CHAPTER #50

627 12 0
                                    


Chapter 50:
Crying are pointless



- THIRD PERSON POV -


Binabaybay ni Audrey ang daan papunta sa locker area nang makita si Tristan na masayang nakikipag usap sa isa mga school mate nila. Hindi rin naman nag tagal iyon at nag paalam na ang kausap n'ya para umalis. Nang mawala na iyon sa paningin ni Tristan ay ipinihit n'ya na ang mga paa para sana umalis na nang makita si Audrey na nakatayo at nakatingin sa kanya.

Nakita n'ya ang mapait na pagngiti nito.
“I can't explain the hell inside me because of missing you, but you seems just fine without me.”
Dama n'ya ang inis sa mga tono ng dalaga. Hindi na napigilang maiyukom ang mga kamao na hindi naman napapansin ni Audrey na tanging sa mga mata nito nakatingin.

Hindi ito sumagot. Iniiwas nito ang paningin saka nag patuloy sa paglalakad para sana lagpasan na ang dalaga ngunit nang malagpasan nya na ito ay.

“I wish I could neglect you like how you neglect me...” Her bitter voice.

“I'm sorry. ” Malamig na sambit nito.  Hindi kayang sabayan ni Audrey ang mga blangkong mata nito.

Mapait na ngumiti ito.
“I always did mistakes, but all of that... Loving you is my favorite.” Mahina pa itong natawa bago pinunasan ang mga luhang tumulo na pala.

Tumalikod ito at akmang aalis na nang maya maya ay matumba s'ya dahil sa biglaang pagkahilo. Mabilis na tumakbo ang binata at umupo sa harap niya. Humawak si Audrey sa noo niya dahil sa kirot nu'n

Hinawakan ni Tristan ang braso niya
“Are you okay?”

Kahit na kumikirot ang noo ay nagawa paring balingan ng sama ng tingin ni Audrey ang binata saka marahas na hinawi ang kamay nitong nakahawak sa braso nya.
“Don't ask me if I'm okay after breaking my heart.” Sagot nito at pilit na hinila ang sarili patayo bago umalis ng walang lingunan.












AUDREY POV

Hindi ko na napigilan ang sarili kong luha ng magawang lagpasan si Tristan. Ang sakit para sa'kin na makita s'yang nagagawang ngumiti habang ako ay nasasaktan.

Hindi ko pinansin ang mga estudyanteng nakakasalubong na napapatingin sa'kin dahil sa luha ko.

Lumiko ako upang magawang makalabas sa building. Naalala kong inaantay na pala ako ni Emjay sa quadrangle dahil sa gagawing project.

Nang tuluyan ko na s'yang makita mula sa malayo ay huminto muna ako saglit para punasan ang luha ko. Ayoko kong makita nya ang pag iyak ko dahil alam kong naapektuhan run s'ya nu'n. Nang magawa ko nang punasan ang pisngi ko ay inilabas ko na ang ngiti mula sa labi ko bago nag lakad na papalapit sa kanya.

“Kanina ka pa ba? Sorry. May... May isang prof lang kasi ang kumausap sa'kin. ” Bungad ko na agad na inayos ko ang mga gamit na gagamitin namin doon para iwasan ang mga tingin niya. Alam ko rin naman na nakatingin s'ya sa'kin ngayon.

“Oh. Talaga? ” Tamad na sagot n'ya.
“Mr. Choi ba ang pangalan n'ya? ”
Saglit na nahinto ko ang ginagawa bago muling naka usad. Hindj parin ako makatingin sa kanya.

“Ano bang sinasabi mo jan. Tara na nga, gawin nalang natin 'to--ay! Nakalimutan kong dalhin iyong manual.. Hays...wait lang besie ah.”

Palakad na sana ako nang yakapin n'ya ako mula sa likod.

“Audrey... ” Ibinaon n'ya pa ang mukha n'ya sa likod ko. Dama ko ang papaiyak sa tono n'ya kaya pinilit kong ngumiti saka yumakap sa mga kamay nyang naka yakap sa'kin.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon