CHAPTER #9

1.1K 24 2
                                    


Chapter 9: Confession Day.




Kaka tapos ko lang mag ayos para sa pag pasok mag susuklay nalang ako ngayon

"Nak! Andito si Tristan. " Sigaw ni mama mula sa first floor

Agad na nangunot ang noo ko. Bakit s'ya andito?

Pag baba ko nakita ko s'yang nakaupo. Tumayo na s'ya nang nakita ako. Naibabako ang paningin ko sa kaliwang kamay niyang nasa likod na para bang may itinatago roon.

"B-Bakit ka andito? " Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

saglit lang muna nya akong tinignan bago ngumiti.

"Para ibigay ito. " Pag kasabi nya nu'n ay inilabas nya na ang kaliwang kamay nya upang ipakita sa'kin ang hawak.

Isang Bracelet?

"Para sa'n yan? " Hindi ko maiwasang mag taka dahil wala naman dahilan para bigyan nya ako ng ganito.

"Hayaan mo muna kong isuot 'to sa'yo bago ko sabihin kung para saan yan. "

"Tristan?.. "

"Please.. "

Gaya parin ng dati hindi ko sya matanggihan. Nakatuntong hininga nalang ako bago naka singhal.

"Sige na nga. "
Nangiti ito bago inabot ang kaliwang kamay ko at isinuot ang bracelet

Simple lang ito kung titignan pero hindi nakakasawang pag masdan. Kulay gintong may design na infinity na nakakatuwang tignan.

"Yan bagay sa'yo. You know, when I first saw that bracelet, nagandahan na'ko pero nung naisip kong suot mo yan the first word come to my mind is the word 'Perfect'"

Hindi ko napigilang mangiti ng marinig iyon sa malambing na boses ng lalaking nasa harap ko.

"Para sa'n nga 'to, ba't mo'ko binibigyan neto?"

"Gusto ko lang mag sorry about what was happend last day. nagalit ka sa'kin kasi nag over reacted ako ng wala sa lugar. I'm really sorry." Dama ko ang sinsero nya

"So suhol 'to ganon? " Pabiro kong tugon.

"No. No, Audrey don't think that way. Gusto ko lang talagang ibigay yan sayo It's my choice saka sorry din pala kasi ngayon ko lang sinasabi sayo mga ito. Ngayon lang ako nag so-sorry, hinantay ko lang na mawala yung galit mo sa'kin para pag nag usap na tayo maayos. "

Sino ba'ng magagalit sa taong kagaya mo, Tristan.

Sabi ko sa utak ko kaya hindi ko napigilang ngumiti.

Hinawakan ko ang kamay nya.
"Listen to me. Hindi ako galit sayo at hindi ako nagalit sa'yo okay. Oo nainis lang kasi nagulat ako sa kinilos mo pero in the end I realized that you're just concern to me and worried na baka masaktan na naman ako at nag ti-thank you ako sa'yo sa lahat ng iyon. " Ngumiti ako at mahagyang na alog ang kamay naming magkahawak.

"So ibig sabihin.. Okay na tayo, Friend na ulit? Kasi honestly hindi ko kayang hindi ka makasama o hindi maka usap ng matagal. "

Ngumiti muli ako.
"Oo. Sige na. "

"Really? Yes!! Thank you Audrey. "
Ilang segundo ata akong natigilan sa paghinga ng yakapin nya ako.

Nang kumalas sya sa pagkakayakap ay doon lang tumibok nang pagkabilis bilis ang puso ko.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon