilan ang pagtataka at bunganga ay lumabas na nga sa bibig nya ang tanong na iyon.

"Ano?" Inosenteng sagot ko

"Bakit parang nagiging sweet na kayo lately?  Kayo na ba?"

Nagtinginan muna kami ni Tristan bago sabay na himarap sa dalawa.

"Hindi." Sabay naming sagot.

"Edi nililigawan mo palang si Audrey bro?"Hindi maitago ang pagtataka sa mukha ni Yohand

"Hin.. di?  " Inosenteng sagot nito na lalong napataka sa tatlo.

"Huh?" Takang singhal ni Cindym

"Eh mag ano kayo?" Sabat pa ni Emjay.

"friends?" Tipid na sagot ko nalang.

"Hah?!! "Sabay nilang singhal

"Pinag loloko nyo naman kami eh hindi pa kayo pero ang sweet nyo." Sabat ni Yohand na akala mo dismayado'ng dismayado talaga.

"Bakit bawal ba maging sweet sa kaibigan?" Nangiti ako dahil sa naging sagot ni Tristan

"Don't me bro! Si Cindy friend mo rin naman ah-- bestfriend pa pero hindi ka naman naging ganyan ka sweet sa kanya simula nag break kayo noh. "
Bumalin ako kay Cindy at hindi nakaligtas sa'kin ang biglang pagkawala nang kanina'y kumikinang na ngiti nya.  Naiwas ko agad ang paningin ko nang matamaan nu'n ang mata ni Cindy

"Tss. just don't mind us. 'yang sa inyo ang intindihin nyo." Sagot ko nalang

"Oo nga." Pag sang-ayon ni Tristan. Natawa pa ako nang ngumuso s'ya.

"Oo kasi ang gulo nyo." Parang batang sigang singhal ni Yohand na dinuro pa ang kapatid nya.

"Aish! buti pa ako alam ko kung ano kami ni hobby Yohand, malapit na kaming maging couple " Parang nang iingit pa si Emjay nang yumakap sa braso ni Yohand na tamad namang tumingin sa kanya.

"Isa ka pa. "  Tinulak nito ang noo ni Emjay gamit ang hintuturo dahilan para makakalas s'ya sa pag kakayakap. Natawa ako dahil sa ismid si Emjay bago hinawakan ang noo.

"Kawawa naman ako, ako lang walang partner dito. " Ngumuso si Cindy at nangalumbaba.

"Oww wawa. Gusto mo hanapan kita?  Maraming gwapo dito sa University. " Alok ni Yohand

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon