CHAPTER #67

580 14 3
                                    


Chapter 67:
The Actual owner.





"Grabe ang dami at ang sa sarap ng mga pagkain dito mga bakla. "Natutwang sambit ni Kelly na kanina pa kung ano ano ang tinitikman.

"Kelly umayos ka nga, wala ka bahay n'yo ah."suway ni head chef

"Sabi ko nga ho madam head chef 'E. "Pag pirmi nito bago nilawakan ang ngiti
"Ay nasabi ko na ba sa'yong ang ganda mo ngayon madam head chef. bagay na bagay sa'yo 'yang suot mo, nag mukha kang teenager. "Puri nito.

"Maka ilang beses mo nang nasabi 'yan at pag hindi mo pa ititikom yang bibig mo ay pati yang pinggan ay ipapasok ko sa bibig mo. "Iritableng sagot nito.

"Sabi ko nga ho 'E. Tatahimik na. "Halos pabulong na sabi n'ya bago inilapit ang bibig sa tenga ni Bernadette
"Uy girl. Ipaalala mo sa'kin ekis na 'yong papuri na'yon ah. Hindi effective dai. "Bulong nito na ikinatawa ko.

Sila ang kasama ko dito sa table.
Naimbitahan kasi kami na mapasama sa handaan na ito. Ngayon na ang araw na ipapakita na ng CEO ang mukha n'ya sa lahat at halos lahat ay naeexcite na na makita s'ya.

"Ang bongga talaga mag pahanda ang mga mayayamerns anoh. Hays, ewan ko ba't hindi ako ipininganak ng may pera."
Natawa ako sa reaksyon niya na naikot pa ang mata bago kumagat sa kinakain.

Hindi ko alam kung bakit kami naimbitahan dito gayong mga chef lang kami at dapat kami ang mga nag su-serve sa mga taong andito pero andito kami ngayon. Kasalo ang iba't-ibang klase ng tao na kapwa sanay na sa mundo ng ekonomiya at pulitika. Oo, may mga taong taga politika ang andito.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga taong andito. May kanya kanya silang mga kausap.

Marami ang nag punta sa engrandeng handaan na ito. Iba't ibang uri ng tao ang andito, mayroong base palang sa suot ay alam mo nang mataas ang angkan na pinanggalingan, mayroon ding reporters na handa sa mangyayari. Lahat sila ang nag punta para lang makita sa mismo nilang mga mata kung sino nga ba talaga ang nasa likod ng taong nag pagbangon sa noong pabagsak at wala nang pag asang Empire Corp.

"Ladies and gentleman." Nabalin ang atensyon ng lahat ng may mag salita na sa stage.
"...I have something to announce... The host of today's meeting, Mr. Ellickson Montechael will give a speech shortly."Nag palakpakan ang lahat ng tumayo na si Ellickson para pumunta sa stage.

Pag karating n'ya doon ay tumayo na s'ya sa harap ng mic. Nag bigay pa muna s'ya ng magandang ngiti.
"I'm thankful to all of you who came today. to all of my guest, I have someone I want to introduce you to. " Pag bibitin n'ya. Ngayon na nga ipapakilala ng personal ang tunay na nag mamay-ari nitong kompanya.

Pansin ko ang iba ay lumilinga na nag babakasaling makita na nga ang CEO. Miski ako ay medyo excited narin na makita ang mukha nito.
"Like you already know, there is an actual owner of Empire corp which I have been running so far....And today he came here for all of you to finally meet him. " Saglit na pinutol nito ang sinasabi.
Halos lahat ay nabalin sa likod ng bumukas ang malaking pinto at iniluwal nito ang isang lalaki.

Bigla ay nanginig ang buo kong katawan. Nang makita ang isang lalaking nag lalakad. Formal ang suot niya at mababakas na sa ganitong klaseng mundo s'ya nababagay, sa mundo ng business.

Hindi ko alam kung ilang segundong tumigil ang pag tibok ng puso ko na kahit miski utak ko ay ayaw tanggapin ang taong nakikita ko. Ang kaninang pag ka excite ko na makita s'ya ay nawala at mabilis na napalitan ng kaba.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon