CHAPTER #44

629 7 1
                                    

Chapter 44:
Addicted to you



Friday ngayon pero walang pasok dahil holiday.

Wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong pumunta sa bahay nila Tristan tutal naman ay namimiss ko s'ya. Ang totoo'y gusto ko na nga s'yang parating kasama,  Hindi ko magawang mag sawa sa mukha niya.

Pag punta ko sa kanila ay agad na sinalubong ako ng isa sa kasambahay nila. Sinabi nito na nasa kwarto nito si Tristan. Nag pasalamat ako bago umakyat.

Kumatok ako atsaka pumasok.

Saglit na tinignan niya ako bago bumalik sa harap ng laptop nya. Nakaupo s'ya sa study table niya at may kung ano-anong tina-type sa laptop. Nangiti ako dahil bagay sa kanya ang suot nyang salamin. Ang gwapong nerd ng isang 'to.

Lumapit ako para magulat sa katakot-takot na numerong sinu-solve n'ya. Ang bilis ng mga kamay nya na sagutan iyon.

“Para sa'n 'yan? ”
Tanong ko dahil sa wala naman akong matandaan na may ganyan kaming dapat i-solve. mag kaklase kami ni Tristan sa calculus at English at isa pang subject pero wala akong matandaan na may ganyan kaming napag aralan.

“Kay Yohand 'to. Hindi niya kayang i-solve kaya nag pa turo. ” Nahihilo ako sa bilis ng kamay nya. Kung mag type s'ya ay makikita mong siguradong sigurado s'ya sa mga sagot n'ya.

“Paturo? E ikaw na ang sumasagot nyan eh. ”
Hindi niya ako sinagot at natawa lang.

Naupo ako sa kama niya habang pinapanood s'ya. Sa mga ganitong sitwasyon ko talaga naiisip na hindi bagay sa HRM si Tristan kundi sa mas mataas pa doon.

Nailing ako ng sumagi na naman itong sinabi sa'kin ni Cindy. Kahit na ano pang tinatago sa'kin ni Tristan alam kong nag aantay lang s'ya ng magandang oras para sabihin sa'kin iyon. Sasabihin n'ya rin iyon sa'kin,  sigurado ako.

“Uy. Kain tayo sa baba, ipag luluto kita. ” Alok ko. Ilang segundo bago niya  ako snagot

“Wait lang, malapit na'to. ”
Nanguso ako sa sagot n'ya. Nahiga ako sa kama niya.

“Gano'n? So mas pinipili mong kaharap 'yan kesa sa maganda mo'ng girlfriend? ”Kunwaring nag tatampo kong tono. Bago bumangod,  nagawi ang paningin ko sa dalawang picture frame na nakalagay sa side table niya.
Iyong isa ay picture naming dalawa. Nakayakap s'ya sa'kin muka sa likod ako naman ay naka peace sign. Iyong isa naman ay litrato ng apat na tao. Si Tristan at Yohand ay nakatayo sa likod. Habang ang lalaki't babae na mukhang nasa 40's na ay naka upo. Sila siguro ang parents nila. Ang ganda at ang gwapo ng magula nila, hindi maiitangging dito sila nag mana.

Bakas sa mga ngiti nila na ang saya ng pamilya nila. Ano naman dahilan para itakwil s'ya ng daddy nya?

“Sampu nalang talaga at tapos na'ko. ” Sagot nya dahilan para bumakin sa kanya ang tingin ko.

Tumayo ako at muling lumapit sa kanya.
“Sampu nalang?! Ang hahaba kaya n'yan. ” Reklamo ko na ikinatawa nya. Nanatiling nasa screen ang mata n'ya.
Tch. Nakakainis naman 'to eh.
“Uy. Tara na kasi... Alam ko hindi ka pa kumakain... Pagawa mo nalang yan kay Yohand tutal sa kanya naman 'yan eh. ” Pigil ko pa. Lagot talaga sa'kin ang Yohand na'yon pag nakita ko s'ya.

“Saglit--”
Nahinto s'ya sa mag tatype ng harangan ng isang kamay ko ang sino-solve n'ya. Ngayon ay inangat niya na ang paningin sakin.

“Tara na. ” May awtoridad sa tono  ko. kahit pa hindi ko alam kung pa'no sasabayan ang malagkit ng titig.

Nagitla ako ng hinain n'ya ako dahilan para mapaupo ako sa kanya. Iyon na naman ang bilis ng tibok ng puso ko ng sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon