CHAPTER 78

607 16 6
                                    

Dedicated to altheaarguilles


Chapter 78:
Still.



“What's bring you here? ”Bungad ko ng pag bukas ko ng pinto ay mukha ni Diocel ang nakita ko.

Ngumiti ito
“Can I come by here when I want to see my wife? ”Nag bibirong tono niya.

Natawa ako bago tinalikuran s'ya para umusad na papasok. Alam ko na rin namang sumunod na s'ya.

Umupo ito sa couch. Ako naman ay ipinag handa s'ya ng meryenda atsaka umupo narin sa single sofa.

“Nakakamiss 'yong batang sumasalubong sa'kin malayo palang. ” Aniya habang bumabalik tanaw pa. 

Napabuga nalang ako ng malamig na hangin dahil pareho kami ng nararamdaman.

“So... ”Humarap s'ya sa'kin at hindi ko alam kung bakit tila parang nag bago ang ihip ng hangin ng tignan nya ako mula sa mata.
“Let's get married.”Seryosong dugtong niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko.  Bigla ay nawala ako sa wisyo.

“D-Diocel, ano ba yang sinasabi mo--wala na si baby Anecia. We don't need to--”

“You really think that I only want to marry you just to legally have her as our daughter? ”Napalunok ako.
Ano ba 'tong ginagawa n'ya.

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil hindi ko alam ang dapat na isagot.

Hanggang sa ang seryosong mukha nya ay nawala at napalitan ng ngiti hanggang sa maging tawa.

Mabilis na nahampas ko s'ya dahil sa kalokohan nya.

“Nakakainis ka naman eh!”Singhal ko bago tumawa narin para matabunan ang dagliang kabang nararamdaman ko.

“Ang cute mo talaga pag nagugulat ka. ”Natatawang saad niya pa kaya nginusuan ko s'ya.

Maya-maya rin naman ay tumigil na s'ya sa pag tawa at umayos na.

“Pero alam mo namang minsan ko naging pinangarap na maging asawa mo hindi ba.”Sambit na ulit atsaka sumimsim sa juice.

“Oo, natatandaan ko.”Pakunwaring singhal ko pa.

Naalala ko noon nung binigyan nya ako ng singsing na gawa sa dahon. Doon nya sinukat ang daliri ko para sa singsing na bibilhin niya daw pag nag propose na s'ya.

Nakakatawang isipin na kahit ano pa yung nangyari sa pagitan natin, sa huli tayo parin ang mag kasama.”Natatawang sambit niya.  Napangiti ako dahil sa pag alala sa mga nakalipas.

Iyong araw na nakilala ko s'ya, naging mag kaibigan kami at hindi nalaon ay nag kagustuhan hanggang sa ang pag mamahal namin sa isa't isa ay binago ng panahon.

Ngayong kapwa na kami may ibang minamahal ay nananatili kaming mag kasama. Tila nag iisa ang nararamdaman namin.

Pareho kaming nasasaktan habang tinitingnan lamang ang taong mahal naming hindi manlang namin magawang hagkan.

“Ano palang nangyari nung iwan ko kayo rito ng mokong na 'yon? ”Pag bubukas n'ya ng panibagong usapin ng saglit na tumahimik.

Hindi ko pa muna s'ya sinagot dahil humigop pa ako.
“Wala naman. Hindi ko nga rin alam kung bakit s'ya nag punta rito. ”Umiling ako.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon