CHAPTER #69

584 11 2
                                    

Chapter 69:
live interview


Tutok na tutok ang dalagang si Emjay sa computer sa harap niya para sa script na gagamitin ng team nila sa susunod na ifi-figure sa show. Sa kanya kasi nakatoka iyon.
Saglit na huminto s'ya para magkasalungat na side na ibali ang leeg niya at bahagyang hilutin ang balikat. Nang matapos ay ibinalik na nya muli ang mga daliri sa keyboard at akmang mag tatype muli ng may mag lapag ng can of fress juice sa harap n'ya.

“Mag fresh juice ka muna, kanina ka pa jan 'E.”bungad ng katrabaho nitong si Anthony na s'ya ring cameraman n'ya.
“Mamaya mapano pa iyang nasa tiyan mo, sugurin pa kami dito ng boyfriend mo. ”Biro pa nito.
Matamis na nginitian niya ito bago kinuha ang ang can.

“Salamat, bro. The best ka talaga.” Nakangiting tumango ito, at kumaway bago nag lakad paalis. Tinanggal niya na ang takip at humigop sa hawak. Isinandal nya ang likod sa malambot na sandalan at mariing pumikit para saglit na ipahinga ang mata.

“Emjay. Pinapatawag ka ni Ms Clemente sa office n'ya, now na.”
Awtomatikong napadilat ito. Para tignan ang katrabahong babae.

Nangunot ang noo ng dalaga bago tumayo rin at nag tungo ng office.

Kumatok muna ito  bago binuksan ang pinto.
“Pinapatawag n'yo daw ho ako?”

“Yes, have a seat.”

Agad namang sinunod iyon ng dalaga na umupo na.

“Kamusta 'yang baby mo? Nag pa check up ka na ba?” Tanong nito ng makaupo na ang dalaga.

Tumango ito.
“Okay naman po. ”Ngumiti pa s'ya
“Bakit n'yo po pala ako napatawag?”

“I have a project for you, na alam kong ikaw lang rin ang makakagawa ng maayos.”Deretsang sagot nito

Ilang saglit bago ito nakapagsalita.
“What is that?”

Lalong gumanda ang ngiti ng boss niya saka ipinatong ang isang black folder sa harap ng dalaga.
“I want you to have a live interview with that person.” Sambit nito. Saglit na tinignan na muna ng dalaga ang boss nya bago ibinaba para kunin ang black folder.

Hindi na s'ya nag aksaya ng oras para buksan at tignan kung sino ang nag mamay-ari ng information chart at mabigla ng makita ang maliit na litrato doon.

Mr Tristan Daewoon Choi The biggest shareholder of Empire Corp.

Pag kumpirma sa nakita niya
Hindi s'ya nag kakamali, tama nga ang nakikita niya.

Hindi nya na tinapos ang pag babasa at muling inilapag iyon sa lamesa.

“M-Maam I think I can't have an interview with him. ” Deretsong saad nito na ikinangunot ng noo ng boss nya.

“What, But why? Emjay, his suddenly appeared in economic world is really shocking,  It would be great if you have an interview with him.”

“B-But ma'am it won't be easy to--”

“What? He's your boyfriend's brother right,  Tingin ko naman ay walang magiging problema na makausap s'ya.”
Saglit na natigil ang dalaga. Alam nga pala ng tao dito ang detalye tungkol sa relasyon nila ni Yohand lalo pa't kilala rin ito sa larangan ng pang gagamot.

“Pero ma'am hindi naman porket kapatid s'ya ng boyfriend ko ay--”

“Ba't ba andami mong dahilan Emjay, Are you with you? Hindi ata si Emjay Herixx Cruz ang kaharap ko, iyong walang hinihindiang balita.” Hindi na maitago nito ang pag kainis dahil sa panay na pag dadahilan ng dalaga.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon