Chapter 60: Too late.
12:45 nang makarating kami sa Manila, tulad nga ng sabi ni Diocel ay hinatid nya kami kanina sa airport.
Panay lang ang tanong ni baby Anecia sa mga nakikita habang nasa byahe kami.
Pag karating namin sa bahay ay tulad ng inaasahan ko ay nag handa si manang Lucile na masayang sinalubong rin kami.
“Ay juskooo, Audrey hija.” Maluha luhang saad nito nang yumakap sa'kin.
“S'ya na ba iyong si Anecia?” Turo nito sa batang hawak ko.“Opo, manang.”
“Haroooy. Napaka gandang bata.” Ilang beses nyang hinalikan ang bata bakas na natutuwa s'ya rito.
Ngumuso lang si Anecia dahil hindi s'ya pamilyar sa taong humahalik sa pisngi niya. Ilang saglit nya lang na sinuri ang mukha nito bago tumingin sa'kin tinaasan ko naman s'ya ng kilay senyas na nag Tatanong.
“I'm starving.” Nakangusong sambit nito na ikinatawa namin ni Manang.
“Osya, tara na't nagugutom na iyang cute na cute na batang iyan. Nag handa ako ng marami para sa inyo. ”Natutuwang hila sa'min ni manang.
Pumunta na kami ng kitchen para pakainin si Anecia.
“Sayang lang at hindi n'yo na naabutan ang parents mo na kakaalis lang noong nakaraang buwan para bumalik sa Canada. ” Biglang sambit ni manang habang sinusubuan ko si Anecia.
Hindi ako agad nakasagot dahil nireplyan ko pa ang text ni Diocel na nag tatanong kung nakarating na ba kami sa bahay.
Ngumiti ako ng bumalin kay manang.
“Okay lang ho iyon. Isa pa, Na meet narin naman nila itong si Anecia noong pumunta sila sa Cebu para dalawin ako. ” saad ko dahil ilang beses rin namang nadalaw nina mom at dad sa'kin doon sa Cebu.Nag salin ng tubig si manang at inalalayang painumin si Anecia.
Muli kong hinawakan ang phone ko para sana tawagan si Emjay ng malayo palang ay narinig ko na ang malakas n'yang pag tawag sakin
“Besieeeeee!!! ” Muling sigaw pa uli n'ya ng makalapit na.
“Wooaahhhh!!! Bessieee Imessyooo! My bestfriend...” Naiiyak kunware nitong saad ng mahigpit na niyakap ako.
Aaminin kong namiss ko ang mga ganitong likos n'ya.“Musta ang buhay sa Cebu, Audrey. ” Singit ni Ejhay.
Ngumiti ako. Alam ko rin naman naranasan niya nating tumira doon.
“Nanging masaya naman.” Nang sabihin ko iyon ay kay Anecia ako nakatingin.“Wuuuaahh! Bogoshipeoooo.”Sambit ni Cindy nang yumakap rin sa'kin.
“Na miss rin kita, Cindy..kayong tatlo.”Natutuwang saad ko.
Hindi narin naman ako nababago sa Korean Language, dahil sa loob ng mga taon na nakasama ko si Diocel ay natuto na ako dahil narin sa mga pag tuturo n'ya. Hindi naman pala gano'n kahirap ang pag aaral ng korean language. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon ko lang naisipang mag aral nun. Ngayon ay nakakaintindi ako ng Korean Language pero hindi ko pa kayang mag salita.
“Ay, nga pala. May binili ako para kay baby Anecia. Yyiiieee! Hi baby, Ang cute cute mo naman.” Natituwang sambit nito ng lumapit na sa bata. Inabot nya na ang dala. Narinig ko ang nahihiyang pag papasalamat ni Anecia na ikinangiti ko.
Nakita ko ang kamay ni Ejhay na hinahaplos ang buhok ng bata.
Bakas sa kanila na nasisiyahan sila dito.

BINABASA MO ANG
Korean Hotties
RomanceWhat will you do if you had a korean ex-boyfriend and sa gitna ng pagiging bitter mo, you will meet a guy who is also came from korea? This is a story of a girl who got fooled and hurt by her ex boyfriend and because of that, she will meet a guy w...