CHAPTER 77

613 20 9
                                    

Dedicated to florichie

Chapter 77:
More than anyone else.


“Where we going mommy?”Tanong ni Baby Anecia.  Andito kami ngayon sa kwarto niya at pinanood n'ya lang ako na iniimpake ang ilang damit niya.

Saglit akong nahinto sa tanong na iyon. Parang ayaw kong tignan ang maamo nitong mga mata dahil baka iyon lang ang pag tulak sa mga mata kong pakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipilit na bumagsak.

“A-Alis tayo baby, M-May.. May pupuntahan tayo.”
Hirap na sagot ko.  Makailang beses akong napapikit habang pinipilit na ayusin ang pag sasalita ko.

Nakapag-usap na kami ni Mr Monserrate at gusto n'yang kunin na ang anak nya at bumawi sa ilang taong pag kukulang n'ya. Nakwento rin niya na baka sa ibang bansa na muna sila mamalagi.

“Where po?  Sasama po ba si Daddy Diocel? ”

Please, pwede bang tama na'to?  Pwede bang magising na ako kung panaginip lang 'to.

Humarap ako sa kanya at pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

“Honey, kasi... Baka hindi na muna makasama ang daddy Diocel mo ngayon, 'E diba nasa malayo s'ya to help other people?”Hinaplos ko ang buhok niya na huling pag kakataon.

Tinawagan ko na si Diocel tungkol dito. Nang malaman nya ay agad na nag book s'ya ng flight para makabalik pero alam kong hindi niya na ito maabutan.
Ngayong araw na rin kasi ang flight paalis nina Mr at Mrs Monserrate.

“Let's wait for him then.”Inosente nitong sagot.

Please, Audrey. Pigilan mo ang mga luha mo.

“We can't wait for your daddy na kasi honey eh.”
Gusto kong umiyak pero ayokong makita niya.

“But why?  That bonding would be more fun if daddy Diocel is there with us.”
saglit akong nayuko upang pigilin ang sarili kong mga luha.

Ngumiti ako ng humarap sa kanya. Marahan ko s'yang hinila para mahigpit na yakapin. 

Alam kong nag tataka ngayon ang bata pero ni hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat sa kanya.

Nang makarating na kami sa airport ay ni ayaw maglakad ng mga paa ko.  Mahigpit ang pag kakahawak ko sa kamay ni Anecia na tila ayaw ma iyong pakawalan. 

Mabibigat ang bawat hakbang ko. Nag babakasakaling kahit dito manlang o kahit ilang segundo manlang ay maabutan ni Diocel si Anecia.

“Mommy, your hand is cold. ”Nakatingala ito sa'kin.

Ang totoo'y buong katawan ko ang nanglalamig at nanginginig.

Gusto kong umatras at itakas nalang ang batang hawak ko.
Kung hindi lang sumisingit sa isip ko ang karapatan n'yang makilala ang totoo n'yang ama at gano'n narin si Mr Monserrate.
Bakas sa mukha nito na magiging mabuting ama s'ya.

Nang makarating na kami sa waiting area ay doon agad na may sumalubong sa'min nahigit ko pa nga si Anecia payakap sa'kin ng animo'y kukunin nila 'to mula sa'kin.

Naluwagan ko lang ang hawak ko ng masilayan ko na ang mukha ni Mr Monserrate na agad na nilabasan ng malaking ngiti sa labi ng makita ang batang hawak ko.

Naibaba ko ang paningin ko para makita ang naguguluhang mga mata nito.

“S-Sya na ba? ”Animo'y hindi makapaniwalang tanong nito. Nag aalangan pa akong tumango.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon