CHAPTER #36

690 20 0
                                    


Chapter 36: Accident



THIRD PERSON POV

Tumayo si Audrey upang tignan ang kabuuhan n'ya mula sa salamin. Halos Kakatapos lang s'yang ayusan ng kaibigan. Itinirintas din ng kaibigan ang dalawang bahagi ng buhok nya sa taas habang naka buhay ang naka laylayan.  May bahagi din sa gilid ng mukha n'ya ang mga nakakawalang hibla ng buhok na mas lalong nag paganda sa maamong mukha ng dalaga.

Pumunta pa ito sa bahay ng kaibigan para mag patulong para sa magandang isusuot at pag aayos dahil s'ya naman ang eksperto pag dating sa ganito

Simpleng dark blue off-shoulder dress lang ang suot niya. Bagay sa suot n'yang bracelet na ibinigay sa kanya noon ni Tristan,  ang totoo ay wala namang araw na hindi n'ya iyon sinuot.

“And last. ” Natawa ito bago isuot sa kanya ni Emjay ang kanyang sling bag. Dumistansya pa ito para makita ang kabuuan ng kaibigan bago nag two tumbs up.

“Ang ganda mo naman miss, witwiw! Penge naman ng number mo oh. ” Nag boses lalaki ito saka kami sila na natawa.

“Ate, where's my--”
Natigil ito sa pag sasalita ng makita si Audrey. Ngumiti ito sa kanya.
“You look... Perfect. ” Mangha at hindi maputol ang mga titig nito sa dalaga

“Yeah, at hindi para sa'yo yan. ” Nangiwi ang binata dahil sa sinabi ng nakakatandang kapatid.

“Sige na besie, umalis kana at baka kanina kapa inaantay nu'n ni Tristan. ”
Tumango ito at akmang lalabas na ng humarang sa dadaanan ko si Ejhay.

“Tingin mo papayagan kitang umalis... ”'Naawang ang bibig ng dalaga sa nasabi niya. Seryoso ang mukha nito kaya napalunok ito.
“ ...Nang mag isa? ”'Ngumiti ito.
“Ihahatid na kita.. ”
Nangiti nalang ito at napa buntong hininga.

----

“Check his vital signs. ”
Rinig ng binata ng magising ang diwa n'ya. Pilit n'yang idinilat ang mga mata upang makita ang mga puting ilaw.

Nag papagewang gewang pa ang ulo nya dahil sa hikong nararamdaman

“A-Asan ako... ” Mahinang taning nito sa babaeng ngayon ay chinicheck ang katawan nya.

“Nasa hospital ka, Tristan. ” Nabalin ang paningin nya upang makita iyong babaeng s'yang naka bangga sa kanya. Naka suot ito ng white coat.

“D-Dairinn... ” Iyon lang ang nasabi n'ya. Hindi na s'ya nito sinagot dahil abala sa pag suri sa katawan nya.  Maya maya ay may inilagay sa loob ng bibig nya na bakal na tube.

Kahit na hihirapan ay tinanggal n'ya iyon at pilit na bumangod.

“K-Kailangan ko nang umalis... May nag aantay sa'kin---Aray!! ” Sigaw nito dahil sa baling kaliwang braso.

“Sir, huminahon po kayo.. Sir. ” Awat sa kanya ng ilang nurse pero hindi nya ito pinapakinggan. Patuloy lang ang pag pigil sa kanya ng mga ito.

“N-No.. Kailangan ko nang s'yang puntahan. ”

“Sir please... Doc, ano pong gagawin natin. ” Balin ng lalaking nurse sa doctor na mabilis na kumuha ng pang inject at mabilis na itinurok sa kanang braso nito.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon