Chapter 34: The truth
"Mom, okay na'po ba ang mga gamit niyo, Baka po may nakalimutan pa kayo?"
Tanong ko kay Mom na ngayon ay nag aayos na ng buhok niya. Nakadungaw lang ako sa pinto ng kwarto niya. Nakababa narin kasi ang isang maleta niya. Iyon lang ang dadalhin niya dahil may mga gamit na s'ya sa canada dahil madalas naman kaming mag bakasyon du'n noon.Hindi ko talaga maiwasang malungkot ngayong aalis na s'ya. Ilang beses akong nag pumilit na ihatid na s'ya pero ayaw n'ya dahil may pasok pa ako at baka daw mahirapan pa s'yang umalis pag nakita pa ako.
Nakita ko ang pag ngiti niya sa repleksyon ng salamin. Tumayo ito at lumapit sa'kin para hawakan ang pisngi ko.
"Okay na ang gamit ko at wag ka nang mag alala lalong 'wag mong susubukang umiyak kung ayaw mong ako ang mag alala. "Paalala nya.
"I won't, promise. " Napiyok pa ako ng masabi iyon.
Ang totoo'y kagabi pa ako kinausap ni Mom. Tungkol sa mga dapat gawin at pag iingat sa sarili ko. Nag sulat din s'ya at idinikit sa ref para sa mga importanteng bagay na dapat gawin. Alam kong sa likod ng mga ngiti niya ay sobra din s'yang nag aalala para sa'kin.Ilang pag uusap pa ang ginawa namin ni mom bago s'ya nag pasyang umalis na at baka daw Malate pa s'ya sa flight niya. Isang beses ko pang pinilit na sasama sa pag hatid sa kanya pero talagang ayaw nya.
Hanggang makarating sa University ay tamad ang mga naging kilos ko.
Nabuntong hininga pa ako ng mapagyantong nasa harap na pala ako ng University.Papasok nalang sana ako ng makita si Cindy. Nakatayo ito at mukha may inaantay.
Ngumiti ito ng makita ako bago lumapit.
"Can we talk? " Seryoso ang mga mata n'ya.--
"I just want to say sorry for what was happened--I mean, doon sa inasal ko after kong malaman na kayo na... Ano lang kasi... N-Nabigla lang ako... A-Alam mo na, Tristan is my bestfriend and he didn't even bother to tell me gayo'ng kami naman ang mag kasama for two days. " Paliwanag niya. Ngayon ay naka upo na kami sa waiting shed sa tapat ng University. Pinag lalaruan nya ang mga kuko n'ya at tanging sa baba lang naka tingin.
Naiintindihan ko ang gusto n'yang iparating pero bakit pakiramdam ko ay may mas dahilan pa ang mga iyon.
"O-Okay lang 'yon ano ka ba. " Hinawakan ko ang kamay nya. Malungkot itong ngumiti.
"Ma... Masaya ako para sa inyo ni Tristan, finally nag worth din yung mga bagay na isinakripisyo n'ya makasama ka lang--" Naawang ang bibig nya at mababakas sa mukha nya na nabigla s'ya sa nasabi
Nangunot ang noo ko.
"Sinakripisyo? A-Anong ibig mong sabihin.. ""H-Huh? Wala.. I-Ibig kong sabihin... Y-Yung mga effort n'ya sayo, Yung pagsa sakripisyo niya ng friendship n'yo para lang maging kayo.. Y-Yon lang iyon.. Ay!! " Taranta itong tumayo.
"May.. May pupunta pa pala ako, ikaw din baka ma late kana.. S-Sige bye. " Nag madali itong nag lakad. Tatawagin ko pa sana s'ya kaya lang ay ang bilis n'yang naka layo.Bakit gano'n? Pakiramdam ko talaga ay mga bagay pang nag tatago sa mga bawat paliwanag na sinasambit nya.
Napabuntong hininga nalang ako bago nag pasyang pumasok.
Tamad akong umupo sa upuan ko ng makarating sa room. Agad na hinanap ko ang mukha ni Tristan pero mas nanguso lang ako ng walang makita.
"Ba't antagal mo? " Nakangusong tanong ng ni Cindy ng ilapit nya ang upuan nya sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
Roman d'amourWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...