CHAPTER #58

572 10 6
                                    


Chapter 58: Craving


7:00 ng magising si Yohand. Sinadya nya talagang magising ng maaga at nag baka sakaling maabutan pang tulog katabi ang kasintahan pero siguro'y hindi parin sapat ang pag gising nya ng maaga dahil tulad ng nakasanayan ay wala na naman ito ng magising s'ya.
Miski sa gabi kahit pa anong antay ang gawin nya dito ay parati nalang itong gabing gabi na kung umuwi dahil sa trabaho.
3 years ago kasi ng pinili nitong maging isang news anchor kabaliktaran sa natapos n'yang curso. Dahilan ng dalaga ay siguro'y pag hahatid ng balita ang talagang para sa kanya. 

Nang makababa ay inabutan nya ang dalagang nag mamadaling mag handa ng breakfast na alam niyang para lang sa kanya dahil hindi nya na ito makakasabay dahil mamaya rin ay aalis na rin ito.

Tahimik lang ito na lumapit at umupo. Inilibot nya ang paningin sa pag kain na hindi naman nagawang mag patakam sa kanya.

“Oh? Gising ka na pala, nag handa na'ko, ano bang gusto mo'ng kainin. Ipaghahanda na kita, maya maya ay aalis na rin ako. Hindi na kita masasabayang kumain ah. May interview pa kasi ako with Mr. Mendez. Tapos mag eedit pa ako.”Tarantang paliwanag ni Emjay habang nag hahanda ng makakain ni Yohand na blangko lang ang mga mata.

“Love, I'm craving. ”Malamig na saad nya. Nakatuon ang mga mata n'ya sa platong nasa harap ngunit walng tiyak na tinitingnan.

Sandaling natigan ang dalaga at nangunot ang noo.
“B-Bakit ano bang gusto mo, Wala ba sa naluto ko? Sabihin mo na agad kasi baka Malate ako. ”
Bakas ang pag mamadali sa dalaga. Habang nag hahanda.

Ngumisi si Yohand na may kasamang pait
“...I'm craving for your time and attention.” Iyon ang nag pa seryoso ng mukha ni Emjay.

Wala s'yang nagawa ng tumayo na ang binata at iwanan s'yang nakatulala.
Hindi na kailan man naisip na maririnig n'ya ang mga salitang iyon kay Yohand.

Naiwang nakatulala ang dalaga. Doon nya naisip ang pagiging abala n'ya sa kanyang trabaho na hindi manlang makapag bigay ng oras sa nobyo.

Sa loob ng limang taon ay unti-unti nawawalan na ito ng panahon dito at minsan pang nakakalimutan ang mga araw na dapat ay para sa kanilang dalawa lang para gawin ang trabaho.  Kahit pa ngayon ay pinili nilang mag sama na sa iisang bahay tila minsanan nalang kung mag tagpo sila rito.

Alam niyang iniintindi na lamang s'ya nito pero siguro'y ngayon ay talagang sobra na.

---
Nang makarating si Yohand sa hospital na s'yang oinag du-duty-han n'ya ay agad na may mga batang nurse ang bumati sa kanya.

Habang nag lalakad ay saglit s'yang nahinto ng makita ang kakilalang babaeng doktor na may kausap na nurse.

Nagpatuloy ito sa pag lalakad sakto natapos rin ang pag uusap nila ng makapapit sa sa mga ito. Binati s'ya ng nurse bago patakbong umalis.

“Ang aga agad, mukhang nalugi agad yang mukha mo, Viana. ” Pang aasar nito sa doktora na inukot lang pang paningin.

“Kagabi pa'ko naka duty, hindi pa ako umuuwi, ano sa tingin mo? ” Sagot nito sa kanya. Sabay silang natawa.
“Sige, may aasikasuhin lang ako.” Pag papaalam ng doktora na hinawakan pa ang balikat nya bago nag mamadali nag lakad narin.

Pinanood nalang nya itong maglakad hanggang sa mawala na ito bago nag lapat na papuntang nurse station.
“Good morning Doc Choi, aga natin ngayon ah.” Bati ng lalaking nurse.
Tipid na ngiti lang ang naibigay niya. Bago kinuha ang  isang patient's chart at sinuri iyon bago muling ibinalik.

Korean HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon