Chapter 37: I'm torn
AUDREY POV
Tanghaling tapat na pero tamad na tamad parin akong kumilos. Naka upo lang ako sa kama ko habang ilang beses na palinga-linga sa phone ko. Nag babakasakaling makatanggap ng tawag o kahit isang message manlang galing kay Tristan.Simula kahapon ay hindi ko pa naririnig miski ang boses nya.
Hindi ko naman magawang tawagan s'ya dahil ayokong isipin nya na ang kulit ko. Hindi naman ako galit sa kanya dahil hindi niya ako sinipot dahil alam kong may dahilan s'ya. Miss ko na s'ya, sobra.
Tumayo ako at akmang kukuha ng libro para basahin para mag palipas ng oras ng bumukas ng ang pinto.
Nalingon ako doon upang makitang idungaw ni manang ang ulo niya
"Hija...May tao sa labas, inaya kong pumasok pero ayaw n'ya. "
Nanlaki ang mata ko nang makita iyon.Agad na inayos ko ang sarilinsa harap ng salamin bago bumaba dahil alam ko na kung sino ang tinutukoy nya.
Agad akong lumabas para makita s'yang nakatalikod.Binagalan ko na ang paglalakad papunta palapit sa kanya.
"Ang lakas naman ng loob mong pumunta pa dito matapos akong hindi siputin sa first date natin. " Kunwaring bungad ko nang makarating na sa likod nya. Bahagya pa akong nangunot dahil sa suot ng jacket na tanging naka patong lang sa likod nya.
Narinig ko ang pasinghal na tawa nya bago akmang haharapin ako nang yakapin ko s'ya mula sa likod.
"Alam mo bang sobrang nag alala ako sa'yo..Nakakainis ka. "Nanguso ako ng masabi iyon."Y-Yeobo.. "
"Hhm? "
"H-Hindi ko magalaw yung braso ko m-masakit. " Agad na napalayo ako sa nasabi nya. Ganon nalang nalnaki ang mata ko ng makita na may suot s'yang cast at may benda din ang noo niya
"A-Anong nangyari sayo?! "Gulat na turo ko sa hawak nya. Ngumiti lang ito.
"Na.. Na bangga kasi ako pagtawid ko papunta sa meet place natin... K-Kaya hindi kita nasipot... Sorry. "
"Ano ka ba naman! Ba't hindi mo sa'kin sinabi? Ano masakit pa ba? gosh! Kawawa ka naman. " Agad na sinuri ko ang ibang galos nya pa.
"Tumalsik kasi yung phone ko and yeah! Wala na'kong phone"'Sya lang ang natawa sa sinabi
"Ka...kasalanan ko naman kaya ako nabangga, hindi ako tumitingin sa daan, but I'm okay now. "
Alam kong hindi naman talaga nya kasalanan iyon at pinag tataguan lang ang naka bangga sa kanya na hindi ko alam kung bakit."Mukha bang okay 'yan. " Turo ko sa cast nya.
Mahina s'yang natawa bago hinawakan ang bewang ko. Napasandal ako sa unahan ng kotse niya. Inilapit nya ang mukha sa'kin saka ibinaba ang hawak sa kotse nya para isandal.
"Nakita na kita kaya okay na'ko. " Kahit na alam konh sinasabi jya lang ito para hindi ako mag alala ay nangiti parin ako. Naisip nya pa ang mararamdaman ko gayong nahihirapan s'ya sa pilay nya.
"Ewan ko sa'yo. Pilay ka na nga nagawa mo pang mambola jan. " Kunwari ko s'yang nirapan. Ang totoo'y hindi ko lang kasi kayang sabayan ang malagkit nyang titig.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...