CHAPTER #19

904 16 2
                                    

Chapter 19: Still care.




Mabilis ang paglalakad ko dahil late na ako, hindi na nga ako nakapasok nang first-sub dahil hindi ko narinig ang alarm clock.  Napasarap ang tulog ko.

Habang nag lalakad ako ay may ilang babati sa'kin na tanging ngiti nalang ang nagaganti ko dahil sa pag mamadali.

Pumasok na ako sa pasilyong daan papunta sa room namin. Ang kaninang mabilis na pag lalakad ko ay unti-unting bumagal. Humigpit ang pag hawak ko sa suot kong bag nang makita si Tristan na naka tayo sa gilid ng pinto ng room namin. Sa harap s'ya nakatingin at nasa likod ng mga kamay na tila may inaantay.

Huminto ako na ako sa gilid nya nang makalapit ako.

“T-Tristan? ”

“Oh? Andito kana. ” matamis n'yang bati saka umayos ng upo.

“S-Sinong inaantay mo?”

“I-Ikaw. ” 

“Kanina pa nag aantay yan jan, Audrey.” Sabat ni Ivan na kaklase namin na makalabas lang saka nag lakad paalis.
Bumalik ang atensyon ko sa ngayon ay nahihiya nang si Tristan.

“B-Bakit mo'ko inantay?”

“H-Hindi kasi ako mapakali nang hindi ka makita kaya... Oh! ” Halata sa kanya na hindi maipaliwanag ang gustong sabihin. Inabot nya sakin ang isang note na agad ko namang kinuna.

“A-Ano 'to?”

“M-Mga lectures yan kanina, hindi mo napasukan kaya isinulat ko para sayo. B-Baka kasi mahirap ka habulin yung mga lecture.” Hindi s'ya makatingin sa'kin na tila nahihiya.
“T-Tara pasok na tayo, malapit na ang second sub. ” Mabilis syang nag lakad papasok.

Ilang segundo ko pa muna syang tinignan bago napangiti at sinundan na syang pumasok.

Sino ba talagang hindi mahuhulog sa isang gaya mo, Tristan?

---**---

Nang mag 3rd period na ay sa school kitchen  kami pinaderetso ni Ma'am Pinangunan. S'ya ang prof. namin sa FNB.
Sa mga nag tataka Yes!  May BNF class po kami actually strand lang naman ito for 2 hours... Halos lahat ng course ay meron ng subject na'to. Kaya nga iyon ang maganda sa Unibersidad na'to.

Pag pasok namin ay agad na kaming lumapit sa cabinet upang kumuha ng apron na isusuot namin.

Isusuot ko na sana yung apron ko ng kinuha mula sa akin iyon ni Tristan

"Talikod ka, ako na mag susuot sayo nito"

Agad na ako'ng tumalikod at isunuot nya na sa akin iyon.
Nang naibuhol nya na ang tali sa likod ay inilagay nya ang natitirang buhok ko sa likod at sinuklay iyon gamit kamay nya bago itinali.

Gusto kong tumawa dahil ramdam ko sa pag tatali nya na nahihiharapan sya ngunit pilit inaayos ang pag tatali sa akin

"Ayan, hindi kana mahihirapan sa pag be-bake "
Humarap na ako sa kanya na nakangiti ngayon
oww ang sweet naman ng taong 'to

"Kaya naman pala may nakita na agad akong grupo ng langgam eh. Hindi pa tayo nag sa-start may sweet na agad. " Pang aasar ng isa naming kaklase tanging ngiti lang ang naisagot namin

"Tsk! Bakit ang layo mo sa kuya mo?  Mag kapatid ba talaga kayo?" Inis na singit ni Emjay. Sinunot nya na ang apron nya saka tumalikod sa'kin para maibuhol ko na ang tali ng apron sa likod nya.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon