CHAPTER #27

742 14 5
                                    


Chapter 27: Flat; Pervent

[ Si Dairinn, Emjay and Audrey yung nasa taas. ]


* THIRD PERSON POV *


"Salamat, Tristan ah. Hindi ka talaga snob. Ang bait mo. " Pagpapasalamat ni Krisha sa binata.

"Sabi ko naman sa'yo na we can be friends diba?"

"Oo, salamat ulit. Sige may klase pa ako. Bye." Nag paalam na ito at saka tumakbo papalayo.

Nakangiti naring nag umpisang mag lakad ang binata pero hindi pa man sya nakaka ilang hakbang ay tumigil rin sya ng nakita nya na mula sa malayo ang tumatakbong si Viana.
Tulad n'ya ay nahinto rin ito sa pagtakbo ng makita si Tristan.
Nagitla ang binata ng makita ang nangingiyak na mukha nito. Ilang hakbang na lamang ang pagitan nila

"Tristan...." Naluluhang pag tawag ni Viana bago tumakbo payakap dito. Naawang ang bibig ni Tristan

"W-What happen? " Mabilis na lumabas ang pag aalala sa mukha nya

"Don't ask. Just hug me, I need you right now. " walang nagawa kundi ang hagudin ang likod ni Viana na ngayon ay lumakas pa ang hikbi.

Nasa ganoong sitwasyon ang dalawa ng dumating si Diocel at makita sila. Ilang segundo bago nag tama ang mga mata nila ni Tristan na halatang nagulat din ng makita ito bago mapagtanto ang nangyayari sa pagitan ng magkasintahan.

Akmang lalakad na si Diocel palapit sa kanila ng pasimpleng umiling si Tristan upang pigilan s'ya at senyasan na 'wag na munang lumapit.

Walang nagawa si Diocel kundi ang yumuko bago nag aalangang umatras at maglakad papabalik.






- K I N A B U K A S A N -

* AUDREY POV *


nang mag lunch break ay gaya ng dati ay kasabay ko sila Tristan, Yohand at Emjay. Ngayon ay may nadagdag na sa'min na si Ejhay.

Hindi naman na kaming nahirapan na ipakilala s'ya sa magkapatid. Hindi rin naman kasi makwento itong si Ejhay kabaliktaran ng ate nya kaya halos si Emjhay lang na naman ang nag sasalita na panay din kulit kay Yohand.

Gusto kong mangiwi tuwing maiisip na mamaya lang pag tapos n'yang kulitin si Yohand ay kami naman ni Tristan ang aasarin nya.

Mabuti narin at andito na si Ejhay dahil may nakakausap ako.
Pero hindi ko parin maiwasang napatingin sa tahimik lang na si Tristan. Hindi ko na nga maintindihan ang mga kwento ni Ejhay tungkol sa nangyari sa kanya sa cebu dahil kay Tristan nalang din ako naka focus.

Napatingin nalang ako sa palad ko. Hindi mo maiwasang malungkot ng maalala habang hinahawakan nya pa ito noon.

"Ba't ka nakatingin sa kamay mo, Audrey. Gusto mo hawakan ko. "
Nabalik nalang ako sa realidad ng maramdaman ang mainit n'yang kamay na sumiksik sa mga daliri ko.

Mabilis kong tinanggal ang pagkaka yakap ng mga kamay namin.
"A-Ano nga ulit yung kwento mo? Tinanghali ka ng gising at na late sa klase mo. " Mahina kunware akong tumawa para maiba ang usapan pero parang hindi sya natuwa bagkus nginusuan lang ako.

"Tinanghali ako ng gising at maling room ang pinasukan ko kaka madali, Audrey. Wala akong nasabing nalate ako ng klase. Hindi ka naman nakikinig eh. "

Gusto kong sapukin ang sarili kong noo. Halatang hindi ako nakikinig -_-

"H-Hindi ba't gano'n rin naman iyon. Ano kaba. " Mahina ko pa s'yang siniko. Nakakahiya shems.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon