CHAPTER #21

861 17 0
                                    


Chapter 21: Stay by my side.





- TRISTAN POV.

"Salamat Tristan, sa pagtulong sa pag aayos dito sa history departure hah?" Matutuwang pagpasalamat ni Sir. Tinapek nya pa ang balikat ko.

Kakatapos lang naming mag ayos sa history departure n'ya.

"Wala po iyon sir, sige po mauuna na ako. "

"Osige, take your lunch now. Salamat ulit. " Ngumiti at nag bow na ako saka lumabas.

Dumaan muna ako nang cr para mag hugas ng kamay. Pag katapos ko ay agad na akong lumabas.

Pagkalabas ko ng building ay agad na pumasok sa utak ko si Audrey.
Asan na kaya ang isang iyon?

Naisip kong pumunta sa school ground dahil du'n din naman ang daan ko. Baka sakaling nandon siya dahil du'n naman parati ang tambayan nya.

Pagkarating ko doon ay agad akong tumingin sa lugar kung saan laging naka upo si Audrey. Nangiti ako nang makita ang likod ng isang babae na nakaupo doon na alam kong s'ya na.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa likod nya. Agad kong tinakpan ang mga mata nya gamit ang dalawa ko'ng kamay.

"You know me?" Iniba ko ang boses ko para guluhin s'ya. Hindi s'ya nag salita bagkus umiling lang kaya lalong lumawak ang ngiti ko. Ibinaba ko pa ang mukha ko para halikan ang ulo nya. Saglit lang iyon bago ko inilapit ang bibig ko sa tainga nga.
"Ako yung taong hindi ka pag sasawaang mahalin." malambing na asad ko. Tinanggal ko na ang pag kakatakip ko sa mga mata n'ya bago inilusot ang mga kamay ko payakap sa kanya
"Anajwo! " masayang sabi ko bago tuluyang ibaon ang mukha ko sa leeg nya saka tinignan ang mukha nya para makita ang reaksyon nya.

Mabilis akong napa bitaw sa pag kakayakap sa kanya. Kamuntikan pa nga akong matumba ng tumama ang binti ko sa kabilang upuan dahil sa pag layo ko.

Hindi ko alam kung paano sasabayan ang mga titig ng babaeng inosente nang nakatingin sa'kin.
Mag kahalong gulat at hiya ang nararamdaman ko sa mga oras na'to

Hindi ko akalaing hindi pala si Audrey ang kanina lang na niyakap ko. Nakakahiya.

Taranta'ng napa ayos ako ng tayo.

"H-Hindi ko alam.. A-Akala ko i-ikaw yung--mianhae." Hindi ko alam paano ipapaliwag kaya't yumuko nalang ako at humingi ng tawad. Nanatili lang ako sa ganoong sitwasyon dahil alam kong na bastos ko s'ya at kahit na anong oras ay makakatanggap ako ng isang malakas na sampal. Ngunit na gitla ako ng marinig ang mahina n'yang pagtawa. Unti-unti kong iniangat mukha ko para makita s'ya nakatakip ang bibig dahil sa pag tawa.

Tinignan ko ang kabuuan nya. Hindi ako pwedeng mag kamali. Korean s'ya

"It's okay, don't worry." Ngumiti ito saka mahagyang hinagod ang natitirang buhok papunta sa likod ng tainga nya na kaninang binulungan ko.
"Jeongmal chincheol hashigunyo."matamis itong tumawa dahilan ng pag ka balisa ko.

[ Anajwo! - give me a hug.
Jeongmal chincheol hashigunyo - You are so sweet. ]

"S-Sorry! I-I didn't do that on purpose. H-Hindi ko alam--Akala ko ikaw yung kakilala ko." Hindi ko maalis ang pagkataranta ko.
Aaminin kong ang ganda nya.

"Ah, yeojachiggu?"
Ilang segundo bago ko nagawang umiling.

"A-Ani." Nahihiya kong sagot.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon