Chapter 63: Scolded
Habang nag hihiwa ng gulay ay hindi ko parin mapigilang maisip iyong nangyari kanina. Iyong nakausap ko ang CEO. Ito ang una naming pag kikita pero bakit pakiramdam ko'y matagal ko na s'yang kilala. Hindi ko man nakita ang mukha niya ay pakiramdam ko'y hindi ito ang unang beses na nakita ko s'ya. Iyong Kilos, pustura at paraan kung paano s'ya mag salita ay may isang tao s'yang ipinaalala sa'kin.“Asan si Perez!! Perez!! Halika dito!! ” Natigilan ako ng marinig ang tila galit na galit na tonon ni Head chef saglit akong tumingin sa likod ko para makita s'yang palapit sakin. Mabilisan akong nag hugas ng kamay at basta nalang ipinamunas ang kamay ko sa suot ko dahil sa tarantan.
Huli na dahil pag pihit ko paharap ay nasa harap ko na ang gali na galit na mukha ni Head chef.
“Bakit n'yo po ako hinahan--”
“Sino ka para mag bida bida dito!!” Napapikit ako dahil sa pag sigaw nya mismo sa mukha ko.
Bida bida?
“A-Ano pong ibig n'yong sabihin? ”Hindi ko talaga maintindihan ang gusto niyang iparating.
“Bakit ikaw ang pumunta ng penthouse para mag bigay ng lunch sa CEO hindi ba't si Kelly ang inutusan kong gawin iyon?! ”
“E madam sorry, kasalanan ko naman--”Hindi nagawang ipagpatuloy ni Kelly anv sinasabi na para sana ipagtanggol ako dahil sinamaan s'ya ng tingin nito.
“Hindi kita kinakausap! Bumalik ka na sa ginawa mo!!”Napapikit rin ito dahil sa sigaw ni head chef.
“Sabi ko nga ho 'E.”Nakangusong saad nito. Bago pa man ito makapihit patalikod ay sumenyas pa ito sa'kin na nang hihingi siya ng tawad. Tumango at ngumiti nalang ako.
“Pasensya na po, hindi ko naman po kasi alam na bawal palang--”
“Iyon na nga! Wala ka pang alam ay umaakto kanang alam mo na lahat! ”napapikit ako ulit.
Kailan nya ba ako balak patapusin sa pag sasalita.
“Hindi naman po sa gano'n kaya lang--”
“Ayon! Masyado kang pabida. Hindi porket kakilala mo ang Director ay aarti ka na dito na animo'y boss ka na rin at gawin nalang basta ang naisipan mo!!! ”Awtomatikong natingin ako ng deretso sa mata n'ya dahil hindi ko gusto ang sinabi n'ya. Ilang segundo bago ako rin ang kusang umiwas. Napa buntong hininga nalang ako.
“Pasensya na po.”
Bahagyang naiyuko ko ang ulo ko.
Ayoko nang sumagot dahil mukhang hindi rin naman ako mananalo sa kanya, isa pa ay s'ya ang head chef at ako ang nag kamali kaya tama lang na napagalitan ako.“Tch. Sige... Dahil mukhang masyado kang ganado at para pati trabaho ng iba ay kukunin mo.. ”Pag bibitin nito sa sarili n'yang sinasabi. Bago ako saglit na tinignan.
“Simula sa susunod na linggo ay ikaw na ang mag hahatid ng meals sa CEO, Three times a day.”Agad na namilog ang mata ko.“Po? ”
“Nag rereklamo ka? ”May paninindak sa tono niya. Naibaba ko nalang ang tingin ko.
“Hindi po. ”Halos pabulong nalang ng maisagot ko iyon
Pinanood ko nalang ito na mag lakad palabas bago nasimangot
“Sorry talaga gurl. ”Rinig ko pang saad ni Kelly.
“Okay lang ano kaba..”Ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomansaWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...