Chapter 70:
Lying
Lumipas ang dalawang araw. Dalawang araw na hinid rin naman naging espesyal para sa'kin. Normal lang 'yon pero masasabi kong hindi tulad ng iba.
Napabuga ako ng hangin habang nakatanaw ngayon sa harap ng building ng Empire Corp.
Ang dating kinatutuwaan kong tignan bago pumasok ay ngayon halos kinatamaram ko nang pasukan.Hindi na gaya noon ang pakiramdam ngayon.
Pinili kong iyapak na ang mga paa ko papasok.
Papasok palang ako sa locker room ng maabutan ko sina Bernadette at Kelly na palabas.
“Ay te, andito kana pala. Arat na sa lobby. ”
Hawak sakin ni Kelly.Nangunot ako.
“Lobby?”“Oo, Nag patawag ng meeting si Mr Choi, may ipapakilala daw s'ya satin dahil hindi nya daw nagawa 'yon nung ipinakita n'ya na ang mukha n'ya. ”
Sino naman kaya.
“S-Sige. Mag bibihis lang ako.”
“Ay tih, later nalang meeting lang naman iyon. Araat na.”
Excited ako nitong hinila kaya wala na aking nagawa kundi ay sumama na.Nang makarating ka doon ay marami rami narin ang tao.
Mabuti nalang at dito kami banda sa likod at alam kong hindi ako makikita rito ni Tristan, sana nga.Humina na ang bulungan ng lumabas na nga sa wakas si Ellickson hanggang sa kasunod na nga nito ay mukha ni Tristan ang nakita ko.
Pero bigla ay tila sinabuyan ako ng malamig na tubig sa huling mukhang nakita ko.
Gusto kong pumukit at kusutin ang mata ko dahil baka nag mamalik mata lang ako pero hindi.
Akala ko ay tama na ang gulat na naging reaksyon ko pero may mas gugulat pa pala ng nakita ko nitong masayang yumakap sa braso ni Tristan na ngumiti rin sa kanya.
“Hanla teh, Diba si Doctor Dairinn Kang iyong nakayakap kay Sir Tristan? ”-Kelly
“Oo nga, shit s'ya ba ang ipapakilala n'ya satin? ”-Bernadette
Iyong ang tuluyang nag kumpirma sa bagay na nakikita ng mata ko pero hindi kayang tanggapin ng utak ko.
“Hindi na ako mag papaligow-ligow pa, Pinapunta ko kayo rito para ipakilala ang isang taong napakahalaga sa'kin.”Mauna nito bago ngumiti ng bumalin s'ya kay Dairinn na kumalas naman sa pag kakayakap sa kanya para ibaba ang hawak sa kamay nito.
“...I haven't had a chance to introduce her to all of you last time because something came up, so yeah.. She came here today for you to meet her.. The girl who owns me. ”
Pabirong tono lang ang huling sinabi n'ya dahilan para hampasin s'ya nito sa braso.Doon pumalibot ang bulungan. Lahat sila ay tila masayang narinig iyon. Kabaliktaran ng nararamdaman ko.
Mahigpit ang hawak ko sa tali ng sling bag ko.
“Let me introduce to you my fiancé...She's Dairinn Kang.”
Nakarinig ako ng mga bulungan. Mag kahalong gulat at tuwa ang lamang ng mga bulungan na iyon. Ang iba ay nanghihinayang dahil daw kakakilala palang nila sa gwapong CEO ay may fiance na pala ito. Ang iba naman ay kilala na si Dairinn dahil lumalabas na ito noon pa sa tv kahit pa nga lumipat na ito sa Seoul. Ang iba ay sinasabi bagay ang dalawa.

BINABASA MO ANG
Korean Hotties
Storie d'amoreWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...