Chapter 66:
Marry me.
“Ay oh. Talaga may charm itong si Audrey. Akalain mo luto niya lang ang kinakain ng CEO..”
Sabi ni Kelly habang nag luluto ako“Oo nga, ano bang secret recipe mo jan sa mga niluluto mo at pati 'yong lion doon penthouse ay napaamo mo ha, Audrey.”
Nasa mag kabilang side ko sila na kapwa pinapanood lang akong magluto ng pananghalian ng CEO
Kanina ay hinatiran ko na s'ya ng almusal n'ya na pinaabot ko nalang secretary n'ya.
“Ano ba kayo, wala akong nilalagay rito noh. Binibigay ko lang ang best ko para naman masarapan s'ya. ”Sagot ko na nanatiling sa niluluto lang nakatuon.
“Atsaka, hindi naman kasi gano'n kasungit ng CEO masyado lang kayong natakot.”Dugtong ko pa“Asus! Ang sabihin mo, sa'yo lang talaga mabait ang CEO. Ay! Gurl sure ako, bet ka n'yang si sir.. ” Sambit ni kelly na lumapit na sa lamesa at doon umupo.
“Uy. 'Wag ka ngang ganyan.. Mamaya may makarinig sa'yo at iba ang isipin. ”Saglit na luminga ako para tignan s'ya.
“Sorry na bakla, 'E kasi naman... Nakakapanibago ang CEO.. Dati kasi ay miski anino ng employees ay ayaw niyang nakikita sa penthouse kundi ay mawawalan talga ng trabaho, tapos ikaw. Malayang malaya kang nakakalabas pasok ng buhay doon? Grabe lang talaga beks. ”
“Tama si Kelly, Audrey. Kahit nga ako ay gano'n din ang naiisip ko.. Maganda ka--sobrang ganda actually. Kahit ata itong si Kelly ay tiyak na liligawan ka kung naging lalaki s'ya E.” Pag sang-ayon ni Bernadette
“Ay te, wiiit! Walang talo-talo bakla, mga dyosa tayo dito oh.”Maarting reklamo pa nito na animo'y nandidiri kaya natawa kami.
“Imposible, Imposible ang mga iniisip n'yo noh. Hays, tama na nga ang usapang 'to.”Pinatay ko na ang stove dahil tapos na ang niluluto ko. Inilipat ko iyon sa sink at inayos na ang pag lalagyan ko ng mga pag kain. Tinulungan ako ni Bernadette kaya nag pasalamat ako ng walang boses.
“Sabi mo bakla 'E.”Rinig kong sabi ni Kelly.
“Teka, alam mo na ba ang balita?”
Maya maya ay sambit ni Bernadette habang tinutulungnan ako.Nangunot ako na saglit na natigil sa ginawa.
“Anong balita?”“May ganap next week, beks. Engrande. ”Singit ni Kelly kaya nabalin ako sa kanya.
“Anong ganap?”
“Ay, ano ba'to. Ikaw ang laging kasama jan ng CEO hindi mo alam? ”Nailayo pa ni Bernadette ang mukha nya na animo'y ayaw maniwala.
“Ipapakita na ng CEO ang mukha nya. Kaya nga nag laganap na naman ang chismisan dito.. Lahat sila ay excited na makita na s'ya.”Paliwanag n'ya pa.Agad na namilog ang mata ko.
“T-Talaga? ”
Gulat na reaksyon ko.“Oo, kaya ihanda na natin ang mga sarili natin na makita s'ya. ”Bakas kay Bernadette na naeexcite narin itong makita ang CEO
Aawang pa sana ang bibig ko para mag salita pa ng bumukas ang pinto at iniluwal si Ms Reyes.
“Tama na ang daldalan, bumalik na kayo sa trabaho. ” mabilis na pumalakapk pa ito. Ngumiti ako kay Bernadette bago ito bumalik sa pwesto niya dahil saktong tapos na kami sa ginagawa namin.Inilagay ko na sa basket ang mga pinaglagyan ko ng pag kain ng CEO para ihatid na ito sa kanya.
Nag paalam na nga ako kay Ms Reyes bago lumabas at sumakay na ng elevator.
BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...