Chapter 39: JUTAY!
THIRD PERSON POV
Masayang nag lalakad si Cindy sa hallway. Lalo pang nangiti ito nang makita ang likod ng pamilyar na tao papasok sa Library. Nangisi s'ya nang may kung ano na namang pumasok sa utak nya.
Sinundan nya itong pumasok hanggang makapunta sa bookshelve na helera ng mga medical books. Pasimple s'yang lumapit ng nakatalikod ito para mag hanap ng babasahin.
Dumapton ito ng libro nang makitang nakahanap narin ang binata ng mababasa.
Sinadya nitong ilaglag ang librong hawak niya ng akmang papaalis na ito.. Nangiti s'ya nang makitang dinampot ni Diocel ang libro nya.
Nagulat pa ang binata ng makita ang mukha nya nang iaabot na ito.
“Cindy.. ” Masayang saad nito.
“I-Ikaw pala, salamat ah. Nakakahiya lagi mo nalang akong tinutulungan sa tuwing nag kikita tayo.” Kunwaring nahihiyang saad nito bago akmang kukunin na sana ang libro ng mabasa iyon ni Diocel na lalo nya pang ikinangiti.
“Physics? Nagbabasa ka neto? ” Nangiti ang binata bago ipinakita ang hawak na halos pareho lang sa isang hawak.
“Oh? Akalain mo nga naman. ” Mahinang natawa pa ito. Ang totoo'y sinadya nya na talagang iyon ang kunin dahil alam nyang mga gano'ng klaseng libro ang madalas na basahin ng binata dahil nga Medical Student ito.
--
Ni hindi magawang makapag patuloy ng tahimik ni Ejhay sa pag babasa dahil sa ilang mga 4th year na tumatawag sa kanya. Napapailing pa ito na tila tinamad na sa kaka pilit na ngiti nito sa mga iyon.
Nang may umupo sa harap nito ay ngumiti sa kanya ay hindi nya na talagang napigilang tumayo at ibalik ang librong binabasa sa pinanggalingan nito.
Nang maibalik nya na ito ay natigil s'ya ng marinig ang pamilyar na boses.
Dahan-dahang nag lakad ito pero nahinto din ng sa wakas ay makita nya na ang s'yang nag mamay-ari ng boses na kanina ay narinig. Si Cindy.
Nangisi ito nang makitang masayang nakikipag kwentuhan ito kay Diocel. Naalala pa nito na kailan lang ay lasing na lasing ang dalaga na humagulgol pa sa harap niya. At ngayon ay para bang wala lang nagyari sa kung paano s'ya tumawa.
Maya maya ay nanlaki ang mata nya ng makitang dumating na si Viana. Hindi ito nag salita at ilang segundo lang nakatingin ng masama sa dalawa bago nag lakad paalis.
Narinig nito ang pag hihingi ng pasensya ng binata at pag papaalam na umalis bago tumayo at sumunod sa kasingtahan.
Ilang segundo pinanood ni Cindy ang pag takbo nito bago ngumisi na ikinangunot ng noo ni Ejhay.
----
Masayang lumabas si Cindy sa Library ngunit na ngiwi din ng makitang naka sandal si Ejhay sa gilid ng pinto.

BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomansWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...