CHAPTER #33

750 16 0
                                    


Chapter 33: Again.




Pinuntahan ko na si Tristan sa gym.

Umupo ako sa malapit bleacher ng makita ang bag ni Tristan doon. Nangiti ako ng makitang bag nya lang ang nag iisang kulay pink na andon.

Naawang ang bibig ko dahil ngayon ko lang napansin na tanging si Diocel at Tristan ang nag aagawan sa bola.
Nilingon ko ang ibang player at kapwa lang sila naka upo at nanunuod. Habang ang coach ay naka focus lang sa dalawa. May ilang estudyante din ang nanunuod.

' Diba't si Audrey 'yon? '

'Oo nga noh. Diba ex nya si Diocel tapos may something sila ni Tristan? '

'Hays. Ang swerte naman nya sa lovelife ano? Gad! Isipin mo nalang dalawang korean hotties yan tapos ugh! Nainggit. '

Napalunok ako ng marinig iyon mula sa mga babae sa likod ko.

“Oh? andito pala si Audrey. Hi Audrey ”  Bati sa'kin ni Cris isa sa mga ka team ni Diocel. Kumaway narin ako.

Nabalin ako muli sa dalawa at nangiti ng makitang nasakin na ang atensyon ni Tristan gano'n din kay Diocel.

“Yon! May gaganahan ng mag laro. ” Singit naman ni Alex

“Tanong, sino sa dalawa ba ang gaganahan mag laro.” Sagot ni Cris na may nangangantsaw na tingin. Pilit na nangiti nalang ako sa kanila dahil hindi ako komportable sa usapang ganito.

Ngayon ay si Diocel ang may hawak ng bola. Ilang beses nya pa iyong driniibble bago nagawang lagpasan ang pag babantay ni Tristan at ipasok sa basket.

Ilang beses pang nag palipat-lipat ang may hawak ng bola bago sa wakas ay nakuha ni Tristan at s'ya naman ang mag shoot.

Mukhang okay naman ang dalawa dahil nagagawa nilang mag palitan ng ngiti at minsan ay nag aapir sila pag ang isa sa kanina ay nakaka shoot.

Hindi ko alam kung pa'no sila naging mag kaibigan at naging ganyan kalapit pero siguro ay okay na ito sa pagitan naming tatlo.

Nang mag tawag ng break time ang coach ay huminto narin sila.
Natawa ako ng umupo si Tristan upuan na isang upuan ang nasa pagitan namin.

“Ba't jan ka nakaupo? ” Natatawang tanong ko.

“Basang basa ako ng pawis...” Ngumuso ito

“Pch. Ikaw talaga.. Tara nga dito, okay lang yan. ” Hinila ko s'ya paupo sa tabi ko bago ko kinuha ang towel nya saka ko sya marahang pinunasan habang s'ya ay sa'kin lang nakatingin.

Huminto muna ako sa pag punas para kunin ang tumbler ng tubig nya.  Binuksan mo yun bago inabot sa kanya. Pag katapos n'yang uminom ay pinag patuloy ko ang pag pupunas sa kanya.

“Ang sweet naman ng couple na'to.. Hays. Nakakamiss tuloy mag ka girlfriend. ” Natigil ako sa pag pupunas para tignan si Alex na batukan ni Cris.

“Nag ka girlfriend kaba? ” Natatawang tanong nito.

“Oo gagi, wala ngalang official. ”

“Baliw! Ang sabihin mo, wala ka lang sineryoso. ”

Sabay sabay kaming natawa. Babaero kasi itong si Alex buwan-buwan ata ay iba iba ang kasamang babae.

Nabalin ang atensyon ko kay Diocel na pangiti-ngiti lang habang nag pupunas ng sarili.

Agad na kinuha ni Tristan ang atensyon ko nang hawakan nya ang bewang ko habang ang kabilang kamay ay naka patong sa sandalan ng upuan ko.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon