CHAPTER #28

811 21 4
                                    


Chapter 28: Be my everything.

Dumaan muna akong cafeteria para bumili ng bottled water bago pumunta sa gym. Naiisip kong bilhan si Tristan ng tubig dahil alam kong wala s'yang dala.
Kanina ay naaya s'yang mag basketball kasama si Yohand. Hindi ko s'ya nasamahang pumunta doon dahil nag pasama si Ma'am Violet at mag pasa ng ilang papers sa head office.

Pag karating ko doon ay agad na nakita ko si Tristan habang idini-dribble. Nangiti ako ng mabilis na iniwasan nya lang ang paparating na kalaban at sabay shoot nito na agad ding pumasok. Nag sigawan ang iba sa mga nanunuod.

Nag lakad pa ako at nakita si Emjay na naka upo sa bleacher kung saan nauupo ang mga manlalaro.
Umupo nalang ako dahil wala atang oras si Emjay na pansinin ako dahil busy s'ya sa pag tutok kay Yohand na ngayon ay s'ya nang nay hawak sa bola.
Ilang beses nya pa muna itong drinibble bago ipasa sa kakampi. Ilang iwas pa ang ginawa nila bago muling ipasa sa kanya ang bola at agad na ishinoot na s'yang pasok din. 3 points.

Hindi ko alam na magaling din pala ang magkapatid sa larong 'to.

Pagkatapos nu'n ay nag tawag narin ng time-out

Tumayo na ako upang salubungin s'ya kahit pa hindi pa nya ako nakikita dahil sa malayo ang tingin nya.
Akmang itataas ko na ang boteng hawak ko para ibigay sa kanya dahil ilang hakbang nalang naman ang lalakarin nya nang biglang may humarang sa dadaanan nya.

S'ya na naman?

"Tristan... Hi. " Malambing ang boses nito.

"Hi. " Ganti naman ni Tristan
Kitang kita ko rito kung paano nya ngitian ang babaeng nasa harap na para bang hindi nakitang andito lang ako.

"I've watched you play and whoaw! You really are good player."
Manghang saad ni Krisha

"Really? Oh thank you."

"Oh wait, I bought you water. I know you're tired. "

"Hala, salamat. Hindi mo naman na kailangan pang bumili nito para sa'kin. "

"It's you, so it's okay. Omg! You sweats a lot, wait." Naawang ang bibig ko nang makitang maglabas sya ng panyo at marahang pinunsan ang mukha ni Tristan.

Gusto kong mainis dahil ang ginagawa nya ay ang mga bagay na kanina ko pa gustong gawin simula pa pag pasok ko dito.

"Still breathing?" Bulong ni Emjay na idinikit pa ang bibig sa tenga ko.

"I'm ripping right now but, Yeah. my heart still breathing."

Nahigpit ko ang ang hawak sa bote. Pinilit ko ihakbang ang mga paa ko para makalabas dito na sana hindi ko nalang pala pinasok pa.

Hindi ko nalang tinignan si Tristan para magawa kong malagpasan s'ya ng maayos ngunit.

"A-Audrey, Aalis ka na?"
Napapikit ako ng hawakan ni Tristan ang braso ko.

Bakit gusto mo pa bang manood ako kung ka makipag palitan ng ngiti sa ibang babae?

"O-Oo, may...gagawin pa pala ako eh." Pag dadahilan ko. Ngumiti nalang ako dahil pakiramdam ko ay ang init na ng mata ko.

Bumaba ang tingin nya sa hawak kong bottles water kaya nakaramdam ako ng ilang.

"T-Tubig ko'to, Akin 'to. Binili ko'to para sa'kin. " Tarantang sabat ko kahit pa hindi naman sya nag tanong.
"S-Sige. Aalis na'ko." Pinilit kong ngumiti ngunit agad din iyong nawala ng makalabas ako.
Nahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang pag bilis ng tibok nu'n.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon