CHAPTER #17

1K 23 0
                                    

Chapter 17: I'm yours



Lahat ay tahimik na nakikinig sa turo ni Sir. Jiro na nag susulat pa sa white board nang may pumasok mula sa pinto kasabay nang pagkabasag nang katahimikan.

'Kyaaaaahhhh!!! '

'Ang gwapo nya talaga! '

'Akin ka nalang po please '

'Juskoo pinapatay nya ako sa kilig! '

Nangiwi ako hindi dahil sa ingay nang mga kaklase kong babae kundi dahil si Tristan ang dahilan noon.

"Oh god! Tristan's really damn hot."
Gusto kong hampasin si Emjay ng notebook sa harap ko dahil tila damang dama nya ang pag sabi nun na kinarat pa ang pang ibaba nyang labi.

Bumalin nalang ako kay Tristan na nakasuot ng parang hospital mask pero kulay black ngayon na bumagay sa suot nyang maong jacket na kulay pink na naka unbutton, may suot syang plane white t-shirt sa loob nito na tinernohan pa ng ripped jean at puting sapatos. May suot din syang choker na parang sindurot ang design.

Ang hilig nya talaga sa Pink.

Aaminin kong mas lalong gumwapo sya ngayon. At buti nalang ay pumasok sya dahil hindi ata maku-kompleto ang araw ko nang hindi makikita ang mukha nya.

Naiwas ko ang paningin ko nang magtama ang mga mata namin pero hindi rin naman iyon nag tagal dahil ibinalik ko rin sa kanya ang paningin ko na sana ay hindi nalang pala dahil nakita ko s'yang tinanggal ang mask nya saka ngumiti sa'kin kasama ang malagkit at nakaka tunaw nyang tingin.

'Eeeeeeeih! Ano ba nakaka inggit ah! '

'Swerte talaga ni Audrey paano ba maging sya? '

'Nakita nyo kung paano sya tignan ni Tristan? Jusko! Kahit sino matutunaw dun eh. '

'Samahan pa ng nakaka freeze na ngiti wuuuaahh'

Hindi ko nalang sila pinansin pa at tumingin nalang kay Tristan na ngayon ay nangingiting humarap kay Sir.

"Good morning Sir. Let me apologize for being late to your class, Jeongmal mianhae." magalang ang pag kakasabi n'ya nun na bumagay naman sa kanya.

[ Jeongmal mianhae - I'm really sorry ]

"It's okay Mr. Choi, umupo ka na. " ngumiti si Sir nang mag bow sa harap nya ito tanda nang pag galang.

Sinundan ko lang sya nang tingin hanggang sa maka upo na sya sa tabi ko.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin? Alam ko gwapo ako." mahina syang tumawa. Natawa din ako sa biro nya saka naiiling na humarap muli sa kay sir na nag simula nang mag sulat muli sa board.

Mag uumpisa na sana akong mag sulat nang kunin ni Tristan ang kaliwang kamay ko at ipatong sa desk nya habang hawak iyon.

Inayos nya ang notebook nya at kinuha ang ballpen gamit ang kaliwang kamay saka nag umpisang mag sulat. Naalala kong kaliwite nga pala sya.

"T-Tristan yung kamay ko. " Idinikit ko pa ng bahagya ang mukha ko sa kanya nang ibuling iyon para hindi kami marinig ni Sir.

Hindi nya ako sinagot kaya pilit nalang na hinila ang kamay ko pero wala ring nangyari

"Tristan ano ba. "
Gulat ako nang pinagkunutan nya ako nang noo

"Tch. Wag ka magulo jan Audrey, nag susulat ako." kunwaring inis na bulngaw nya bago bumalik sa ginagawa. Napa buga ako ng hangin dahil sa inasal nya.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon