Chapter 54: Hurt as well.Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa
Paalam na sa mga pangakong 'di na
Mabubuhay paKung may bago ka nang mamahalin
Wag kang mag-alala ako ay masasanay rin
Parang kahapon lang tayo’y magkasama
Naging isa na siyang alaala
Mula ngayon araw-araw ng mananalangin
Na sana’y lagi kang masaya...Iyon ang tutog na s'yang bumungad sa'kin pag kapasok ko sa klase ko ng economics. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang iyon ay nanggagaling sa phone ng isang babae sa likod. May mga katabi s'ya at mukhang gustong gusto rin ang pinapakinggan.
Wala pa kasi ang prof kaya malaya silang gawin iyon. Napa salongbaba nalang ako dahil sa dismaya habang naririnig ang kanta na ang alam ko'y Silent Sanctuary ang kumanta.
Hindi naman sa ayaw ko sa kantang iyon pero kasi tinatamaan ako ng bawat salita na nanggaling doon.
Hanggang ngayon ay sariwa parin sa'kin ang mga nangyayari doon sa Tagaytay. Bawat letrang sinabi ni Tristan. Na hanggang ngayon hindi ko pa nakikita. Iyong nasa Tagaytay pa kasi ang huling beses na nakita ko ang mukha nya. Hindi pa s'ya pumasok at ilang araw nalang at graduation na namin. Ilang araw narin kaming nag pa practice para sa martsa.
“Hi Besieeeee!!!” Malakas na bati sa'kin ni Emjay kahit pa nakalapit na s'ya sa'kin. Sinadya nya iyon dahil siguro napansin niyang may iniisip na naman ako.
“Miss me? ” Pabirong saad nya. Natatawang nairap nalang ako dahil kaninang first sub lang ay mag kasama kami.“Ba't ang tagal mo? ”
“Ah, pinuntahan ko pa kasi si Yohand. Baka kasi alam mo na, gwapo yung boyfriend ko. Baka may lumandi. ”
“Baliw. ”
“So, Wala ka bang maichi-chismis jan? Kwento ka naman oh.”
Sa mga yakap at halik
Sa tamis at pait
Bakit hinayaan?
Sinayang ko lang
Ang iyong wagas na pag-ibig
Di na kita kukulitin
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa
Paalam na sa mga pangakong 'di na
Mabubuhay paHindi ko agad magawang sumagot dahil napakaw ng kanta ang atensyon ko. Namalayan ko nalang ang sarili kong nanguso sa kawalan.
“Teka, sino ba kasing nag papatugtog?! Ano 'to. Music class? Patayin nyo nga yan, Uuwi kayong walang cellphone makita nyo!” Parang palengkerang saad ni Emjay. Na akala mo ay susugod talaga. Agad naman iyong sinunod ng mga ito.
“Tch. Mga etsusherang mga 'to. Akala mo naman mga nakipag hiwalay sa mga boyfriend nila maka senti 'E wala naman talagang mga jowa since birth. ” Singhal pa nya pag ka upo. Natawa ako dahil sa reaksyon n'ya.“So, Anong nangyari sa inyo ni Tristan ng maligaw kayo sa gubat? ”
Agad na nanlaki ang mata ko.
“N-Nangyari? Walang nangyari noh--Ano namang mangyayari sa'min. ” Nag iwas ako ng tingin pakiramdam ko kasi ang namumula ang nga pisngi ko.“Wala? I mean, hindi ba kayo nakapag usap, closure ba. ”
Naawang ang bibig ko bago napapahiyang bumalin muli sa kanyang nag tataka na ang mga mata.
“Yon ba ang tinutukoy mo? ”
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
Storie d'amoreWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...