CHAPTER #43

611 11 0
                                        


Chapter 43:
Kiss me and I'll be yours.



Hindi ko alam kung paano nakapag lakad matapos iyong pag uusap namin ni Cindy. Ang tanga ko para hindi mapansin ang lahat. Iyon pala ang dahilan ng mga malungkot nyang ngiti. Napapunas ako sa pisngi ko ng namalayang may luha na pala iyon.

Pag karating ko sa hallway ng floor namin ay agad na nakita ko ang likod ni Tristan. Nakaupo ito at hindi namamalayang andito lang ako sa likod nya.

Naalala ko iyong nasabi ni Cindy kanina.

Tristan ano bang tinatago mo? Ba't hindi mo magawang sabihin sa'kin.

Napabuntong hininga ako. Kung hindi nya kayang simulan ay ako ang mag tatanong.

Ibubuka ko lang ang bibig ko para mag simulang mag salita pero hindi ko alam kung bakit tila ang hirap hirap na gawin nu'n. Naiyukom ko ang mga kamao ko dahil sa inis na hindi manlang magawang mag simula ng isang salita.

Audrey ano ba! Itatanong mo lang sa kanya. Mag tatanong ka lang kung ang ba ang tinatago nya. Ba't hirap na hirap ka!

Takot. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot na kapag nalaman ko ang totoo'y ito na ang mag dulot ng pag kasira ng relasyon namin. Hindi na ito bago sa'kin. Kahit noong kami pa ni Diocel, Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may nag bago. Hindi na tulad ng dati, at ang pag kakamali ko ay hindi ko nagawang mag tanong. I never asked him why.   Hanggang sa binasag na nga ako ng katotohanan. Huli na para sa isang tanong na hindi ko binigyan ng halaga dahil wala na.

Bakit ba kasi ang hirap para sa'kin na mag tanong? 

Nagitla ako ng humarao sa gawi ko si Tristan at mag tama ang paningin namin. Alam kong nag taka s'ya nang makitang naka tayo lang ako sa likod niya 

“Oh. Anjan ka na pala... Si Cindy?” Sinipat nya pa ang likod ko kung may kasama ba ako.
“Nakausap mo s'ya. ”

Ito na ang pag kakataon kong mag tanong, Please. Ayoko nang maulit iyong dati.

“M-May... ” Pag uuna ko na hindi ko na alam kung pa'no pa dudugtungan. Pakiramdam ko sa mga oras na'to ay isa lang akong munting batang hirap na mag salita.

- May hindi ka ba inaamin sa'kin, Tristan? -
Iyon lang naman ang dapat kong maibigkas. Iyon ang isinisigaw ng isip ko pero bakit napakahirap na ilabas ng bibig ko?

Nag aantay ang mga mata niya na ituloy ko ang sasabihin mo.

Umuwang ang bibig ko. Pero wala. Suko na ako. Hindi ko kaya. Saglit akong nakapikit bago ngumiti.
“May bago bukas na cafe doon,  ilang kanto lang ang layo dito. Try nating pumunta don mamaya pag uwi. ” Saad ko na para bang hindi mahirap kanina.

Ngumiti s'ya bago hinawakan ang kamay ko.
“Sige ba. ”

Shit. You shit! Iyong pag pasok mo dito, iyong pag course mo ngayon na kahit minsan hindi talaga kita nakitaan ng interes doon. Iyong sa araw-araw na pag bibigay mo sa'kin ng ngiti. Alam ko sa likod nu'n may tinatago ka.











EMJAY POV


Pasunod na sana ako sa clinic nang makasalubong si Yohand. Agad na hinanap ko ang tatlo sa likod nya dahil alam kong mag kakasama sila pero wala.
Aawang sana ang bibig ko para mag tanong nang

“Wag mong hanapin ang wala..” Tamad na sagot niya ng tuluyang makalapit.

“Sa'n sila nag punta?”

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon