CHAPTER #45

591 8 1
                                    

Dedicated to athena_reign

Chapter 45: Worse situation


THIRD PERSON POV


Bago umuwi sa bahay ay naisipan ni Dairin na dumaan muna sa grocery para mamili ng ilang pag kain.

Pag katapos ayusin ng bagger and pinamili nito ay iniabot nya na ang bayad. Isang malaking paper bag lang naman pinag lagyan ng pinamili nya dahil hindi rin naman iyon marami.

Nag pasalamat ito matapos ibigay ang sukli n'ya.

Pag kalabas nito sa grocery ay agad na nag hanap ito ng taxi dahil hindi nya dinala ang kotse. Ngunit tila malas ata s'ya ngayon na makahanap ng taxi.

Nag lakad pa ito at nag baka sakaling sa ibang banda nya maispatan ang taxi.

Nanlaki ang mata nya ng makita ang isang mapilyar na lalaki makalabas lang mula sa isang cafe. Nangiti s'ya ng makumpirmang si Tristan nga ito. Akmang tatawagin niya ito pero napigilan nya ang sarili nang may pumasok sa utak nitong mas makakapag palapit sa binata.

Naawang ang bibig nya ng sadyang bitawan ang hawak. Napatunog nya pa ang bibig na akala mo'y hindi nya sadya ang nangyari.

Umupo s'ya at mabagal at isa-isang kinuha ang mga nag kalat na pinamili n'ya.

Palihim s'yang nangiti ng makita ang pares na kamay na tumulong sa kanya. Mga kamay ni Tristan.

"Nako salamat--Tristan?! " Umarti itong gulat habang ang binata ay totoong gular ng makita s'ya.

"Oh Dairinn. "Natutuwa at hindi makapaniwalang ang tinulungan ay kakilala.

Mahina kunwari itong natawa matapos nilang damputin ang mga ito at ibalik sa pinag lalagyan nito.
"Akalain mong nag kita na naman tayo... Bakit ba twing sa worse situation pa tayo laging nag kikita?"
Pag papaalala pa nito sa mga ilang sitwasyon na nag kita sila.

Napakamot nalang ang binata sa ulo.
"Hindi ko nga rin alam eh. Teka, wala ka bang kotse bakit ka nag lalakad mag isa. "

"Iniwan ko ang kotse ko sa bahay, hindi ko naman naisip na mahirap palang mag hanap ng taxi sa ganitong oras. " Singhal pa nito.

"Hatid na kita. "Alok nito.

"Talaga? Na'ko hindi ko na tatanggihan pa yan. " sabay silang natawa bago kinuha ng binata ang hawak ng dalaga. Ipinag bukas nya pa ito ng pinto ng makalapit sa kotse nya bago ilagay sa back seat ang pinamili nito.

Ilang kwentuhan pa ang pinag saluhan nila bago tuluyang makarating sa bahay nito. Pagbkabalas ni Tristan ay agad n'yang kinuha ang pinamili ng dalaga para s'ya na ang mag dala nito papasok.

"Sa'n ko ba ibababa ang mga ito. "

Nahinto ang binata sa sana'y paglalakad papasok ng bahay ng maaninag ang dalawang tao sa may garden.

Halos mabitaw ito sa hawak ng makita ang isang babaeng kahalikan ang isang lalaki. Mabilis na umakyat ang kirot sa puso niya ng makumpirma na iyon sila Diocel at Audrey.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon